Showing posts with label Laurice Del Rio. Show all posts
Showing posts with label Laurice Del Rio. Show all posts

Precious Hearts Romances - 1455 : Ano Ang Hatid Ng Bukas?

Batid ni Kylene na paghihiganti ang dahilan ng pagbabalik ni Jake sa bayan nila. Nais nitong ipakita sa kanila kung ano ang narating ng hardinerong minamata ng lola niya noon. Ito na ang higit na nakaaangat ngayon, at ayaw man niyang tanggapin ay kailangan niya ang tulong nito.
Minahal niya ito noon. Akala niya ay sapat nang mahal nila ang isa't isa kahit mariin ang pagtutol ng lola niya rito. Ngunit bigla na lang itong umalis.
Sa muli nilang paghaharap, nais niyang isumbat dito ang pang-iiwan nito sa kanya, ang sakit ng damdaming idinulot nito sa kanya. Pero paano niya iyon gagawin gayong sa bawat titig at pagkakalapit nila ay nanlalambot ang kanyang mga tuhod? Na sa kabila ng galit na nababasa niya sa mga mata nito ay batid niyang mahal na mahal pa rin niya ito.
At bakit siya nito inalok ng kasal?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero 352 : Dion

Pumayag si Breanna nang magyaya ang kanyang kasintahang si Charles na magbakasyon sila sa isla na kabibili lamang nito. Kasama nila ang matalik na kaibigan nitong si Dion.

Ngunit isang trahedya ang naganap habang patungo sila roon. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan nila. Napahiwalay sila ni Dion kay Charles.

Sa masukal na kagubatan na kinahantungan nila ay nakadama siya ng seguridad sa piling ni Dion kahit ilang beses na nalagay sa panganib ang kanilang buhay. Sa kalaunan ay namalayan niyang nahuhulog na ang kanyang loob dito.

Noon muling nagkrus ang mga landas nila ni Charles. Hindi pala ito nasawi sa pagsabog. Sa muling pagkikita nila ay natuklasan niyang wala na siyang damdamin para dito. Si Dion na ang itinitibok ng kanyang puso.

Ano ang gagawin niya? Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan ng dalawang lalaki ngunit hindi na talaga niya mapipilit ang kanyang sarili na mahaling muli si Charles.