Tahimik na ang buhay ni Alodia sa Laguna. Kontento na rin siya sa pagpapatakbo sa kanyang maliit na couture shop. Pero biglang nabago ang mapayapang daloy ng kanyang buhay nang mapilitan siyang tumuntong sa Calle Pogi para hanapin ang na-“kidnap” na alaga niya.
Sa Calle Pogi ay natagpuan niya ang lalaking nagtataglay ng pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya—si Sage. Nagmamay-ari ito ng bakeshop na puring-puri ng mga kabarangay at mga kalapit-barangay nito.
Katulad ng mga paninda nitong pastries at cakes, naniniwala siyang sweet ito. Kaya lang, wala siyang amor sa matatamis. She hated everything sweet and romantic. She hated cakes and chocolates. She hated flowers and love songs.
But if that was the case, then why couldn’t she resist Sage’s sweet smile?
Posted by
charmangel24
at
7:11 PM
"I can't picture myself being in love with someone else. I guess I've been in love with you forever."
Nagtataka na si Natalya kung bakit tuwing nilalapitan niya ang resident pediatrician ng barangay nila na si Matteo Evangelista ay palaging nadidisgrasya ito. Napaisip tuloy siya kung ano ang problema sa kanya.
Nakaka-bother kasi ang ginagawang pag-iwas nito sa kanya. Pero minsang muntik na siyang maaksidente ay ito ang sumagip sa kanya. At magmula noon ay hindi na siya iniwasan nito. Palagi na itong nakaalalay at nag-aalala sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ng ilusyunadang puso niya na umasang nagsisimula nang mahulog ang loob nito sa kanya.
Ang kaso, nalaman niyang may mahal na pala ito noon pa. Ito pa nga mismo ang nagsabi niyon sa kanya.
Paano na siya?
Posted by
charmangel24
at
9:43 PM
"I may have changed a lot, but I changed because of you... for you. Ipinangako ko noon sa sarili ko na kapag nagkita uli tayo, ako na ang magtatanggol sa iyo."
Nang maisipang magbakasyon ni Jean, sa Calle Pogi siya nakarating. Madalas kasing ibida iyon sa kanya ng kaibigan niyang si Mags. Sa bakasyong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila ng kababata niyang si Makisig. He was a lanky, nerdy boy when they were kids. Pero ngayon ay bagay na bagay na rito ang pangalan nito. Makisig na makisig na ito.
Ngunit hindi lamang pala naging makisig ito, may pagkasuplado na rin ito. But that didn't stop her from being fascinated by him. Naa-amaze kasi siya sa laki ng ipinagbago nito. Kaya sa tuwing nagkikita sila, kinukulit-kulit niya ito.
Pero nanatiling dead-ma ito sa pangungulit niya. In fact, hinahayaan lang nito at inuunawa ang kapraningan niya. And everything was okay. Until he told her she was a very important friend lo him.
Hala! Kaibigan lamang pala ang tingin nito sa kanya? Pambihira! Ano na ang gagawin niya ngayong hindi lamang siya basta humahanga rito?
Posted by
charmangel24
at
9:42 PM
"Lahat naman ng nagmamahal ay takot masaktan. lt's all a part of the game called 'love. ' But if you don't take risks, you wouldn't know the true meaning of the word."
Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban mula sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan.
Sanay na si Fara sa mga ganoong sitwasyon ng binatang kaibigan at kapitbahay niya. Parang naging ritwal na sa kanila na tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito.
Harmonious. lyon ang matatawag niya sa relasyon nila. Nagulo lamang iyon nang mag-umpisang magpakita ito ng mga senyales na higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya.
Dahil mabilis namang maka-pick up ang puso niya at may lihim siyang pagmamahal dito ay nagtapat siya ng pag-ibig dilo. Pero hindi ang inaasahan niya ang naging tugon nito.
"Thanks for the feelings, Fara."
Ganoon lamang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?
Posted by
charmangel24
at
9:40 PM
Grabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama.
Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki--si Ryu.
Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito.
They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline.
Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya.
Uuuy, tsismis!
Posted by
charmangel24
at
1:52 AM
Naglayas si Amaya sa bahay nila upang patunayan sa kanyang mga magulang na kaya niyang tumayo sa kanyang mga sariling paa. Napadpad siya sa Calle Pogi. Doon ay nahasa niya ang pagiging children’s book illustrator.
Pero sa malas ay sinundan siya roon ng taong nagsabi sa kanya na walang direksiyon ang buhay niya--si Drei. Bakit naroroon ito?
Isang araw na hindi na siya makatiis ay tinanong na niya ito. “Ano’t bigla ka na lang sumulpot sa lugar na ito?”
“I like it here. Isa pa, bagay ako rito.”
“Bagay ka rito?”
“Yes. Because this is Barangay Calle Pogi. And a handsome person such as myself should only belong to a place like this.”
Nakakaasar mang aminin pero guwapo talaga ito. Subalit magkaganoon man, naiinis pa rin siya rito. Balak ba nitong bantayan siya para malaman kung magtatagumpay siya?
Galit siya rito. Pero bakit nang magpakita ito ng kabaitan sa kanya ay parang bulang naglaho ang galit na iyon?
Posted by
charmangel24
at
10:23 PM
Crista had always liked Bucho, their barangay’s beloved captain. Hindi niya ikinahihiya iyon. In fact, natutuwa pa nga siya kapag may nanunukso sa kanya. Pabor iyon sa kanya. Kapag tinatanong siya kung may gusto siya rito, “oo” agad ang sagot niya.
Everything was simpleto her. Para sa kanya, kung gusto mo ang isang tao, dapat sabihin at ipakita. Ang problema, ang pagkakaalam niya ay “gusto” lamang niya si Bucho. Hindi niya napaghandaan na puwede pa palang mas lumalim ang damdamin niya para dito.
Hanggang dumating na nga ang araw na iyon. She fell in love with him. Maaamin pa rin kaya niya iyon sa harap ng maraming tao? O sa harap mismo ng lalaking minamahal niya?
Posted by
charmangel24
at
6:01 AM


