Showing posts with label Dawn Igloria. Show all posts
Showing posts with label Dawn Igloria. Show all posts

Precious Hearts Romances - 2951 : Pest-free Chance

Kontrapelo agad ang drama nina Heidi at Marco sa una nilang engkuwentro sa isa’t isa. Pikon siya at mapang-alaska naman ito. Pero habang tumatagal, nakikita nila ang endearing qualities ng bawat isa. Hanggang sa mamalayan na lang nilang kapwa hulog na ang loob nila sa isa’t isa.
Kaya lang ay maraming “anay” sa paligid nila na pilit sumisira sa pagmamahalang nabuo sa pagitan nila. Sa bandang huli ay nag-give up si Heidi. Hindi siguro talaga sila ni Marco para sa isa’t isa. Pero nakonsiyensiya siya sa sumbat nito.
“Ipunin mo man ang lahat ng rason kung bakit ayaw mo na sa relasyon natin at kahit valid pa ang mga iyon, hindi pa rin sapat ang mga iyon para tumbasan ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi tayo dapat maghiwalay. Mahal natin ang isa't isa. Ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ang pag-iibigan natin.”
Ngayon, paano pa siya lalaban kung talo na siya? Dahil balita niya ay isinuko na rin siya ni Marco?

Precious Hearts Romances - 2908 : Asmina's Destiny

Lumaki at nagkaisip si Asmina sa liblib na pook ng Ilang-ilang. Ang akala niya ay doon na siya mananatili habang-buhay. Ngunit nabaligtad ang mundo niya nang makita siya ng masungit at supladong si Romualdo. Ito ang naging daan upang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao.
Hindi pala siya tunay na mahirap. Apo pala siya ng multimillionaire na si Se¤or Rufo.
She was transformed from the proverbial rags to riches. Nakatakda siyang maging tagapagmana ng malaking kayamanan. Pero may hitch: kailangan niyang pakasalan ang supladong si Romualdo. Malay ba niya na may lumang kasunduan pala ang mga magulang nila noong hindi pa man siya natututong magbasa ng letra sa Abakada.
Okay na rin sana kahit suplado si Romualdo. Guwapo naman ito. Sa katunayan, crush nga niya ito kahit hindi pa niya ito nakikitang ngumiti.
Kaya lang ay tinanggihan nito ang alindog niya.

Precious Hearts Romances - Cinderella 20 : Hiyasmin (The Shell Seeker)

Umiikot lang ang buhay ni Hiyasmin sa beach house ni Tita Francia, ang taong nagpalaki sa kanya. Nagkaisip na siya sa beach house, nagsibli rito at sa anak nitong si Colette. Ang pinakamalayong narating niya ay ang baybayin sa labas ng bahay na nagagawa lang niya tuwing lumuluwas ang mga ito sa Maynila.
Marahil ay ganoon na lang talaga ang buhay niya, hindi malaya, habang-buhay na magbabayad ng utang-na-loob sa kanyang tita.
Ngunit nakilala niya si Guillermo nang minsang mamulot siya ng mga sigay sa aplaya. Napatanga siya nang matitigan niya ito. Maging ito ay titig na titig sa kanya. Natagpuan niya ang sariling minememorya ang bawat anggulo ng guwapong mukha nito.
Nakikipagkaibigan ito. Pero mabilis niya itong tinalikuran. Ayaw niyang suwayin ang isa sa mga bilin ni Tita Francia.
Ngunit nasilip niyang nakatanaw ito sa bahay.
Pangako, sa susunod na magkita kaming muli, susuwayin ko na si Tita Francia…

Precious Hearts Romances - 2915 : Fake Lovers

Dumating si Vera sa puntong kinainisan na niya ang kanyang sarili dahil wala nang lalaking makatagal sa kanya. Naisip niyang may mali siguro sa kanya at walang nagturo sa kanya kung paano maitatama iyon.
Kaya lumapit siya kay Lumiel at humingi rito ng tulong. Kinausap niya itong magpanggap bilang boyfriend niya at turuan siya kung paano magmahal nang tama at mag-handle ng isang relasyon. Plano kasi niyang balikan ang ex-boyfriend niyang si Morris.
She didn’t think Lumiel would take it to heart to teach her. Dahil tinuruan nga siyang magmahal nito sa tunay na kahulugan ng salita. Kaya nang magtapos na ang “tutorial sessions” nila, kapit-tuko na siya rito.
“Kung nag-aambisyon kang maging boyfriend si Lumiel, kalimutan mo na. Dahil kumbaga sa kurso sa college, kahit first sem lang sa puso ni Lumiel ay hindi mo mararating. Hindi ko papayagan,” banta niya sa babaeng hahabul-habol dito.

Precious Hearts Romances - Braveheart Series 26(Batch 2) : Zebedee Yulo IV (Winter Haven)

"They say you'll find your destiny when you're not trying to find it at all."

Para kay Laila, Zebedee Yulo IV was every woman's dream. Kaya nang magpakita ito ng interes sa kanya ay mabilis na na-capture nito ang puso niya.

Kaya lang, kung gaano kabilis siyang nagkagusto rito ay ganoon din kadaling nawala ang feelings niya rito.

Their relationship was relegated to mere a friendship. Doon naman sila mas naging close nito. He became a constant refuge for her. Noon din lumitaw ang mga bagay na hinahanap niya rito noong sila pa nito.

Handa na siyang sabihin dito na mahal pa rin pala niya ito. Ngunit iba na ang mahal nito ngayon.

Ngayon ay nahahati siya kung aagawin niya ang binata, o hahayaan na lang niyang lumigaya ito sa piling ng tamang babae.

Precious Hearts Romances - My Lovely Bride 167 : Mirian & Francis

“What is the use of earning the next million kung wala ka namang pag-aalayan nito?”
Iyon ang mga salitang ayaw magpatahimik kay Mirian bago mamatay ang pinakamamahal na tiyuhin niyang si Benedicto. Huwag daw siyang tumulad dito na tumanda nang hindi nagkaasawa. Bumuo raw siya ng sarili niyang pamilya.
Kung mag-aasawa siya, siyempre, doon na sa mahal niya. Ang kaso, mailap ang pag-ibig sa kanya. May lahi pa naman sila na pagtuntong ng late twenties ay hindi na nagkakaanak pa.
Naisip tuloy niya na maaari naman siyang magkaanak nang walang asawa, kung ang habol niya ay huwag lang siyang abutan ng expiration ng kanyang biological clock. Kailangan lang niyang pumili ng grade A na sperm donor. And the most likely candidate—ang makulit na manliligaw niyang si Dr. Francis Lepanto.
Pero nang sabihin niya rito ang kanyang plano, tinanggihan siya nito. Naintriga tuloy siya. May lalaki bang tatanggi sa “no strings attached” na magdamag na lovemaking?

Precious Hearts Romances - 2929 : For The Love Of Vincent

Beulah means “married.” Kumbinsido si Beulah na sa binatang may-ari ng napakagandang mountain resort na pinagbakasyunan niya matutupad ang kahulugan ng pangalan niya. Unang kita pa lang niya kay Vincent, tinamaan kaagad ng palaso ni Kupido ang puso niya.
Pero hindi ito interesado sa kanya. Mas gusto nitong magmukmok at alalahanin ang ex-girlfriend nitong nag-asawa.
Sinubukan niyang paibigin ang binata. Nakapasok naman siya sa pader na iniharang ni Vincent. Akala niya ay effective ang lahat ng gimik niya dahil kung hindi sa kanya, hindi raw nito muling mararanasan na lumigaya. At with matching sweet kisses pa iyon on the side.
Pero ibang tono na ang kinakanta nito nang umuwi siya at balikan ito pagkalipas lang nang ilang araw.
“Beulah, ang nangyari sa atin noon ay isang magandang interlude lang. Pareho tayong nag-enjoy. Pareho tayong sumaya sa company ng isa’t isa. At nang umalis ka, natapos na. Ganoon lang `yon,” nakangiting sabi nito.

Precious Hearts Romances - BES 5 : Kahit Sa Panaginip

Hindi inakala ni Mayumi na sa malayong bayan pa ng Sta. Fe siya makakakilala ng isang prinsipe, si Prince Amir.
Attracted kaagad sila sa isa’t isa. Ngunit nang malaman nitong hindi siya nito kauri, parang bigla itong napaso. In an instant, she was relegated into a slave, an outcast.
Ang sabi nito sa kanya, hindi raw maaaring magkaroon ng relasyon ang isang tulad niya at ang isang dugong-bughaw na tulad nito. Hindi raw pinahihintulutan iyon sa kahariang kinabibilangan nito.
Ang sabi naman niya, ginawang pantay-pantay ng Diyos ang tao kaya posibleng magkaroon ng relasyon ang ordinaryong taong gaya niya at ang katulad nito.
Makumbinsi naman kaya niya ito sa paniniwala niya?

Precious Hearts Romances - 2934 : Chance In Passing

Minsan lang dumaan sa buhay ni Mayen ang pagkakataong kiligin siya sa isang lalaki. At iyon ay nang dumating sa buhay niya ang true love niya na si Joshua. Kinupkop niya ito sa pag-aakalang nawala ang memorya nito.
Okay na sana ang lahat dahil mutual ang feelings nila para sa isa’t isa. Kaya lang ay natuklasan niyang nagpanggap lang itong may amnesia—inupahan pala ito ng kinamumuhian niyang ama upang manmanan siya.
Ngayon ay nahahati ang puso niya sa dalawang bagay: patatawarin ba niya si Joshua o kalilimutan na niya ito?