Showing posts with label 18 Roses. Show all posts
Showing posts with label 18 Roses. Show all posts

Precious Hearts Romances - 18 Roses (Batch 2) 33 : Sofia Lorraine (The Beloved Slave)

Malapit nang sumapit ang pinakahihintay ni Sofia Lorraine na debut niya nang matuklasan niya ang napakabigat na problemang kinasusuungan ng mommy niya—lubog na ito sa pagkakautang. Lalong lumaki ang problemang sumalubong agad sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging ganap na dalaga nang idemanda ito ng ginang na pinagkakautangan nito.
Ayaw niyang makulong ang mommy niya. Kaya bago pa mangyari iyon ay nakipag-usap na siya kay Mrs. Estevez na huwag nang ituloy ang demanda. Gagawin niya ang lahat, sukdulang magpaalila siya rito.
Pero ibang klaseng pagsisilbi ang gusto ng ginang kapalit ng peace of mind niya—iyon ay ang baguhin niya, o mas tamang sabihing paibigin niya, ang anak nitong si Vincent. Si Vincent na saksakan nga ng guwapo ngunit mukhang galit naman sa mundo.
Kaya ba niyang patinuin at paibigin ang lalaking mukhang labis na magpapasakit ng kanyang ulo… at ng kanyang puso?

Precious Hearts Romances - 18 Roses 28(Batch 2) : Maiko (My Japanese Doll)

"Kapag nagmahal ka, huwag mong ibibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Para kung sakaling hindi ka man makatanggap ng inaasahan mo mula sa kanya, may respeto ka pa sa sarili mo."

lyon ang isa sa mga hindi makakalimutan ni Maiko na word of wisdom sa kanya ni Ephraim, ang estrangherong lalaki na bigla na lamang dumating sa buhay niya. For her, he was the perfect man, ang hinihintay niyang Prince Charming.

Ito ang nagbigay ng kulay at saya sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging isang ganap na dalaga.

Pero paano kung matuklasan niyang ito rin pala ang sisira sa sinabi nito sa kanya kung paano siya magmamahal? lyon ay pagkatapos niyang matuklasan na sa likod ng magagandang ipinakita nito sa kanya ay may motibo itong labis na magpapasakit sa kanyang puso.

Si Ephraim ba ay isang "lobo" sa likod ng mala-Prince Charming na pagkatao nito?