Matalik na kaibigan ni Carmela si Max. Ito ang parating kasama niya at halos sa kanyang bahay na ito nakatira. Ganoon din siya sa bahay nito. Marami man ang nag-iisip na sila na at kahit itinutukso sila sa isa’t isa, alam niya ang totoo: best friends lang sila. Ngunit hindi niya inaasahan na isang araw ay sasabihin nito sa kanya na mahal siya nito. Nagulo ang mundo niya. Hindi siya handa sa ganoon. Kaya naman umiwas ito sa kanya.
Kung kailan wala na ito ay saka niya natanto na matagal na palang ito ang isinisigaw ng puso niya. Paano na kung mayroon na itong nobyang pantasya ng kalalakihan--maganda, matalino, maalindog at kompara sa kanya ay isang diyosa? May pag-asa pa kaya siyang mabawi ito?
Posted by
charmangel24
at
3:34 AM
Kapangalan ni Sharon ang megastar subalit siya’y isang bituing walang ningning—walang pera at minalas pang mawalan ng trabaho.
Nag-apply siya bilang yaya ng pamangking si Mikael na naiwan sa pangangalaga ng masungit nitong tiyuhin na si Bruce.
Batid niyang napilitan lamang ang binata na tanggapin siya dahil sadyang magiliw sa kanya ang bata.
Sa pagdaan ng mga araw, lalong napalapit sa kanya si Mikael. Na siya namang ipinagkaiba ng relasyon nila ng tiyuhin nito. Dahil sa halip na mapalapit at mapalagay ang loob niya rito, tila siya nakatulay sa alambre kapag kaharap ito. Bawat maling kilos niya ay pinupuna nito.
Ngunit hindi niya napigilan ang pag-usbong ng isang kakaibang damdamin para dito. Sa paglipas ng mga araw, tila hindi lamang ang pamangkin ang gusto niyang alagaan, kundi pa rin ito.
Ngunit paano niya iyon maisasakatuparan gayong sa tuwing magkakalapit sila ay tila ito napapaso at iglap na lumalayo?
Posted by
charmangel24
at
2:58 AM
Mayroong sama ng loob si Estrella sa kanyang malupit na ama kaya nilisan niya ang kanilang hacienda. Ibig niyang patunayan dito na kaya niyang mamuhay nang mag-isa at umunlad sa sarili niyang pagsisikap kaya nagplano siyang babalik lang kapag matagumpay na siya.
Ngunit bumalik siya nang mamatay ang kanyang ama. At ganoon na lamang ang galit niya nang malamang ipinagkatiwala nito ang mga ari-arian nit okay Andres, ang lalaking umagaw sa kanya ng pagmamahal ng kanyang ama.
Mula noon hanggang ngayon ay nakikihati ito sa hindi nito dapat pakialaman. Hindi niya mapapayagan iyon... Ngunit paano na kung ang puso naman niya ang ibig nitong kunin?
Posted by
charmangel24
at
2:53 AM
Bilang cheerleader, campus figure si Sam noong high school—maganda, sosyal ang mga barkada. Schoolmate niya si Marcus, na mas kilala niya bilang si Macoy—payat, makapal ang salamin sa mata, baduy. Lagi itong pinagti-trip-an ng kanyang mga kaibigan. Naaawa man siya rito ay wala siyang magawa. Na-guilty pa siya nang husto nang mapilitan siyang ipahiya ito sa prom. Iyon ang huling pagkakataong nakita niya ito.
Pagkaraan ng maraming taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Napanganga siya sa hitsura nito—matangkad, makisig, guwapung-guwapo, at matagumpay na sa buhay. In short, he was now a super hunk!
Doon nagsimula ang pagkakalapit nila at madalas na pagkikita. Naligalig pa nang husto ang mundo niya nang matikman niya ang tamis ng halik nito.
Ngunit paano kung nais lamang siyang gantihan ng binata kaya nakikipaglapit ito sa kanya?
Paano pa niya isasalba ang kanyang puso, gayong nahumaling na iyon nang husto rito?
Posted by
charmangel24
at
1:07 AM
Noong una ay galit si Wendy kay Lance, ang kuya ng kabanda niyang si Lara. Naiinis siya rito dahil masyadong straight ito at hantarang sinabi nito sa kanya na bad influence siya sa kapatid nito.
Ngunit minsan ay nabaligtad ang sitwasyon. Nagkapaliwanagan sila. He became her boyfriend. And it was a wonderful relationship until she found out he was doing something terrible behind her back. He did not love her.
Kaya bakit pagkatapos ng maraming taon at walang-humpay na patutsadahan nila tungkol sa nakalipas ay nangungulit na naman ito at ayaw pumayag na pakasalan niya ang lalaking sa palagay niya ay makakapagpasaya sa kanya?
Posted by
charmangel24
at
5:08 AM
Kababata ni Tea si Kevin. At noon pa man ay minahal na niya ito.
Naging saksi rin siya sa naging paghihirap ng loob nito nang umalis ang kasintahan nito patungo sa ibang bansa.
Nang hindi na niya nakayanan na hanggang sa pagkakaibigan na lang ang kanilang pagtitinginan, pinlano niyang akitin ito—sa pag-asang mababaling ang pagtingin nito sa kanya.
Ngunit imbes na ganoon ang mangyari ay nagalit ito sa kanya. Pakiramdam niya ay napahiya siya.
Nagpasya siyang lumayo.
Subalit kung kailan naman siya lumalayo ay saka naman palaging nagkukrus ang kanilang mga landas.
Dahilan upang muling lalong mabuhay at lumago ang pagtanging dati nang nasa kanyang puso.
Paano kung ang lalaki naman ang umakit sa kanya?
Posted by
charmangel24
at
3:21 AM
Pakiramdam ni Andrea ay nagkantahan ang mga anghel sa langit nang mag-propose sa kanya si Miguel. But she found out he was indeed too good to be true. Isa lamang pala ang ibig nito: ang kunin ang lahat ng mahalagang bagay sa kanya upang maghiganti. But Andrea Cabaña was no wuss. She would fight till the end. Makikita nitong nagkamali ito sa kanya.
Posted by
charmangel24
at
7:10 PM
Nang makilala ni Andrea si Miguel ay agad na nakadama siya ng matinding atraksiyon dito. Hindi man ito ang tipo niya sa isang lalaki ay nagawa nitong pabilisin ang tibok ng puso niya. Miguel had the looks, the money, the style, the sophistication to sweep a woman like her off her feet.
He seemed too good to be true... Was he?
Posted by
charmangel24
at
7:07 PM
Nangailangan ng pera si Alexandra kaya naman ibinenta niya ang old coin ng yumao nang abuela sa isang collector na si Dave.
Nang magastos na niya ang pera ay saka naman hindi natigil ang pagpapakita ng kanyang lola sa kanyang mga panaginip, na halos magpabaliw sa kanya.
Naisipan niyang bawiin ang coin kay Dave ngunit ayaw na iyong ibenta ng binata.
Isa na lamang ang solousyon na naiisip niya. Ang nakawin ang coin!
Pero paano naman ang puso niyang ninakaw na ng lalaki?
Posted by
charmangel24
at
4:16 AM
Malaki ang problema ni Autumn. Kailangan niyang magkaanak na, kung hindi ay hindi na siya magkakaroon ng tsansang magkaroon ng supling kahit kailan. Ang problema, ni boyfriend ay wala siya.
Hindi niya matanggap na hindi na siya magkakaroon pa ng anak sapagkat ang pinakamalaking pangarap niya ay ang magkaroon ng pamilya, mga anak. At dahil ang tagal dumating ni Mr. Right ay nagpasya siyang humanap na lang ng magiging ama ng kanyang anak bago pa maubos ang oras niya.
Nakakita naman siya, isang lalaking nagngangalang Donatello.
Pero parang lumalagpas na sa plano niya ang lahat. Hindi na anak lang ang gusto niya mula rito kundi maging ito...
Posted by
charmangel24
at
8:22 PM
Posted by
charmangel24
at
4:01 AM
Hindi kaya ni Flor na iwasan si Zeph. Ayaw man niya ay nahuhulog ang loob niya rito. Alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay kaya ganoon na lamang ang paglaki ng puso niya nang pinatunayan nito kung gaano siya kamahal nito. Tinalikuran nito ang lahat para sa kanya.
Subalit dumating ang pagkakataong siya naman ang kailangang magpamalas ng pagmamahal ditto upang mapabuti ito. Ngunit labis na nagalit ito sa kanya…
Posted by
charmangel24
at
1:41 AM
Dahil kailangang iwasan ni Flor ang isang makulit na DOM ay napilitan siyang lumuwas sa Maynila. Masaya naman siya nang agad siyang matanggap sa isang hotel bilang chambermaid. Doon ay nakilala niya si Zeph, ang big boss niya—mayaman, guwapo, arogante, batas ang bawat salita.
Hindi maganda ang naging unang pagkikita nila. Hindi sinasadyang napagkamalan niyang masamang tao ito kaya nahataw niya ito sa ulo at natutukan ng patalim.
Sinesante kaagad siya nito subalit nakiusap siyang bigyan siya nito ng isa pang pagkakataon. Napahinuhod naman niya ito… Subalit bakit sa pagdaan ng mga araw ay tila ibig nitong mapabilang siya sa listahan ng mga babae nito?
Posted by
charmangel24
at
1:19 AM
Alicia met Rodrigo when she was sixteen. Hindi niya kaliga ang lalaki. Nagtatrabaho lamang siya bilang kawaksi sa mansiyon ng mga ito habang ito ay marami nang accomplishments sa buhay nito. Kasama na roon ang bilang ng magagandang babaeng balita niyang na-involve dito. Nangangamba siya tuwing nasa mansiyon ito sapagkat hindi niya alam kung ano ang gusto nito sa kanya.
Dinala siya ng kapalaran niya sa Amerika at muli silang nagkita. Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang malaking kompanya. Rodrigo was more dashing than before. He asked her to work for him. She took his offer. Hindi niya alam na iyon ang simula ng kabaliwang huhulma sa kapalaran nilang dalawa…
Posted by
charmangel24
at
10:04 PM
Gusto ni Dedee na kapag ikinasal siya ay siya ang pinakamagandang bride. Pero imposible na yatang mangyari iyon.
She got married, all right. Kaya lang ay business arrangement lang iyon at huwes lang. Seth needed a wife and she was available. Kapag naayos na nito ang mga kailangan nitong ayusin ay maghihiwalay na sila.
So she did her part as the good housewife. Ngunit ang hindi niya inasahan ay mag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. At lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang loob niya rito.
Seth may look fearful but he was so naïve in many ways. Para itong inosenteng bata na ngayon pa lang natututo sa kalakaran ng mundo.
Hindi niya puwedeng itanggi na masaya na siya. Ano ngayon kung hindi na matupad ang pangarap niyang maging totoong bride? Dahil higit pa roon ang nakuha niya…
Posted by
charmangel24
at
6:14 AM



