Showing posts with label Skylander Series. Show all posts
Showing posts with label Skylander Series. Show all posts

Precious Hearts Romances - Skylander Series 16(Batch 2) : Raphael, Sunset Shadow 2

Lumayo si Zygryd kay Lander upang makasama nito ang babaeng tunay na mahal nito. Ngunit nang magkita uli sila, nagulat siya nang matuklasan niyang hindi na ito ang lalaking minahal niya. Iba na ang pagkatao nito. Ito na si Raphael, ang nawawalang anak ng mayamang Lizardo.

Maging ito man ay nagulat nang makita nito ang anak niyang si Lawrenz, ang naging "bunga" ng kanilang pagmamahalan noon.

She fell in love with him for the second time. At sa pagkakataong iyon ay mas minahal pa niya ito. Kung kailan lumalambot na ang puso nito ay saka naman nakatakdang malaman nito ang lihim na iniingatan niya—ang lihim na nakatakdang sumira uli sa kanila...

Precious Hearts Romances - Skylander Series 15(Batch 2) : Raphael, Sunset Shadow 1

Really Zygryd was her father's headache. Wala na raw siyang ginawa kundi ang sumuong sa gulo. But she was simply a girl who wanted to enjoy life.

Then she met Lander, the man her father hired to be her bodyguard. He tamed her, and taught her the best lessons in life. Dahil dito ay natuto siyang magtiwala—at umibig.

Subalit hindi sa kanya ang puso nito. Nabihag iyon—of all women!—ng stepsister niyang hate na hate niya. Ang nakakatawa, siya pa ang naging tagapagtanggol sa pag-iibigan ng mga ito dahil kontra doon ang stepmother niya.

Nagpaka-martyr siya habang nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kalian siya magtitiis sa ngalan ng pag-ibig niya kay Lander?

Precious Hearts Romances - Skylander Series 14(Batch 2) : Dashielle, Wolf's Rain

Dashielle was a grand-slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay at nakamit niya ang kanyang pangarap. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned. He was the half Apache-half Irish hunk she was in love with.

Bigo siya sa pag-ibig dito dahil isang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.

"Go ahead and kiss me," hamon niya rito minsan.

Maybe with that kiss, she might be able to prove afew things: Una, na hindi na siya bata gaya ng tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa rin ang magiging turing nito sa kanya o hindi na. Pangatlo, that finally he would see her in a different light—he would see her as a woman.

Magtagumpay kaya siya?

Precious Hearts Romances - Skylander Series 13(Batch 2) : Leonard, The Wild Wind

Cindra's heart flipped inside her chest when she first saw Leonard at an MRT station. Nabighani siya sa napakaguwapong mukha nito. At labis siyang humanga rito nang ipagtanggol siya nito sa mga lalaking estudyanteng biglang nambastos sa kanya. Ito rin ang nakapulot at nagbalik ng importanteng draft ng play na isinusulat niya.

She had finally found the hero she was looking for.

She was in love.

Pero walang puwang ang pag-ibig sa puso nito dahil puno ng poot iyon—poot para sa pamilya ng ama nito na ayaw kilalanin ito at ang ina nito bilang kabilang sa pamilya Lizardo.

Kakalimutan na lang ba niya ito? O patuloy na mamahalin niya ito kahit sa malayuan?

Precious Hearts Romances - Skylander Series 12(Batch 2) : Fawna, Summer Breeze

"Every summer, I'll wait for you here," pangako ni Lycerge kay Fawna.

It was the first summer they promised to love each other forever. They were so young and in love.


Ngunit nagbago ang lahat nang magpasya si Lycerge na tumakbo sa local election. Nag-iba na ang priority nito nang manalo ito. Malayo iyon sa prinsipyo na ipinaglalaban ni Fawna—ang panatilihing buo at sagrado ang kultura ng Sagada.

She decided to run away from him, live the life of a vagabond. At nangako siya na hinding-hindi siya tatapak sa Sagada, ang bayang minahal niya na nakatakdang "sirain" ng lalaking mahal niya.

But she learned that she couldn't run away from him forever. Kailangan—at napilitan—siyang bumalik sa Sagada.

Madurugtungan kaya ang pag-iibigan nila sa pagbabalik niyang iyon?

Precious Hearts Romances - Skylander Series 11(Batch 2) : Klein, Kiss Of Dawn

Simple lang naman ang gusto ni Shandie sa isang lalaki: guwapo, matured—at above thirty. Pero pakiramdam niya ay isinumpa siya dahil sa loob lang ng ilang buwan, dalawang lalaki na ang nag-reject sa kanya.

They fell under her category of her ideal man—but she didn’t fall under their ideal girl category.

Isa lang ang naiisip niyang dahilan—karma. Because once in her life, she made a guy fall in love with her. Pero pinaglaruan lang niya si Klein. Now that he was back in her life, it looked like he was ready to wreak havoc in her emotions.

Pero hindi siya papayag! She wouldn’t fall for him because he was not her ideal guy. Hindi nga ba?