Showing posts with label Cora Clemente. Show all posts
Showing posts with label Cora Clemente. Show all posts

Precious Hearts Romances - 18 Roses (Batch 2) 33 : Sofia Lorraine (The Beloved Slave)

Malapit nang sumapit ang pinakahihintay ni Sofia Lorraine na debut niya nang matuklasan niya ang napakabigat na problemang kinasusuungan ng mommy niya—lubog na ito sa pagkakautang. Lalong lumaki ang problemang sumalubong agad sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging ganap na dalaga nang idemanda ito ng ginang na pinagkakautangan nito.
Ayaw niyang makulong ang mommy niya. Kaya bago pa mangyari iyon ay nakipag-usap na siya kay Mrs. Estevez na huwag nang ituloy ang demanda. Gagawin niya ang lahat, sukdulang magpaalila siya rito.
Pero ibang klaseng pagsisilbi ang gusto ng ginang kapalit ng peace of mind niya—iyon ay ang baguhin niya, o mas tamang sabihing paibigin niya, ang anak nitong si Vincent. Si Vincent na saksakan nga ng guwapo ngunit mukhang galit naman sa mundo.
Kaya ba niyang patinuin at paibigin ang lalaking mukhang labis na magpapasakit ng kanyang ulo… at ng kanyang puso?

Precious Hearts Romances - 2904 : Now That I Have You

A male Cinderella and a billionaire at thirty-one—ang mga iyon ang dahilan kung bakit naintriga si Annica sa pagkatao ni Chivas Melendrez, ang pinsan ng nobyo niyang si Rigor. Gustung-gustong tularan ng nobyo niya si Chivas.
Pero natuklasan niyang mayabang at presko pala ang Chivas Melendrez na ito. Kung titigan siya nito ay para siyang hinuhubaran. Lalo pa siyang nainis dito nang maging bad influence ito kay Rigor na naging dahilan para masira ang relasyon nila.
Pero bakit sa mga panahong brokenhearted siya, ito ang unang nag-abot ng kamay sa kanya? Ito ang muling nagpangiti sa kanya pagkatapos ng mahabang pag-iyak niya.
Sino ba talaga si Chivas Melendrez? Isang lalaking dapat mahalin o dapat kamuhian? Biglang nalito ang puso niya.

Precious Hearts Romances - 2911 : At Last I Got Your Love

Katorse anyos pa lamang si Helena noong una siyang magka-crush sa guwapong kapitbahay nilang si Edward Villaroman. Lahat ay ginawa niya para mapalapit siya rito. Pero nanatili siyang bigo. Unreachable at napakasuplado nito.
Maraming taon, graduating na siya sa college at aktibo sa mga activities sa kanilang eskuwelahan pero nanatiling aloof at suplado pa rin ito.
Hanggang sa nalaman niya ang pinag-ugatan ng ganoong attitude nito. Tulad niya ay galing din pala ito sa isang broken family.
Sa paglipas ng mga taon ay napatunayan niyang hindi pa rin nagbago ang pag-ibig niya para kay Edward. Gagawin niya ang lahat upang maka-recover ito sa hindi magandang karanasan nito sa mismong pamilya. Gagawin din niya ang lahat upang makuha na niya ang pag-ibig nito.
Magtagumpay na kaya siya sa pangalawang pagkakataon?

Precious Hearts Romances - 18 Roses 28(Batch 2) : Maiko (My Japanese Doll)

"Kapag nagmahal ka, huwag mong ibibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Para kung sakaling hindi ka man makatanggap ng inaasahan mo mula sa kanya, may respeto ka pa sa sarili mo."

lyon ang isa sa mga hindi makakalimutan ni Maiko na word of wisdom sa kanya ni Ephraim, ang estrangherong lalaki na bigla na lamang dumating sa buhay niya. For her, he was the perfect man, ang hinihintay niyang Prince Charming.

Ito ang nagbigay ng kulay at saya sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging isang ganap na dalaga.

Pero paano kung matuklasan niyang ito rin pala ang sisira sa sinabi nito sa kanya kung paano siya magmamahal? lyon ay pagkatapos niyang matuklasan na sa likod ng magagandang ipinakita nito sa kanya ay may motibo itong labis na magpapasakit sa kanyang puso.

Si Ephraim ba ay isang "lobo" sa likod ng mala-Prince Charming na pagkatao nito?

Precious Hearts Romances - 2926 : Wo Ai Ni, Ti Amo, I Love You

Nakatakda nang ikasal si Sydney sa nobyo niyang si Joaqui nang magkaroon sila ng di-pagkakaunawaan na humantong sa pagkakaaksidente niya. Habang tila nag-aagaw-buhay siya ay isang tinig ng lalaking mukhang siyang nagligtas sa kanya ang pinanghawakan niya.
Nang muli siyang magising mula sa tatlong buwang pagkaka-coma, ang tinig din ng lalaking iyon ang narinig niya. Pamilyar sa kanya ang mga pagbati nito. Parang narinig na niya kahit sa mahaba at mahimbing niyang pagtulog.
Ang nagmamay-ari ng tinig na iyon ay si Dr. Jansen Munoz, ang guwapong doktor na nagligtas sa kanya at nangalaga sa kanya sa panahong comatose siya.
Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya na maging matatag upang ipagpatuloy ang buhay niya na tila gumuho pagkatapos niyang mabatid na nagpakasal si Joaqui sa ibang babae.
Isa na lang ang kulang at inaasam-asam niya ang pagsambit nito ng pagpapahayag nito ng pag-ibig.