Showing posts with label Elise Estrella. Show all posts
Showing posts with label Elise Estrella. Show all posts

My Special Valentine - Kahit Pangalawa Sa Puso Mo

Dahil tila wala namang pag-asa ang damdamin ni Daphne para sa best friend na si Albert, minabuti niyang kalimutan na lang iyon. Sa palagay niya, nakatadhana na talaga na maging magkaibigan lang sila.

Lalo niyang napatunayan ang hinalang iyon nang makilala si Cedric. Unang beses na nginitian siya nito, she could not help being attracted to his gorgeous dimples. Guwapo, halatang mabait na anak at kapatid, talented, matalino… ideal guy niya ito. And the best part was, he seemed to like her, too.

Saka naman nagsimulang umakto nang kakatwa si Albert–para itong nobyong nagseselos kay Cedric.

And Daphne found herself feeling confused….

My Special Valentines - Rebel Heart

The first time they met sa bus na patungong Baguio, agad nagkahulihan ng loob sina Rebecca at Nicko. Naroon sila pareho para magbakasyon at mag-isip-isip kung paano aayusin ang buhay-buhay nila. And they found more than just a companion in each other.

She was not looking for a boyfriend… pero habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ang binata, parang gustong humiling ni Rebecca na higit pa sa pagkakaibigan ang mamagitan sa kanila.

Pero malabo yatang matupad ang wish niya nang akyatin nila ang two hundred fifty steps sa Grotto. May nobyang naghihintay kay Nicko sa Maynila…

My Special Valentines - Inosenteng Puso

“Ayokong mag-asawa, pero gusto kong magkaanak.”

Nasamid si Nathan sa gulat nang marinig ang sinabi ni Bethany. Hindi nito marahil inisip na ang tulad niyang tila manang manamit ay may ganoon ka-liberal na plano sa buhay. “Bakit?”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Why not? I can be as good a provider as any man could be. Hindi porque nag-iisa ako, hindi ko na maaalagaan ang magiging baby ko. So okay lang sa ‘kin na maging sperm donor lang ang kung sino mang magiging ama ng baby ko.” Napansin niyang natahimik si Nathan nang ilang sandali. “What are you thinking?”

Sumilay ang marahang ngiti sa mga labi ng binatang boss. “I’m thinking that if you really want a sperm donor… ako na lang.”

Muntik nang himatayin si Bethany sa narinig.