Showing posts with label Almira Jose. Show all posts
Showing posts with label Almira Jose. Show all posts

Precious Hearts Romances - 1709 : Unforgotten Love 2

Mahirap para kay Laurice ang paglimot kay Basti; ngunit kailangan niyang gawin iyon, gaano man kalaki ang pag-ibig niya rito. Marahil nga ay hanggang doon na lang sila. She had to move on with her life.
But when she had finally gotten over the pain of losing him, saka naman ito nagbalik sa Pilipinas. Sa pagkikita nilang muli, nais sana niyang sumbatan ito sa ginawa nito noon. Pero inunahan siya nito ng galit na para bang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay. Lalo pa at may nadiskubre ito sa kanya na inakala nitong matagal niyang inilihim dito.
Alam niya sa sariling mahal pa rin niya ito. Pero kaya pa ba niyang magtiwala? Isa pa, kaya ba niyang buwagin ang pader na iniharang nito sa sarili?

Precious Hearts Romances - 1704 : Unforgotten Love 1

Punung-puno ng insecurity ang buhay ni Laurice. At sinisisi niya ang kanyang ina dahil doon. Sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito.
Nang makilala niya si Basti ay biglang nagkakulay ang kanyang mundo. She fell in love with him the first time she saw him. Lalo pa siyang natuwa nang malaman niya na may katugon din ang damdaming iyon. Pinunan ng pag-ibig nito ang mga puwang sa kanyang puso na nilikha ng kanyang mama.
Ngunit bumalik ang insecurity niya nang pasukin nito ang mundo ng musika. Alam niya kung gaano ka-demanding ang ganoong propesyon. But she was ready to sacrifice. Ayaw niyang agawin ang kaligayahang nakikita niya rito kapag umaawit ito.
Subalit may natuklasan siya. Tila hindi lang career nito ang kaagaw niya sa atensiyon nito...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 10 : Zeke Montecielo

Nakaaway ni Charm ang ate niya. Mas pinili nitong paniwalaan ang swanget na boyfriend nito kaysa sa kanya kaya nag-alsa-balutan siya. Eksakto namang nasa honeymoon ang kaibigan niyang si Naomi at iniwan nito ang susi ng bahay nito sa kanya. Nag-e-mail siya rito na makikitira siya habang hindi humihingi ng pasensiya ang ate niya.

Nagulat siya nang pagdating niya sa bahay ay madatnan niya roon si Zeke, ang kaibigan ng asawa ni Naomi. Ayon dito, doon daw muna nakikituloy ito dahil naiingayan ito sa kapitbahay nitong nagpapagawa ng bahay.

From then on, naging housemates na sila. Komportable siya rito dahil ang alam niya ay bakla ito—ayon na rin dito. Pero nagsimula siyang magduda nang halikan siya nito. Malayong maging bakla ito kung pagbabasehan niya ang halik nito.

Isang pasya ang nabuo niya: Aakitin niya ito. Sayang naman kasi ang lahi nito...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 4 : Victor Torres

Nakilala ni Erica si Victor sa isang spa resort. Para sa kanya, instant attraction ang naramdaman niya para sa binata. Sa loob ng ilang araw ay sila lagi ang magkasama kaya hindi niya naiwasang lalong lumalim ang nararamdaman niya para dito.

Hanggang isang araw ay di-sinasadyang may nangyari sa kanila. Noong una ay natakot siyang baka iyon na ang katapusan ng lahat ng magagandang sandali nila. Ngunit pinatunayan ni Victor na mali ang sapantaha niya. Masaya ang bawat sandaling magkasama sila bagaman may agam-agam siya dahil wala itong ipinapangako sa kanya.

Handa siyang maghintay. Ang mahalaga ay masaya sila at nararamdaman niyang espesyal siya rito. Ngunit nang matuklasan niya ang tungkol sa dalawang taong may kaugnayan dito ay tinanong niya ang kanyang sarili: Nakahanda pa rin ba siyang manatili sa piling ni Victor kahit alam na niyang may mga taong maaaring masagasaan o magpaparaya na lamang siya kahit ang katumbas niyon ay tila ang kamatayan niya?

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 9 : Nate Dayao

Nate was a simple country boy dreaming to make it big in the pro-league. Bago siya nakipagsapalaran sa malaki at masalimuot na mundo ng basketball ay isang pangako ang iniwan niya kay Criselda, kababata at nobya niya. Babalikan niya ito at sa pagbabalik niya ay magpapakasal na sila.

Ngunit isang dagok ng tadhana ang sumira sa pangako niya at naging dahilan kung bakit nawalan sila ng ugnayan ni Criselda. Nang sa wakas ay makabalita siya rito, nalaman niyang ikakasal na ito sa iba.

Mabaliw-baliw siya sa sakit na nadama niya. Ang akala niya ay mahal siya nito ngunit bakit nagkaganoon? Kung mahal siya nito ay hindi nito magagawang ibaling kaagad sa iba ang pagtingin nito.

Umusad ang mga taon. Muling nagkrus ang mga landas nila. Ang akala niya ay limot na niya ang pagtingin niya rito. Ngunit sutil ang kanyang puso. Pagkatapos ng ginawa nito, pagkatapos nitong ipagpalit siya sa iba ay ito pa rin ang mahal niya.

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 7 : Kyle Dee

Kyle came from a traditional and conservative Chinese family. Bilang nag-iisang anak na lalaki, inaasahan ng kanyang buong pamilya lalo na ng kanyang ama na magpapakasal siya sa isang babaeng pinili ng mga ito para mapangasawa niya. Pero ayos lang dahil tanggap niya ang kapalaran niya.

Ang pinakamalaking pagsubok sa buhay at umabot pa sa pagkuwestiyon niya sa tradisyong iyon ay nang mahulog ang loob niya kay Claribelle. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakilala niya. Kapag kasama niya ito ay nagagawa niyang ilabas ang totoong siya. Masaya siya kapag kasama niya ito.

But he knew he couldn't have her. Nakaplano na ang buhay niya at hindi nakatala ang pangalan nito sa planong iyon. And so even though it pained him, he found himself letting her go...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 5 : Jason Park

Hindi alam ni Jason kung bakit sa dinami-rami ng babaeng nakilala niya sa kanyang propesyon bilang isang professional basketball player ay kay Callie pa na ubod ng ilap sya nagkagusto. Niligawan niya ito pero nabasted siya.

Alam niyang hopeless case ito. Natanggap na niya ang kabiguan. Masakit at mahirap lunukin pero ayos lang. Ganoon talaga.

Lumipas ang panahon. Ang buong akala niya ay lumipas na rin ang kahibangan niya. Hanggang sa pagsamahin sila ng mapagbirong pagkakataon sa isang proyekto. It was then that he realized he was still very much into her.

Uh-oh. Dare he try again?

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 8 : Iago Barrera

Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina lago at Martina. He rudely accused her of having an affair with an older man. Natural, nagalit si Martina sa kanya. Pero nang mapagtanto niyang nagkamali siya ng akala ay humingi siya ng paurnanhin dito at napatawad naman siya nito.

Ang akala niya ay doon na nagtapos iyon pero nagising na lamang siya isang umaga na hinahanap-hanap niya ito. He became smitten with her real fast and real good. Sa tingin niya ay hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.

"Gusto kita at gusto mo ako. Bakit hindi natin subukan ito?" sabi niya rito. Siya na yata ang pinakamaligayang lalaki sa mundo nang pumayag ito na maging nobya niya.

Subalit nauwi iyon sa panlulumo nang makita niya itong may kayakap na matandang lalaki...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 3 : Hutch Oseña

Kailangan ni Hutch ang pagpupursige para patunayan sa lahat na may ibubuga siya. Siya kasi ang pinakabagong manlalaro sa kanyang team. He could not afford any dis­tractions. At iyon si Macy sa buhay niya—isang ubod ng cute na distraction. Kung mag-demand ito ng atensiyon niya ay daig pa nito ang isang girlfriend.

Gustuhin man niya ay hindi niya puwedeng ilaan dito ang buong panahon niya. He now had his team to think about, Kaya naman kahit gaano pang pangungulit ang gawin nito ay nag-time-out muna siya rito.

Hindi niya inaasahang lalo lamang pala siyang madi-distract nang makahanap ito ng ibang binatang kukulitin...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 2 : Ethan Hernandez

Matagal nang kasintahan ni Ethan si Alana. Mahal na mahal niya ito at alam niyang wala na siyang ibang nais na makapiling sa kanyang buhay kundi ito.

Ang problema nga lang, masyado silang magkatulad. lyon ang dahilan kung bakit compatible sila. Ngunit iyon din ang hadlang kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring tanggapin nito ang marriage proposal niya.

Tulad niya ay matayog din ang ambisyon nito sa career nito. Ang hiling nito ay maghintay muna sila. Tuwing bubuksan niya ang paksa ng kasal ay iyon ang laging sinasabi nito.

Hanggang kailan siya maghihintay?

Naiinip na siya...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 1 : CJ Facundo

Hindi sinasadyang nauwi sa mainit na tagpo ang unang pagkikita nina CJ at Shari. Mula noon ay naging bahagi na ng kanyang buhay ang dalaga bagaman wala silang pormal na usapan.

Subalit hindi bukas ang kanyang puso para sa pag-ibig. May hang-up pa rin siya kay Lexy, ang girlfriend niyang nang-iwan sa kanya sa ere.

Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik ito, humihingi ng tawad at humihiling na kung puwede ay ituloy nila ang naudlot na pag-iibigan nila.

Paano na si Shari?...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 6 : Alonzo Montes

Alonzo Monies had been burned badly before that was why he was very wary of romantic relationships. lyon ang dahilan kung bakit hanggang panandaliang pagsasama lamang ang kaya niyang ibigay sa mga nakakarelasyon niya.

When Naomi came into his life, he tried real hard not to get involved with her. Alam niyang malaki ang pagkakaiba nito sa mga exes at flings niya. She was special.

Pilit na nilabanan niya ang atraksiyon dito ngunit sa dakong huli ay dinaig din siya ng kahinaan niya. He wouldn't deny it. Making love to her was the single most beautiful experience in his life. In fact, it was so beautiful the cynic in him started singing a different tune. Suddenly, he began thinking along the lines of forever.

Pero bigla na lamang naglaho ito na parang bula...

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 11 : Harly Abuel

No freakin' way! Not in this life! mariing naisaloob ni Harly.
Labag sa kalooban niya ang ipinagagawa sa kanya ng lola niya. Gusto nitong makasal sila ng apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.
Sa paghahanap niya ng paraan para makaiwas sa bagong “assignment” niya ay kinasapakat niya si Katie, ang babaeng bumangga sa pinakamamahal niyang motorsiklo. Nagpanggap ito bilang nobya niya sa pag-asang titigilan na ng lola niya ang binabalak nito sa kanya.
Kamukat-mukat niya, ang pagpapanggap nila ay unti-unting nagkatotoo—at least, on his part. He fell for Katie. It was imposible not to. Napakadali kasing mahalin ito.
Pero may problema. Kung kailan tuluyan na siyang nabighani at nalulong dito ay saka niya natuklasan na hindi lang pala siya ang nag-iisang lalaki sa buhay nito.
Paano na iyan? Ayaw niyang may ka-share...

Precious Hearts Romances - INS 7 : All I Want Is My Girl, Christmas

Palibhasa ipinanganak ng araw ng Pasko, likas na kay Christmas, aka Cee-cee, ang pagiging matulungin sa kapwa niya. She was sunny, cheerful and merry. Wala nang lalambot pa sa puso niya. Hindi siya marunong magalit at minsan sa isang taon lang kung sumimangot siya. She was forever an optimist and a living and breathing good Samaritan. Sa katunayan, isa siyang volunteer sa isang foundation na kumakalinga sa mga batang palabuy-laboy sa kalsada.
But one December morning, hindi batang palaboy kundi isang lalaking hindi na makahinga sa sobrang atake ng hika at may gabundok na galit sa mundo ang sinagip niya—si Luigi Arellano. He was grouchy, grumpy and testy. Katumbas nito ang sampung old maids na may PMS. Aktibong miyembro ito ng Samahan ng mga Bato ang Puso, record holder ng kasungitan, at nuknukan ng kasupladuhan.
Akala ni Cee-cee, iyon lang ang tulong na maibibigay niya kay Luigi. Pero hindi pala. Kailangan niyang turuan itong magmahal uli.
Would love blossom between Miss Big Heart and Mr. Truckload of Emotional Baggage?

Precious Hearts Romances - The Dream Team Series 12 : Keith Mattews

Keith liked Beatrice. Lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang babae ay taglay nito--mabait, malambing, maasikaso, at higit sa lahat, may pagpapahalaga sa pamilya.
Isang gabi ay sinadya siya nito sa bahay niya. Never in his life did he imagine he would be getting a marriage proposal from her but that was what happened.
“I want to marry you,” walang kaabug-abog na sabi nito.
“Are you serious?”
“Dead serious.”
What was a guy like him to do but say “yes”?
Pero sa papel lamang ang kasal nilang iyon. Over time, habang lalo pang nakikilala niya ang kanyang “maybahay” ay natagpuan niya ang kanyang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob dito. Pretty soon, he was into her--hook, line, and sinker.
Ang buong akala niya ay may pagtingin din ito sa kanya. Ngunit sa bandang huli ay napagtanto niya na nagkamali pala siya ng akala. She was in love with somebody else.
Man, did that hurt...