Hindi pa man nakikita ni Lianne si Dave, ang anak ng kanyang boss, ay mabigat na agad ang loob niya rito. Kung gaano kalapit ang loob niya sa ama nito ay kabaligtaran naman ang nararamdaman niya para dito. Ang tingin kasi niya rito ay isang happy-go-lucky guy na walang ginawa sa buhay kundi ang magpasarap.
Kaya naman nang magkita sila nang personal ay naglagay kaagad siya ng pader sa pagitan nila.
Pero unti-unting nagbago ang tingin niya rito nang araw-araw na niyang makasama ito sa opisina bilang boss niya kapalit ng ama nito. Gumawa ito ng paraan upang mapalapit siya rito. Unti-unti rin ay natagpuan niya ang sariling umiibig na rito. At natuwa siyang malaman na ganoon din pala ito sa kanya.
Masaya na sana siya sa nag-uumpisang relasyon nila pero nabaligtad ang lahat nang malaman niya ang tunay na intensiyon nito sa kanya…
Posted by
charmangel24
at
5:03 AM
Hindi na sana tatanggapin ni Mavee ang alok ni Vince na magpanggap na girlfriend nito, kahit malaki ang utang-na-loob niya sa binata, dahil sa kadahilanang may boyfriend na siya. Pero nang malaman ng boyfriend niyang si Dino na may kapalit na halaga ang gagawin niya ay ito pa mismo ang nagtulak sa kanya na tanggapin ang alok ni Vince. Kaya naman pumayag na rin siya.
Ilang buwan pagkatapos ng pagpapanggap nila ay unti-unti nang lumalayo sa kanya si Dino. At natuklasan niya sa mismong bibig nito ang dahilan: binili siya ni Vince rito sa halagang limandaang libong piso.
Galit na kinompronta niya si Vince. Sinikap nitong magpaliwanag ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataon.
Masakit para sa kanya ang katotohanang iyon dahil na-realize niyang may puwang nap ala ito sa puso niya…
Posted by
charmangel24
at
4:09 AM


