Luna hated Mikko. Bukod sa babaero ay pakialamero ito sa buhay ng may buhay. At ang buhay niya ang madalas na pakialaman nito.
Pero wala siyang magawa kundi pagtiyagaan ito dahil pinakamatalik na kaibigan ito ng kuya niya. Tiwalang-tiwala rito ang kuya niya kaya nang kinailangan nitong umalis ay kay Mikko siya ipinagbilin nito.
Noong una ay nagprotesta siya. Pero nang maisip niya ang mga sakripisyo ng kuya niya sa pagpapalaki sa kanya ay nagbago ang kanyang isip. She would tolerate Mikko even if it killed her.
And he seemed to kill her indeed as the days passed. Pinapatay siya ng selos sa mga babaeng umaali-aligid at umaalembong dito...
Posted by
charmangel24
at
3:17 AM
Isinumpa ni Gwen sa nakakalbong peluka ng lolo niya na hindi siya haharap kay Robby nang walang bitbit na bagong nobyo. Si Robby ang dumurog sa puso niya kaya bilang pagbabangong-puri ay gusto niyang may kaakbay siyang lalaki kapag nagharap sila nito.
Pero wala namang nabibilhan ng boyfriend kaya nang mabalitaan niyang parating sa bansa si Robby ay taranta to the max siya. Nagmagandang-loob ang matalik na kaibigan niyang si Lea. Ipinagpilitan nito na hiramin niya ang nobyo nitong si Justin. Tumanggi siya pero may kasabihan na “beggars can’t be choosers” kaya sa dakong huli ay pumayag na rin siya.
Matagumpay ang love team nila ni Justin. Kung mga artista lang sila ay tiyak na hahakot sila ng acting awards sa iba’t ibang award-giving bodies. Maayos na sana ang lahat nang ma-realize niyang may malaking problema. Gusto na niyang totohanin ang pagganap sa papel na nobya ni Justin. Paano kapag binawi na ito ni Lea?
Posted by
charmangel24
at
3:46 AM
Klarung-klaro sa isip ni Amber kung anong klase ng lalaki ang gusto niyang makatuwang sa buhay hanggang sa mag-ulyanin siya at mangailangan ng pustiso. Dapat ay iyong kagaya rin niya--driven, ambitious, mataas ang pangarap. At sa palagay niya ay napakalayo ni Tivs sa pagiging ganoon.
Pero dahil sa kanyang pinsang reyna ng mga lukaret, napilitan siyang hingin ang tulong nito. At naging daan iyon para mas makilala niya ito.
He seemed like a fascinating guy. Pero hindi sapat iyon para isali niya ang pangalan nito sa listahan niya ng mga lalaking pagpipilian niya para kalakdkarin papunta sa dambana.
Hanggang sa dumating ang punto na matuklasan niyang mahal na niya ito. Pero iyon din naman ang punto na nagpasya itong aalis na ito sa buhay niya.
Ang laki ng problema niya...
Posted by
charmangel24
at
10:10 PM
Handa si Triccie na gawin ang lahat--tumulay sa alambre, lumunok ng bubog, i-recite sa Luneta ang Mi Ultimo Adios--bumalik lang uli sa kanya ang boyfriend niya. Ang problema ay mukhang wala na sa mga plano nito sa hinaharap ang bagay na iyon. Kaya sa sobrang desperasyon, nakaisip siya ng drastic na hakbang para makuha uli ang atensiyon nito.
Kailangan niya ng isang lalaki na magpapanggap na boyfriend niya.
Tony was a perfect example of what a hunk was. And a
hunk was exactly what she needed to pose as her boyfriend. Perpekto ito sa naturang papel lalo, at nakakasiguro siya na hindi nito maiisip na magsamantala. Ni tsansingan man lang siya ay tiyak na hindi nito gagawin. Kahit pa nga siguro maghubad siya sa harap nito ay wala siyang magiging problema.
Iyon ay dahil may lihim na ipinakatatagu-tago ito...
Posted by
charmangel24
at
9:05 PM


