Showing posts with label CAMILLA. Show all posts
Showing posts with label CAMILLA. Show all posts

Precious Hearts Romances - 2949 : Si Neha At Ang Ulan

Ipinagkait kay Neha ang halos lahat ng karapatan niya. Pati ang kanyang paningin ay inagaw ni Dervla, ang malditang kapatid niya sa ama. Hanggang sa paglaki, dala-dala niya ang takot dito.
Nang magdispalko ito ng malaking halaga sa kompanya ng lolo nila, tumakas ito at nagtago sa Amerika. Sa kabila ng kapansanan niya, nagtiwala ang kanyang abuelo sa kakayahan niyang pamahalaan ang mga negosyo nito. Hindi rin naging hadlang ang kondisyon niya upang umibig siya kay Gideon.
Ngunit tila sadyang kakambal niya ang ulan at unos sa buhay niya. Sapagkat si Gideon, tulad niya, ay waring may taning na ang buhay. At ito ang nakatakdang tumanggap ng ido-donate niyang atay sa sandaling mamatay siya…

Precious Hearts Romances - Cinderella 73 : Lovelee (The Queen Of Hearts)

Isang maid si Lovelee na nangangarap maging romance writer, kaya major blessing ang pagkakaroon niya ng among gaya ni Daphne Diaz, editor ng True Hearts Romances. Dahil dito, mas na-inspire siyang magsulat ng nobelang romansa. Ito ang ginawa niyang heroine sa kuwento niya. Nang makilala niya ang publisher ng THR na si OJ Uchiyama, ito naman ang ginawa niyang hero.
Nasimulan niya nang maayos ang kanyang manuskreto. Pero bakit ganoon? Sa kalagitnaan ng kuwento, hindi na si Daphne ang gusto niyang maging bida. Umiibig na siya sa hero ng kanyang kuwento!
Batid niyang pantasya lamang ang ibigin siya ng isang milyonaryong playboy na gaya ni OJ Uchiyama. Ngunit gaya ng heroine ng nobela niya, magkaroon din kaya ng happy ending ang love story niya?

Precious Hearts Romances - 2905 : Carys Cares

Sa kabila ng pagdududa nila sa kasarian ng isa’t isa, Carys found herself caring for the single father Durano. Pero nagsimulang sumibol sa puso niya ang isang nakakarimarim na damdamin mula nang halikan siya nito sa mga labi.
Nai-in love yata siya kay Durano!
Ayaw niya… at hindi siya natutuwa.

Precious Hearts Romances - 2944 : Adrenalina's Rush

Madaling nahulog ang loob ni Drinnie kay Ethan Millado. Ngunit may kinikimkim palang galit ang binata sa kanyang ama at siya ang balak nitong paghigantihan. Nang magtagumpay ito, basta na lamang siya iniwan nito.
Sa loob ng maraming taon, hindi niya nagawang lumimot.
Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas, maghilom kaya ang sugat na nilikha nito sa kanyang puso?

Precious Hearts Romances - 1539 : That's When I'll Stop Loving You

Mahal ni Allison si Cyrus, ngunit ang stepsister niyang si Geleen ang kasintahan nito.
Subalit dahil sa isang di-inaasahang pangyayari ay siya ang pinakasalan ng lalaki. Bittersweet man ang pakiramdam niya ay maligaya na siya dahil mahal niya ito.
Ngunit nang madiskubre nito ang panlilinlang na ginawa niya, ganoon na lamang ang pagpapasakit na ipinalasap nito sa kanya.
Sa kabila ng lahat, nakahanda pa rin siyang tanggapin ang anumang kaparusahang igagawad nito, hanggang sa magkaroon ng katuparan ang pag-ibig niya rito, kahit na walang katiyakan kung kailan...

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 15 : Al's Secret Recipe 2

Ewan ni Albertita pero nang makaharap niya si G, ang babaeng inirereto kay Charles ng daddy nito, she felt sorry for the girl. Mukhang mabait ito at madaling i-please kaya siguro pumayag ito kaagad sa fixed marriage. Ang kailangan nga lang siguro ng dalawa ay makilala nang mabuti ang isa't isa.
Siya naman ay dapat nang umiwas habang maaga. Klaro ang kasunduan nila ni Charles. May relasyon sila--purely for convenience only. Darating din ang panahon na kailangan nilang maghiwalay kaya bakit patatagalin pa niya?

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 14 : Al's Secret Recipe 1

Parang gustong pagsisihan ni Al nang kagatin ni Charles Li ang mungkahi niya na maghanap ito ng babaeng magkukunwaring nobya nito para tumigil na ang ama nito sa pagrereto rito sa kung kani-kaninong babae. Paanong hindi siya magsisisi, siya ang napipisil ni Charles na maging “girlfriend” nito sa palabas na iyon?
For the sake of their friendship ay pumayag na rin siya.
Pero nang mahalikan siya nito bilang “ensayo” sa pagiging mag-“sweethearts” nila, gusto na naman niyang magsisi. Bakit ba nakapayag-payag pa siya? Dahil gaya nga ng sinabi ng best friend niya, delikado ang mababait na pilyo...

Precious Hearts Romances - 2936 : Puwede Ka Bang Mahalin?

Nang mamatay ang ama nina Zen at dumating ang second family nito na gustong kunin ang bahay nilang magkakapatid, naisip niya ang guwapo pero may-kayabangang abogado na si Atty. Boyd Baltoza. Baka mapakinabangan niya ang pagiging abogado nito upang maipaglaban ang karapatan nilang magkakapatid.
Tinanggap nito ang kaso. Habang ongoing iyon, unti-unti ring nakilala niya ito. Hindi pala kasinsama ng pagkakakilala niya rito ang tunay na ugali nito. Habang tumatagal, tuluyan nang nahuhulog ang loob niya rito.
Hanggang isang gabi ay nauwi sila sa isang mainit na tagpo. Naisiwalat niya rito ang tunay na damdamin niya rito. Mula noon, tila iniiwasan na siya nito.

Precious Hearts Romances - My Love My Hero 365 : Jun (Part 2)

Hindi pagsasawaan ni Liliw ang maiinit na sandaling pinagsasaluhan nila ni Jun kahit alam niyang wala siyang garantiya kung hanggang kailan magtatagal iyon. If only it were for real. Gaya nang mga sandaling iyon. Pinakinggan niya ang idinidikta ng kanyang puso. Sumama siya kay Jun sa isang lugar na kailanman ay hindi pa niya nararating.
Nang mga sumunod na sandali ay parang solo nila ang mundo. Wala silang ibang naririnig at nararamdaman kundi ang tibok ng kanilang mga puso at ang tamis ng kanilang mga halik.
Tanda naba iyon na nagtagumpay na siyang hulihin ang puso nito? At kailan niya maririnig na sambitin nito na mahal din siya nito…

Precious Hearts Romances - My Love My Hero 364 : Jun (Part 1)

Siguro ay karmang matatawag ang nangyari kay Liliw, one of the hottest models in town. Galing siya sa wala pero nang sumikat at magkapera siya ay naging masama ang ugali niya. Marami siyang binangga--at isa sa mga iyon ang nagtatangka sa buhay niya ngayon.
Isang gabing pinasok ng mga goons ang bahay niya ay masuwerteng nakatakbo siya. Nasumpungan siya sa kalsada ng isang estranghero. Iniuwi siya nito at kinupkop habang depressed pa siya. May-hitsura naman sana ang lalaki kung hindi lang sobrang suplado ito.

Precious Hearts Romances - 2912 : Pamela

Three years ago, pikit-matang nakipaghiwalay si Pamela sa kasintahang si Zeke Moran. Iyon ay dahil papasukin nito ang larangan ng politika. At para sa ina nito, makasisira sa imahe nito ang isang low profile na kasintahan na tulad niya.
Three years later, muling nagtagpo ang mga landas nila. Napatunayan niya na mahal pa rin niya ito.
Ngunit malaki na ang ipinagbago ni Zeke. He had become hard and ruthless.
Kaya naman nagdadalawang-isip siya na tanggapin ang alok na kasal nito…

Precious Hearts Romances - 2916 : Ivy's Gamble

Halata sa anyo ni Ivy ang dahilan kung bakit napag-iiwanan na siya ng panahon: ang kanyang weight. Bago pa siya tuluyang mahuli sa biyahe ay nagdesisyon na siyang magpapayat. Sa gym niya nakilala si Dag Agbulos, na sa isang aksidente ay nadaganan niya.
Nang maulit ang ganoong aksidente, napalitan na ng pagkapahiya rito ang inis niya. Hanggang sa magpakita ito ng interes sa kanya. Magpapabola ba siya rito? Sampu-sampera ang mga babaeng handang makipagsabunutan sa isa't isa for a piece of him. Ano ang laban ng isang tabatsoy na tulad niya?

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 5 : Teacher Avi's Chemistry Experiment

"Kapag patuloy mo akong tinitigan nang ganyan, hahalikan na kita."

Sa unang engkuwentro pa lang nila ay na-curious na si Avi kay Jason. He had that faraway look in his eyes. He seemed so sad. Pero nang makilala niya ito ay nalaman niyang masayahin naman pala ito. Sa kabila ng pulos disgrasyang hatid niya rito, Jason stuck around. Pero OA na yata na bantayan siya nito sa pakikipag-date sa ibang lalaki! Subalit kung ang pagbabasehan ay ang little "chemistry experiment" na ginawa nito sa kanya, well, masasabi niyang may karapatan itong "bakuran" siya...

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 9 : Si Karen Kerengkeng

"Naging malaking gago ako, Karen. Buong buhay ko ay iwas ako nang iwas sa iyo gayong ikaw pala ang kaligayahan ko."

Ang akala ni Karen ay na-outgrow na niya ang pagsintang-purorot niya kay Jao. 'Di ba't nang maging nobyo pa nga ito ng best friend niyang si Ginelle ay ayos lang sa kanya?

But when the bride-to-be ran away with Karen's brother weeks before the wedding, nagulo ang patas ng brain cells niya. Bigla na lang na-resurrect ang pagsinta niya sa binatang crush na niya simula noong dose anyos siya. This time she hoped she could finally have him. Kahit ang paniniwala niya ay siya ang gagamitin nito sa balak na pagganti sa Kuya Sherwin niya at kay Ginelle.

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 8 : Si Angelita Maldita 2

"Nawawala ang disposisyon ko sa iyo, Gita. Para kang Bicol express. Nakakataas ng BP, maanghang at nakakapaso till I want to run for a barrel of cold water."

Ipinatawag si Warrior ng papa ni Angelita na si Gen. Galope. May importanteng bagay raw ito na sasabihin sa kanya.

"May napili na akong mapapangasawa ng unica hija ko. I believe he will make a good husband for her. And just to let you know na mabuting tao siya, inimbitahan ko siya rito sa bahay."

Napamulagat siya. Lutang ang isip niya. Kasama nila sa bahay na iyon ang fiance, ni Angelita! At nagsimula siyang maghinala sa kasamahan niyang si Oca na mukhang crush ng dalaga. Pero bakit sa kanya unang nagpahalik si Angelita...?

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 7 : Si Angelita Maldita 1

"Kapag patuloy mo akong tinitigan nang ganyan, magdududa na akong may gusto ka sa akin."

"Nagdududa na ako kung bakit galit na galit ka sa akin," ani Warrior kay Angelita. Tumaas pa ang isang kilay nito. "Defense mechanism mo lang iyan dahil may gusto ka sa akin."

Napaawang ang mga labi niya. "As if!"

Ngumiti ito, nanghahamon. "Gusto mong patunayan ko?"

Natigil siya sa pagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito. "Patiwakal ka!"

He flashed a sexy smile. "Sure. Pagkatapos kitang halikan..."

Precious Hearts Romances - 2923 : My Infamous Runaway Girl

Kailey, a diplomat, was a tease. Aminado siya roon. At biktima ang guwapong si Vann ng ugali niyang iyon. One weekend in Palawa, she tied his hands on the bedpost at iniwan ito, tangay ang T-shirt at shorts nito. She never expected they would ever meet again, but they did. Nang iharap sa embassy na pinaglilingkuran niya ang bago nilang abogadong si Elroy Forgeit, literal na nahulog siya sa kanyang kinauupuan!
Si Vann…

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 13 : Lovingly Yours, Ysobel 2

Ysobel’s rule was, “When in doubt, magtaray.” Kaya iyon ang madalas na ginagawa niya kay Tondo. Nagdududa na kasi siya sa kanyang sarili. Lalabagin yata niya ang lahat ng batas na ginawa niya pagdating sa usaping-pampuso nang dahil sa lalaking ito. Pero umubra naman kaya ang pagtataray niya gayong hulog na hulog na siya sa alindog nito? Paano kapag tapos na ang “paglalaro” nila at bigla na lang mawindang ang puso niya?

Precious Hearts Romances - Lukaret Series 12 : Lovingly Yours, Ysobel 1

Dala ng kamalditahan ni Ysobel, napag-trip-an siya at nalathala sa Text Pal column ng isang tabloid ang kanyang cell phone number. Dinagsa tuloy ng mga losers na naghahanap ng textmates ang Inbox niya.
At si Tondo ang pinakamakulit sa mga iyon.
Nang mabuking niya na foreman pala ito sa construction site ng resort kung saan part-owner siya, pinarusahan niya ito at ginawang “yaya.” Isang pagkakamali pala iyon, dahil mabilis siyang nahulog dito.
At hindi puwede iyon dahil hindi sila nababagay sa isa’t isa...

Precious Hearts Romances - 2930 : Super-Floy

Nang may magtangka sa buhay ni Marigold, binigyan siya ng boss niya ng bodyguard--si Floy. Martial arts expert daw ito at qualified sa trabaho kahit galing ng seminaryo. Pero sa halip na safety and protection, highblood yata ang idudulot nito sa kanya. Nang magkagipitan na, ito pa ang iniligtas niya!
But a few years later, muling nagpakita ito sa kanya--upang pigilan ang “evil plan” niya na sirain ang relasyon ng pinsan nitong si OJ kay Lovelee. Hanggang sa mauwi sila sa isang pustahan, kung saan desidido siyang manalo. Ang prize niya: marriage to Floy himself...