May kapansanan si Penny dulot ng isang trahedya noong bata pa siya na kumitil sa buhay ng kanyang pinakamamahal na ina. Iyon din ang dahilan kung bakit naging recluse siya. Kaya naman hindi niya napaghandaan ang pagpasok sa buhay niya ng isang tulad ni Cade Cassidy, ang guwapo at misteryosong multimillionaire na kasosyo ng kanyang ama sa negosyo, at ang dapat ay mapapangasawa ng nakatatandang kapatid niya.
Pero nalaman na lang niyang siya na pala ang pakakasalan nito!
She thought that despite her disability, he was attracted to her—the reason why he wanted her to be his wife. Pero napag-alaman niyang may iba pa palang motibo ito—isang motibo na nag-ugat sa madilim na nakaraan nito...
Posted by
charmangel24
at
3:32 AM
Si Chase lang ang lalaking minahal ni Allie buong buhay niya. Nanghihinayang siyang hindi man lang niya naipagtapat ang pag-ibig niya rito nang kidnap-in ito at patayin ng mga kidnappers.
Limang taon ang lumipas nang gulantangin siya ng boses nito habang nakatunghay siya sa puntod nito. Nang lingunin niya ang nagmamay-ari ng tinig ay halos himatayin siya. Nabuhay si Chase!
Pero ganoon na lang ang tanggi nito. “Kalel Falcon” daw ang pangalan nito. Para mapatunayan nito ang identity nito ay sumama siya sa rancho na pag-aari ng pamilya nito. Sa pananatili niya roon ay unti-unting nahulog ang loob niya rito, lalo pa’t halos pareho ang mga gawi at kinahiligan nito at ni Chase.
Nang makabalik na siya sa Maynila ay sinundan siya nito. Nang makita ito ng kapatid ni Chase na si Darrel ay nabunyag ang lihim sa pagkato ni Kalel…
Posted by
charmangel24
at
6:49 PM
Pakiramdam ni Reina ay isang business proposal ang iniluluhog ni Drake sa kanya sa halip na wedding proposal. Seryoso ang tinig at anyo nito. There was nothing romantic in the way he proposed to her, neither was there any hint of affection in his eyes as they stared straight back at hers.
“Kapag pinakasalan mo ako, hindi mo na rin kailangang problemahin pa ang panggastos sa pagpapabangon uli ng operasyon ng hacienda. Ako na ang bahala ro’n”
“At paano mo nalaman ang tungkol sa pangangailangan ng hacienda? Sinabi ba ni Papa sa iyo? Isa pa, bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko na mahal?” She almost cringed at that outrageous lie. Malayung-malayo iyon sa katotohanan.
“Well, you could learn to love me again.”
Posted by
charmangel24
at
9:14 PM


