Nang ma-in love si Lindsey sa kaibigan niyang si Cillian ay gumawa siya ng bagay na tiyak na ikokondena ng mga kabaro niya: she plotted a scheme to get rid of his beauty queen girlfriend. Ngunit pagkatapos ng lahat-lahat, napagtanto niya na kahit napaghiwalay niya ang dalawa, hindi niya makukuha ang puso ni Cillian. Kaya lumayo siya rito.
Makalipas ang apat na taon ay kinailangan niya ang tulong nito. Ito ang susi para matupad ang pangarap niyang maging contributor sa isang fashion magazine. Lakas-loob na tinawagan niya ito…
Sa pagkagulat niya, hindi ito galit sa kanya! At nang magkasama uli sila, parang na-inspire na naman ang puso niya. Kung bubuo siya ng panibagong plano para mapasakanya ito, magtagumpay na kaya siya?
Posted by
charmangel24
at
3:01 AM
Nakilala ni Jhaz si Richter minsang magpunta ito sa Puerto Galera. Attractive ito, matikas, at maganda ang mga mata. Sino ang hindi magkaka-crush dito?
Napansin niya na hindi makatingin ito nang diretso sa kanya, and at the same time ay panay ang sulyap nito sa kanya. Dahil doon ay nagkaroon siya ng konklusyon na may crush din ito sa kanya.
Pero bakit nang makapasok siya sa kompanya ng pamilya nito ay itinanggi nito na magkakilala sila? Iniiwasan din siya nito. Dahil napahiya ang ilusyunadang puso niya, ipinangako niya na kakalimutan na lang ito. Ang kaso, may sinabi sa kanya ang isang kaibigan nito: malakas daw ang tama ni Richter sa kanya.
Paano kaya niya mapapaamin ito?
Posted by
charmangel24
at
1:13 AM
Matagal nang pinapangarap ni Charmagne na magkaroon ng sariling business kaya dinala niya sa Pilipinas ang international clothing brand na Ces. Hindi magiging possible iyon kung hindi siya tinulungan ni Claudio, ang matandang tycoon na nagpahiram sa kanya ng capital.
Ang akala niya ay hulog na sa kanya ng langit ang tycoon. Pero nagulat na lang siya nang imungkahi nito na makipag-date siya sa apo nitong si Clyde. Ang sabi pa nito, hindi raw bayad iyon sa utang-na-loob niya rito kundi pabor lang daw. But Claudio also made it clear that she had no other choice and so, off she went to meet Clyde.
Natigilan siya nang makita niya ang binata. He was absolutely gorgeous. Mukhang hindi na siya mapipilitang makipag-date dito...
Posted by
charmangel24
at
1:11 AM
Nais makatulong ni Mergehret na magka-love life ang kaibigan niya kaya habang nasa Boracay sila, hiningi niya ang contact number ni Benny, ang kaibigan ng lalaking nililiyag ng kanyang kaibigan. Naisip niyang baka sa pamamagitan nito ay makakuha sila ng impormasyon tungkol sa lalaking iniibig ng kanyang kaibigan.
Natulala sa kagandahan niya ang lalaki. Ayaw na nitong lubayan siya.
Pero hindi niya type si Benny. Ang yabang kasi nito.
“Hindi kita papatulan. Huwag kang umasa,” wika niya rito.
Nagalit ang over confident na lalaki. Darating daw ang panahon na sa mga kamay rin nito siya babagsak.
Bakit siya natakot sa banta nito kung may tiwala siya sa sarili niya na hinding-hindi siya magkakamaling patulan ito?
Posted by
charmangel24
at
3:22 AM
Three years ago, Angel was just an ordinary, meek girl who had a big crush on every girl’s dream guy—Hart Cua. Pero ngayong twenty-one na siya, hindi na siya matatawag na “ordinary.” After all, she was already a top model in New York.
Nang magbalik siya sa Pilipinas, ilang beses na nakita niya si Hart sa mga lugar na pinupuntahan niya. Dahil doon ay naisip niyang baka sign na iyon na sila ang itinadhana sa isa’t isa. So she decided to chase him.
Would she be able to catch him?
Posted by
charmangel24
at
9:09 PM


