Showing posts with label Les Hommes D' Affaires Series. Show all posts
Showing posts with label Les Hommes D' Affaires Series. Show all posts

Precious Hearts Romances - Les Hommes D' Affaires Series 6 : Travis Inocentes

Sinamantala ni Travis ang pagpapadala sa kanya ng kuya at papa niya sa Baguio para maiwasan ang isang babaeng pumipikot sa kanya. He knew Lyka was trapping her into marriage, bagay na wala sa bokabularyo niya.

Then he met Yna, an innocent-looking lady and a beauty to behold. Nang minsang gumimik sila ay ginabi sila ng uwi kaya napilitan siyang patulugin ito sa bahay niya. Kinabukasan, dumating ang mga magulang nito. Running away would be the most natural thing to do. But why was he volunteering to marry Yna instead?

Precious Hearts Romances - Les Hommes D' Affaires Series 5 : Marco Alcaraz 2


Hindi alam ni Rhea kung bakit siya pumayag na magpakasal kay Marco. Basta alam lang niya na hindi niya kayang balewalain ang mga sakripisyo ng lolo nito na si Don Crispin para sa kompanyang pinaghirapang itayo at palaguin ng don. Nagbanta kasi ito na ibebenta na lamang nito ang kompanya kapag hindi sila ikinasal ng apo nito.

Idinaos ang mabilisang kasal. Nagawa rin niyang ibigay ang sarili kay Marco kahit nilinaw na nila sa isa't isa na kunwarian lamang ang lahat sa pagitan nila. Pero totohanan siyang na-in love dito. At tila ganoon din ito sa kanya.

And she knew she was in big trouble.

Precious Hearts Romances - Les Hommes D' Affaires Series 4 : Marco Alcaraz 1

"Has this something to do with my refusal to get married?" tanong ni Marco sa Lolo Crispin niya. Hindi siya makapaniwala sa inianunsiyo nito sa board meeting nila na isasalin nito ang posisyon nito bilang CEO ng Alcaraz Enterprises sa marketing assistant nila.

"What took you so long to figure it out, grandson?" Ngumiti ito.

"Magpapakasal ako bukas na bukas din. Kung ipapangako nyo sa aking titigilan ninyo ang kalokohang ito," mabilis na pagdedesisyon niya.

Umiling-iling ito. "I'm sorry, Coco. I guess I've gotten so tired of waiting for you to get married. Kaya may nabago sa mga kondisyong inilatag ko sa iyo noon."

"Ano'ng ibig ninyong sabihin?"

"Sa tagal mong magdesisyon, hijo, ako na ang pumili ng babaeng pakakasalan mo."

"S-sino?"

"Si Rhea Galang," kalmanteng sagot nito.

Right that moment, he decided he hated the name!