Namatay sa isang car accident ang kasintahan ni Kristine sa araw ng kasal nila. Pakiramdam ni Kristine ay kasamang namatay ni Adrian ang puso niya.
She was still hurting nang isang araw ay dumating si Cain at inalok siya ng trabaho. She was a landscape artist, at ganoon na lang ang paghanga ng binata sa mga “obra” niya. Nakahanda itong magbayad ng isang milyon.
Tinanggap niya ang alok nito. Nagtungo siya sa mansiyon ni Cain sa Laguna. Pero daig pa niya ang bisita kung tratuhin nito. Hanggang isang araw ay isama siya nito sa Tagaytay. Nakita niya roon ang dream house na ipininta ni Adrian sa canvas.
It came to her as a surprise. Pero higit pa pala roon ang sorpresang naghihintay sa kanya… dahil nang magtapat ng pag-ibig sa kanya si Cain, noon din niya nalamang puso ni Adrian ang bumubulong…
Posted by
charmangel24
at
3:35 AM
Nagpunta si Tanya sa Negros upang kumbinsihin si Milagros Salvacion na makipagkita sa Lolo Ben niya. Nagmatigas ang babae kaya kinailangan niya ang tulong ni Antonio Buenafe, ang guwapong hacendero na kamukha ng isang sikat na actor sa Mexican telenovela. Antonio was ruggedly handsome, tall, dark and intimidating.
Pumayag si Antonio, pero may kapalit: kailangan niyang magpanggap na kasintahan nito. Gagawin niya ang lahat para sa Lolo Ben niya kaya pumayag siya sa kondisyon nito.
Pero wala yata sa kasunduan nilang puwede siyang hagkan at yakapin nito. At ang nakapagtataka, sa tuwing gagawin iyon ni Antonio ay hindi inis kundi pananabik ang nararamdaman niya.
Posted by
charmangel24
at
3:12 AM
Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala ni Atang kay Sam dahil muntik nang masagasaan ng kotseng minamaneho ni Sam ang kapatid niya. Maliban sa bugbog na balakang ay wala namang masamang nangyari kay Ipe. Pero hindi na magbabago ang unang impresyon ni Atang na masamang tao ang guwapong binatang abuhin ang mga mata.
Nang sumunod na araw, hindi pa man nawawala ang inis niya rito, ay kinukuha naman siya nitong modelo sa labis na pagtataka niya.
Nakakasilaw ang alok nito. Nakakatukso ang mga pangako nito.
Hinimok siya nitong pumirma sa kontrata. Pero bakit tila may iba pang probisyon sa kontratang iyon na nasasangkot ang puso niya?
Posted by
charmangel24
at
4:07 AM
Kailangan ni Zenobia ng isang guwapo at mayamang lalaki na magpapanggap na boyfriend niya. Wala sa mga kakilala niyang lalaki ang papasa sa kategoryang hinahanap niya, kaya naghanap siya sa escort service website na itinuro sa kanya ng isang kaibigan.
Nakilala niya si Cooper at kinuha niya ang serbisyo nito. Nagkita sila ng lalaki. Pero nang makaharap niya ito ay hindi siya makapaniwalang maaaring maging disente ang isang lalaking bayaran.
Mula sa pagiging old fashioned ay binago ni Cooper ang personalidad niya. Sa tulong nito ay naging isang magandang swan ang noon ay tinawag na “ugly duckling.” Nagulat ang mga kaibigan niya nang dumating siya sa reunion: maganda, moderno, kasama ang boyfriend na guwapo at mayaman.
Kunwa-kunwarian lang iyon. Pero bakit ang kunwa-kunwariang relasyon nila ay gustong gawing totohanan ni Cooper?
Posted by
charmangel24
at
12:57 AM


