Showing posts with label Sheila Mendoza. Show all posts
Showing posts with label Sheila Mendoza. Show all posts

Precious Hearts Romances - 1633 : A Destiny Named Benedict

May humula kay Myrene na magiging masaya siya kung "Benedict" ang pangalan ng mapapangasawa niya, kung hindi ay magiging miserable raw ang buhay niya.
Naniwala naman siya roon.
Ngayon, dalawang lalaki ang naghihintay para sa kanyang matamis na "oo"--si Benedict at si Edward.
Ramdam niyang magiging maligaya siya kay Edward dahil mahal niya ito. Ngunit dahil sa mga senyales na kanyang nakita na isang lalaking nagngangalang Benedict nga ang kapalaran niya, napigil ang nakatakda na niyang pagsagot dito. Ang nangyari, si Benedict ang sinagot niya.
Akala niya ay matututuhan niyang mahalin ito pero hindi iyon nangyari; kaya matapos lamang ang ilang buwan ay nakipagkalas siya rito.
Si Edward ang hinahanap ng puso niya. Nakahanda na siyang kalimutan ang hula sa kanya.
Pero nang muli naman silang magkita ni Edward, ito pa mismo ang nagpakilala sa kanya sa fiancée nito...

Precious Hearts Romances - Because of you 1884 : One Life, One Love

Namatay sa isang malagim na sea tragedy ang ama at mga kapatid ni Dave. Mabuti na lamang at nakaligtas sila ng kanyang mama. Mula noon ay nagkaroon na siya ng takot. He wouldn’t take any risks anymore.
Kabaligtaran naman niya ang nobya niyang si Julianne.
Sa sobrang takot niya sa larangan ng trabaho nito ay pinag-resign niya ito at pinapasok sa kanyang kompanya. Isang flight attentand ito at alam niyang anumang oras ay masusuong sa panganib ang buhay nito.
Pero isang araw, sinabi nito sa kanya na hindi ito nag-e-enjoy sa opisina at gusto nitong balikan ang dating trabaho.
Hindi niya alam kung papayagan niya ito. Takot siyang baka may kung anong mangyari ditto.
Pero paano kung ang pagtanggi naman niya ay ang tuluyang pagkawala nito sa buhay niya?