Dalawang dekada nang in love si Tillie kay Briggs kaya naman nang isang gabing makita niyang may katagpong lalaki ang fiancée nito ay ginamit niya ang pagkakataong iyon para agawin ang puso ni Briggs. Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa ang pag-ibig niya. Sumugod siya sa clinic ni Doc Briggs para magsumbong. Pero pagkatapos ng kanyang makapigil-hiningang pagsasalaysay ay walang sinabi ito kundi:
“Get a life, Tillie.”
Posted by
charmangel24
at
3:31 AM
Ang inaasahan ni Serafina ay madramang pakikipagharap sa babaeng umagaw sa boyfriend niya ay nauwi sa trahedya. Duguan at walang buhay ang karibal niya nang madatnan niya ito sa meeting place nila. Ang masaklap, siya pa ang napagbintangang salarin.
Sa pagtakas niya ay napunta siya sa nakaparadang pickup ni Godofredo. Tinulungan naman siya ng lalaki. Itinago siya nito… sa pagitan ng mga hita nito.
“Mabango `yan. Nagpalit ako ng briefs kanina,” sabi nito.
Posted by
charmangel24
at
5:15 AM
On the surface, Timmy had everything—a successful career, physical beauty, and friends. Kung gaano katayog ang pride niya, ganoon naman kalalim ang kanyang inseguridad. At iyon ang nagtulak sa kanya para alukin ng malaking halaga si Graciano para magpanggap na groom sa kasal niyang hindi matutuloy kung hindi ito papayag.
Happy single tatay si Graciano pero aminado ito na magastos ang magpalaki ng dalawang inakay. Kaya walang pero-pero, walang bakit-bakit, tinanggap nito ang alok niya.
Nagkasundo sila. Ang kailangan na lang ay mag-practice.
“Walang maniniwala na may relasyon tayo kung hindi tayo malambing sa isa’t isa,” wika niya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang nito. “Huwag kang manigas.”
“`Yan, Miss Timmy, ang huling bagay na gugustuhin kong mangyari. Ang manigas.”
Posted by
charmangel24
at
4:11 AM
Sagad sa butong kilabot ang naramdaman ni Agripina nang makatanggap siya ng love e-mails mula kay Melanio, her very first love, at ang lalaking pinangakuan niya ng walang-katapusang pag-ibig sa ituktok ng batuhan.
Pero noon iyon. Noong baduy pa siya. Feeling-sosyal na siya ngayon at wala na siyang panahon sa mga ka-corny-han nito. Ibinaon na niya ito sa limot. Ang kaso, mababaw lang pala ang hukay na nagawa niya dahil nang makaharap uli niya ito ay parang zombie na bumangon at nabuhay ang damdamin sa puso niya na kung tawagin ay “first love.”
Ang masaklap, itinatanggi ni Melanio ang mga e-mails at hindi na raw siya mahal nito.
Posted by
charmangel24
at
1:01 AM
Para makansela ang utang ng kanyang inang mahal, pumayag si Pablito sa kondisyon ng loanshark: liligawan niya ang anak nitong si Perla para mailayo ito sa diumano ay manlolokong boyfriend nito. Okay na iyon kaysa magbayad siya ng patung-patong na interes, makakatulong pa siyang mailigtas ang dalaga sa tiyak na kasawian sa pag-ibig.
Pero handa si Perla na ipaglaban ang kanyang boyfriend. You and me against the world ang drama nila dahil ayaw rito ng kanyang pamilya. Matibay ang paniniwala niyang walang puwedeng sumira sa pagmamahalan nila.
Pero sumulpot sa eksena si Pablito.
Susmaryosep na guwapo ito!
Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang puso. Baka manakaw iyon ni Pablito...
Posted by
charmangel24
at
9:39 PM
Everdearrest Kelvin,
I am liking you so much ‘coz your eyes are twinkled like stars and your teeth is straight like ruler and...
Ten years old si Purita nang kathain niya ang miserableng love letter na iyon. Ngayon, eighteen years later, minumulto pa rin siya ng pesteng liham. Dahil pinsan ng lalaking pakakasalan niya ang pinadalhan niya niyon—si Kelvin. At mahigpit ang pagtutol nito sa pakikipag-isang-dibdib niya.
“`Wag ka munang magpapakasal dahil liligawan pa kita,” anito dahil daw, “My eyes are still twinkled and my teeth is still straight like ruler.”
Asar talaga!
Posted by
charmangel24
at
8:43 PM


