Showing posts with label Hannah Wabe. Show all posts
Showing posts with label Hannah Wabe. Show all posts

My Special Valentine - The Man I Love : Sweet Surrender

Sira na kaagad ang araw ni Eunice makita lang ang kababatang si Bruce. Ewan ba niya kung ano ang nakita nito sa kanya at ayaw nitong sumuko sa panliligaw kahit ilang libong beses na niya itong binasted.

So para lubayan na siya ng lalaki, nag-display siya ng boyfriend sa harap nito. Naaawa man dahil alam niyang nasaktan ito nang sagutin niya si Arvin, pero wala siyang magagawa para rito. Ayaw talagang tumibok ng puso niya sa kababata.

Kung kalian naitaboy ito ni Eunice, parang doon naman nagsimulang nahulog ang loob niya sa binata. Ngunit mukhang naibaling na ni Bruce ang pagtingin sa iba.

Huli na yata ang lahat nang matauhan siya....

My Special Valentines - Hulog Ka Ng Langit

Bunga ng awa para sa estrangherong naabutan niya sa bodega, isang binabagyong gabi, minabuti ni Lourdes na palihim na arugain si Martin Javeloso. Takas na bilanggo ang lalaki mula sa piitan sa bayan. Ayon rito, ipina-frame-up ito ng sariling kapatid, para makamkam ang kayamanan ng kanilang mga magulang, Isa itong abogado at misyon nitong linisin ang pangalan at ibalik sa tama ang lahat.

Hindi maintindihan ni Des ang kakaibang epekto ni Martin sa kanya. For the first time, she doubted her real purpose in life. Lalong dumagdag sa kalituhan niya nang gawaran siya nito ng halik bago ito umalis.

That one kiss ignited a fire within her—something that she never thought she had... dahil nakatakda na siyang magmadre.

My Special Valentines - Fixing A Broken Heart

Nakatakda na ang kasal ni Yvette sa nobyong si Wilfred nang maaksidente siya. Nang magka-malay, dalawang taon na ang nakalipas at kasal na sa iba ang nobyo niya.

Sigurado siya, sadyang sinira ang brakes ng kotse niya nang gabing maaksidente siya. Ngunit kailangan niya ng sapat na ebidensya para mapatunayan ang hinala. It was a blessing na may isang Jude na handang tumulong para malutas ang kasong iyon.

Hindi lamang iyon. He had also managed to fix Yvette's broken heart....

My Special Valentines - The Way To A Man's Heart

Kasabihan na ang, “The way to a man’s heart is through his stomach,” Pero parang ayaw maniwala roon ng chef at restaurateur na si Abby. Kung totoo kasi iyon, sana ay mahaba pa sa EDSA ang pila ng manliligaw niya. Ngunit dahil hindi ganoon, ang tingin niya, pangkusina lang talaga ang beauty niya.

Sa malas pa, isang eksperto sa puso ang minahal niya—ang cardiologist na si Vincent. How could she ever find the right way to his heart? Mahanap kaya nita ang tamang recipe sa isang mabuting pagsasama?

Ang ikinakatakot niya, baka wala talagang ‘magic ingredient’ sa pagitan nila…

My Special Valentines - Deal Of A Lifetime

“Look, hindi ko alam na ikaw ang ipapadala nila sa akin,” paliwanag ni Santi.

The irrational part of Charry wanted to believe her boss was using his influence to get her. Pero nang pumasok siya sa opisina nito, she saw the genuine surprise written on his face. “I believe you.” Lumiwanag ang mukha nito kaya agad niyang idinugtong, “But, Sir, ayoko ng komplikasyon. Let’s make this strictly professional.”

Tumango si Santi kahit labag sa loob.”Fair enough. I’ll keep my distance...” Charry was relieved. But he added, “…habang nasa trabaho. Just try not to fall in love with me during office hours, okay?”

Napanganga siya. Mahirap palang mambasted ng boss, she realized, lalo na at kabaligtaran ang talagang gusto niyang gawin.

My Special Valentines - Princess Charming

At twenty-eight, Patricia Generalao could say that she was done with men. For her, men were either arogante, sinungaling, shallow, conceited, materyoso, babaero or a deadly combination of all. Suko na siyang makakahanap pa siya ng Prince Charming.

And then, she found the perfect boyfriend in the Internet—codename: Cowboy. There, she was free to be herself and lose all her pretenses. At ang pinakamaganda pa, she could turn him off anytime… literally. Iyon nga lang, gusto nitong personalin ang lahat…

She was willing Cowboy to remain in her fantasy dahil natatakot siyang masira ang maganda nilang pagtitinginan. Sad to say, reality does not often live up to one’s imagination.

Ngunit nang magkita nga sila, both were surprised by the outcome…

My Special Valentines - The Man I Love : Groom At Last

Pakiwari ni Benjamin Sandoval, katapusan na ng mundo nang iwan siya ni Sabrina sa altar sa araw mismo ng kanilng kasal. Para panandaliang makaiwas sa kahihiyan, napagdesisyunan niyang ituloy ang honeymoon... nang nag-iisa.

Pero tila aninong nakabuntot si Rhianna Villoria, ang maid of honor sa kanyang naunsiyaming kasalan at at siyang naatasan ng ex-fiancee niya para masiguro na maayos ang kalagayan niya.

Rain was beautiful and hot as hell. And Ben found himself in a sticky situation. Habang nakikilala niya nang husto si Rain, umuusbong ang makamundong damdamin niya para rito.

Paulit-ulit man niyang ipinaalala sa sarili na si Rain sana ang maid of honor, but Ben still had this mad urge to strip her of her honor. At sisimulan niyon sa pagtanggal ng pula nitong bikini...

My Special Valentines - Sunungaling mong Puso

Ang tanging nais ni Sabrina ay mag-asawa ng isang lalaking kasundo niya, hindi babaero at responsible. At sa tingin niya, natagpuan na niya iyon sa kanyang nobyo si Ben. Kaya naman nang mag-propose ito ng kasal, hindi na siya mapakiyeme. After all, doon naman talaga ang tuloy ng mga magkasintahan, at isa pa, hindi na siya bumabata.

Walang anu-ano, parang may nagbabala sa kanya para umurong sa kasalan. Kung hindi, malamang pagsisisihan niya iyon.

Hindi siya makapaniwala nang matukoy ang dahilan ng kanyang pagbabagong-isip—it was called “Edmund Miranda.”

My Special Valentine - My Lovely Bodyguard

“Bakit ngayon ka lang?” sumbat ni Gabby kay Andrea.

“Akala ko ba ayaw mo sa akin bilang bodyguard mo dahil babae ako?” Tapos ngayon, nagagalit ka na hindi n’yo ako kasama?” pagtataray niya na ikinalisik ng mga mata ng lalaki.

Humugot ng hininga ang dalaga para kalmahin ang sarili. Kailangan niyang alalahanin na para magawa niya ang kanyang trabaho nang hindi napapansin ng publiko, they were supposed to act sweet toward each other… she has to act like she was in love with Gabby.

She sneered. Siya, in love sa mayabang na lalaking ito? Not a chance.

My Special Valentines - Sunungaling mong Puso

Hindi tipo ni Doreen si Dexter Smith, pero kailangan niya itong pakisamahan dahil sa binatang Filipino-American nakasalalay ang green card na kanyang inaasam-asam. Kung hindi, TNT o tago nang tago ang labas niya sa bansang iyon.

But she had underestimated their chemistry. Sa kabaitan at pisikal na katangian ni Dexter, bulag na lang siya para hindi iyon mapansin. At bato marahil ang puso niya kung hindi iyon magagawang tunawin ng mga ngiti ng binata. Unti-unti, nahulog ang loob niya sa lalaki.

Okay na sana ang lahat. Pero nalaman ni Dexter ang lihim niya....

My Special Valentines - Mr. Right Now

Hindi maganda ang unang impression ni Terry kay Henry. Natalsikan siya nito ng putik sa unang pagkakataon na nagkita sila. Reckless men in rugged clothes were never her type.

Pero nang makasama niya ito at makausap, she realized na mas marami pala silang pagkakapareho kaysa pagkakaiba. Suddenly, she found his style masculine and sinfully sexy.
Teka! Hindi kaya may inilagay ito sa pagkain niya noong mag-lunch date sila? Bakit, siya na self-confessed nerd, ay bigla-biglang nagkaroon ng interes sa lalaki?