Showing posts with label Stallion Series. Show all posts
Showing posts with label Stallion Series. Show all posts

Precious Hearts Romances - Stallion Series 44(Batch 4) : Richard Don Robles

Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa't isa.
She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
She shouldn't underestimate him. He was a very dangerous enemy.

Precious Hearts Romances - Stallion Series 49(Batch 4) : Ian Jack Salmentar

Madalas mapagkamalang lalaki si Naville dahil sa kanyang maiksing buhok at pananamit. Pero bale-wala sa kanya iyon dahil mas importante ang mapalago niya ang kanyang negosyo upang may mapatunayan siya sa kanyang pamilya.
One day, she met Ian Jack Salmentar, Stallion Riding Club's elusive playboy. Abala ito sa pag-iwas sa mga babae nito nang mamataan siya nito. Laking gulat niya nang pakiusapan siya nito na magpanggap na lover nito.
Iyon ang naisip nitong paraan upang layuan na ito ng mga babaeng naghahangad ng mas malalim na relasyon dito.
Nang maglaon, hindi na niya maipaliwanag ang damdaming nabuhay sa kanya para dito...

Precious Hearts Romances - Stallion Series 48(Batch 4) : Reiven Alleje - [384 pages]

Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito.
Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

Precious Hearts Romances - Stallion Series 47(Batch 4) : Myco Gosiaco 2

Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?
Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?

Precious Hearts Romances - Stallion Series 46(Batch 4) : Myco Gosiaco 1

Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?

Precious Hearts Romances - Stallion Series 45(Batch 4) : Lee Shin Yang

“Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo mamatay man ang lahat ng kuko sa paa ko! Never! As in never mong mahahawakan ni dulo ng daliri ko!”
Iyon ang mga salitang binitwan ni Army kay Shin, ang masugid niyang manliligaw na half Korean at half Filipino. Sa sobrang sugid nito, ni hindi na nito alintana kung ilang beses niya itong binasted. Kahit nasa Korea ito ay tumatawag pa talaga ito para lang manligaw. Na siyang kinabubuwisitan niya, lalo pa nga at katatapos lang niyang mabigo sa pag-ibig. Tuloy ay nabuhos dito ang lahat ng galit niya sa mga kalahi ni Adan.
Pero nagbago iyon nang dumating sa bansa ang binata. She still hated his guts. But there was just something in his gentle voice and chinky Korean eyes that made the coldness in her heart slowly melt away...

Precious Hearts Romances - Stallion Series 38(Batch 4) : Zairo Montevedra

Kahit ano pa ang tampo niya rito ay hindi nagtatagal, basta makita lang niya ito. Kahit pa ang pinaniniwalaan niyang mali ay nagiging tama kung iyon ang tanging paraan para makapiling lang niya ito.

Trizia hated everything with the letter "T" that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.

Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di-hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only one name for her: trouble.

But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn't resist him.

Precious Hearts Romances - Stallion Series 39(Batch 4) : Hans Cervantes

"You don't have to thank me. All I want is for you to need me, always."

Matagal nang pangarap ni Nissa Jean na makita nang personal ang hinahangaan niyang si Rozen Aldeguer, ang lalaking lihim niyang iniibig. Pero dumating sa buhay niya si Hans. In him she found an enemy, a companion, a stress reliever, a punching bag, a listener, a friend... and someone she could love for real. Ngunit si Rozen ang unang nagustuhan niya at minahal: si Hans naman ang unang lumapit sa kanya... at nagmahal.

Mas masarap bang mahalin ang lalaking nasa harap na niya o mas matamis ang pag-ibig kung makukuha niya ang lalaking kanyang pinangarap?

Precious Hearts Romances - Stallion Series 37(Batch 4) : Eizhiro Figueroa

"Dahil sa iyo, ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko na lang ay ang magmahal."

Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.

Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sports car ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.

"Excuse me!" pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.

Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver's side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan!

Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

Precious Hearts Romances - Stallion Series 36(Batch 4) : Cloud Montañez

The habit of staring at someone can lead to either of two serious consequences, intense addiction with paranoia or... falling in love.

Para kay Polly, si Ian Jack ang number one sa puso niya. At kung liligawan siya nito, tatanggapin niya ang pag-ibig nito nang buong puso. lyon ang gagawin niya kahit pa sa tuwing nakikita niya ang larawan ng mga Stallion boys, lalo na ang kay Cloud Montanez ay hindi niya mapigilang mapangiti. Ito kasi ang may pinakamagandang mukha sa lahat. Pero hindi naman iyon ang mahalaga—dahil ayaw naman niya rito. Masungit kasi ito, at sa kanya lang.

Hanggang isang araw, na-realize na lang niyang ang lalaking inakala niyang mahal niya ay hindi naman pala niya mahal. At ang lalaking inakala niyang ayaw niya ay minamahal na pala niya.

Who ever said that falling in love was easy?

Precious Hearts Romances - Stallion Series 40(Batch 4) : Baxter Saavedra

"Masaya ako kapag nakikita kita. Masaya ako kapag nakakausap kita. lyon ang dahilan kung bakit lagi mo na lang akong nakikita sa harap mo. I keep coming back to you because I wanted to be with you. All the time."

Baxter Saavedra had all the right ingredients to be the perfect hero in a romance story or real life. Kung hindi lang siguro sa ugali nitong hindi ma-gets ni Michi, baka nagamit na niya itong hero sa mga nobelang isinusulat niya. At aaminin niya, minsan sa buhay niya ay nagkaroon din naman siya ng lihim na pagsinta rito.

Wai a naman talaga siyang planong pansinin ito kung hindi lang ito ang unang lumapit sa kanya. He treated her like a lady. He made her feel special. He made her fall for him. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang damdamin dito, bakit bigla na lang lumayo ito sa kanya?