Showing posts with label Aira Felicity. Show all posts
Showing posts with label Aira Felicity. Show all posts

My Special Valentine - The Man I Love : My Own Love Story

Hiling kay Lizette ng pinsan niyang namayapa, puntahan niya ang nobyo nitong si Wayne Narvaez at isanobela niya ang love story ng dalawa.

Parang piniga ang puso niya nang makita ang lalaki. Napakalayo ng Wayne na kaharap niya sa binatang bukambibig ng pinsan niya noon. Ang Wayne sa kuwento ni Elle ay masayahin, loving, mabait at friendly. Pero ang kausap niya ngayon, sing-lamig ng yelo ang mga tingin, at maging ang pananahimik nito ay naglalabas ng kalamigan.

Sa tingin ni Lizette ay kailangan nito ng tulong. At kung pagbabasehan ang malakas na kabog ng dibdib niya sa tuwing makikita ang lalaki, alam niyang hindi lamang awa ang dahilan kung bakit gusto niyang damayan si Wayne....

My Special Valentines - Lead Me To Love, Adelle

It was probably fate's way of intervening in Adelle's too mundane life. Isang gabi ay sumulpot sa kanyang pinto ang kapitbahay niyang abogado. Hinang-hina ito dahil sa forty degrees yatang temperatura. Tulak ng kagandahang-loob, minabuti niyang alagaan ito sa mismong silid niya.
Hindi niya akalain na ang kabutihang ginawa niya ay magdudulot ng pahamak sa kanya.
Nagising siya kanabukasan at natagpuan ang galit na galit niyang lola habang nakatingin sa kanila ng 'di nakikilalang lalaki na naabutan nito sa kanyang unit.
Lalong lumaki ang problema ni Adelle nang sa halip na itanggi ni Keith ang hinala ng matanda, sinabi nitong nagmamahalan sila at handa siya nitong panagutan!