Showing posts with label Heart Yngrid. Show all posts
Showing posts with label Heart Yngrid. Show all posts

Precious Hearts Romances - 2958 : Love Contract

Haley was meant to be with Rhett. Ngunit iyon ay para lamang sa mga magulang nila na mag-best friends, dahil hindi nila masikmura ang isa’t isa simula pagkabata. Kinalakihan nila ang pagbabangayan. Kaya ganoon na lamang ang relief na naramdaman niya nang magkahiwalay sila ng landas.
Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay bigla na lamang lumitaw ito at inaalok siya ng kasal. At lalo siyang nainis dito nang malaman niya ang dahilan ng pag-aalok nito ng kasal sa kanya. Desidido siyang huwag tanggapin ang kalokohang kasal na iniaalok nito. But something happened in his favor. All of a sudden, she was trapped into a marriage that was only bound to last for six months.
Until suddenly, tila ayaw na niyang dumating ang expiration date ng kanilang marriage contract dahil ayaw na niyang malayo rito...

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 18(Batch 2) : Trent Sandoval (My Love, My Hero)

Carla hated Trent to the core. Eighteen years old pa lang siya ay galit na siya rito dahil ito ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang first love. Sa pagbabalik niya mula sa Amerika pagkalipas ng limang taong pamamalagi roon ay taglay pa rin niya ang galit na iyon para dito.
Kaya naman nang buyuin siya ng mga kaibigan niyang paghigantihan si Trent ay umayon siya sa plano ng mga ito. Ang plano nila ay sirain din ang pakikipagrelasyon ni Trent sa mga babae katulad ng ginawa nitong paninira sa relasyon nila ng kanyang first love.
She was enjoying ruining his dates and seeing him get mad until she felt as if something suddenly went wrong. Bigla-bigla ay may naramdaman siyang kakaiba para dito. Soon, she realized she was falling in love with him. And to add to her pain, he was getting married... to another woman!

Precious Hearts Romances - 2941 : Wildflower

Nang dahil sa isang pagkakamali ay nakatakdang mawala kay Lawrence ang isang napakaimportanteng deal sa isang kliyente. Nakasalalay sa account na iyon ang status ng kandidatura niya sa nalalapit na election for the next CEO. Kaya naman handa siyang gawin ang lahat para muling subukang makuha ang account. Sukdulang makipagpalitan siya ng pabor kay Don Gustavo Sandejas, ang big boss ng kompanyang may-ari ng elusive account. Pumayag itong ibigay sa kanya ang account kapalit ng isang kondisyon.
“Take care of my daughter while I’m away, I’ll give you the account you want.”
Take care of Daisy? That wild, crazy, troublesome, reckless, fearless, playful woman? No way!
Kulang pa ang adjectives na iyon para ilarawan kung gaano kalalang personalidad ito. Ngunit kinailangan din niyang tanggapin ang proposisyon ng don. Daisy had caused him serious headaches. Ngunit habang binabantayan niya ito, natuklasan niya ang nakalulungkot na sekreto ng nakaraan nito...

Precious Hearts Romances - Cinderella 72 : Maja (The Foxy Princess)

Raket ni Maja ang manghula para kumita ng extra. Ang totoo, hindi talaga siya nakakakita ng future. Isa lamang siyang huwad na manghuhula. Kaya nga hindi niya nahulaang maganda pala ang kanyang kapalaran. She was destined to be the bride of the rich and handsome Denmark Villaruiz---on a prearranged wedding.
Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na maaari siyang maging Cinderella. Pero may problema--ayaw sa kanya ng kanyang Prince Charming. At ayaw rin naman niya rito dahil napakaantipatiko nito. Kaya lang naman niya binubuntutan ito ay dahil gusto niyang parating inaasar ito dahil napakapikon nito.
Hanggang isang araw, natagpuan niya ang sariling umiibig na sa kanyang supladong prinsipe. Pero tila mahal pa rin nito ang ex nito.
May happy ending pa kaya ang fairy tale niya?

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 20(Batch 2) : Rico Medina (The Third Love 2)

Isinumpa ang lalaki sa kuwento sa painting na ginamit ni Gale sa istoryang isinulat niya sa kanyang column. Nagmahal nang tatlong beses ang lalaki at tatlong beses ding nasaktan at nabigo.
Habang kasama niya si Rico ay natuklasan niyang hindi pala tumigil sa lolo nito ang sumpa dahil mukhang pati ito ay dinaranas ang hindi magandang kapalaran ng abuelo nito sa pag-ibig.
Hindi nagtagal natuklasan na lang niya ang pagnanais na tulungan si Rico na makawala sa sumpa. She knew her love for him would save him from the curse. Pero ano ang silbi ng pagmamahal niya kung hindi pag-ibig ang nararamdaman nito para sa kanya?

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 19(Batch 2) : Rico Medina (The Third Love 1)

Nanganganib na matanggal ang column ni Gale sa pahayagan na pinagsusulatan niya. Determinado siyang mapigilan ang pagtatanggal niyon kaya humanap siya ng nakapainteresante at kakaibang istorya na maaari niyang gamitin upang isalba ang kanyang column.
Nakahanap naman siya ng magandang istorya sa pamamagitan ng isang painting. May istorya raw ang painting na iyon at totoo raw ang lalaking nasa canvass.
Sa paghahanap ng in-depth story tungkol sa lalaki sa painting ay nakilala niya si Rico Medina, ang apo ng lalaki sa kuwento na ubod ng sungit. She would have to get close to his family through him. Dahil sa pamilya nito lamang niya makukuha ang mga impormasyong kinakailangan niya. Ang problema ay paano siya makakalapit dito nang hindi siya sinusungitan nito?

Precious Hearts Romances - 2910 : One True Love

Identical twins sina Danna at Lanna. Halos wala silang ipinagkaiba sa pisikal na kaanyuan pero magkaibang-magkaiba ang mga personalidad nila. Danna was bubbly and playful; Lanna was mature and modest. Madalas ay napagkakatuwaan ni Danna na gayahin ang kilos at pananalita ng kanyang kakambal.
Hanggang sa dumating ang sandaling kailangan talaga niyang magpanggap bilang si Lanna sa kagustuhan ni Dale, ang nobyo ni Lanna na pansamantalang hiniwalayan ng kanyang kakambal dahil sa alitan ng mga ito.
Sa isang family gathering ay isinama siya ni Dale bilang nobya nitong si Lanna. Actually, he hated her guts. Kahit pikon na pikon ito sa kanya sa totoong buhay ay sweet na sweet naman ito sa kanya kapag nasa harap sila ng pamilya nito.
Sino ang mag-aakala na made-develop siya rito? Ang masakit, si Lanna pa rin ang mahal nito. At nakatakdang bumalik si Lanna sa buhay nito.

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 17(Batch 2) : Hiro Villaruiz (Wanted: Perfect Wife 2)

"You have a very wicked way of showing your feelings. You even went to the extent of telling everyone you love me using a megaphone."

Ginawa ni Alyana ang lahat para siya ang pakasalan ni Hiro. Ibinuhos niya ang lahat ng powers niya para lang magkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang kaisa-isang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. And she made it. Thanks to her superb talents in pulling off pranks and posing skills. Now she was Mrs. Alyana Villaruiz.

Ang plano niya ay paibigin ang asawa ngunit kahit mag-asawa na sila ay parang wala pa rin siyang kapag-a-pag-asa rito.

Kung ang virgin mother ay si Mama Mary, siya yata ang virgin wife.

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 16(Batch 2) : Hiro Villaruiz (Wanted: Perfect Wife 1)

"I have always dreamed of this moment to come. To finally hold you and tell the world that you're mine. And now that it has come, I know I want to keep you forever."

Hindi makapaniwala si Alyana nang minsan ay may isang kliyenteng magpahanap sa kanya ng kakaibang ideal wife—isang asawang tila laruan ang turing. Halos maloka siya sa matchmaking job na iyon na muntik nang ikatapos ng kanyang career.

Kaya nang maulit ang pangyayaring iyon ay nawindang siya. Paano ay ang first and only love niyang si Hiro Villaruiz ang bagong kliyente na nagpapahanap ng laruan, este, asawa sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Nagboluntaryo siya na maging "asawa" nito. Wala siyang pakialam kahit gamitin lang siya nito. Ang mahalaga ay magkaroon siya ng pagkakataong makasama ito. Pero ang problema ay tinanggihan nito ang pagboboluntaryo niya.

Now, she had to do something to make him want to get her as his wife for hire, by hook or by crook!

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 15(Batch 2) : Giovanno Villegas (The Man-hater And The Lady-killer 2)

"I promised myself I won't fall in love and lose my power over a woman. But you came and made me look like a cheesy-whipped fool."

Desidido si Gio na hanapin si Alexa upang kunin ang premyo niya mula sa dalagang tinakbuhan ang kasunduan nila. Hindi lamang ang premyo ang pakay niya. He also wanted to tame her and make her realize men's power over women.

Fortunately, he found her. Pero may problema. Nalaman niyang hindi lamang siya ang naghahabol dito. Nasa panganib ang buhay nito.

Suddenly, he felt the need to protect her.

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 14(Batch 2) : Giovanno Villegas (The Man-hater And The Lady-killer 1)

It was her destiny to fall in love with a man who could not love her back. It was one of the sad realities of her life.

Nang bumalik si Alexa sa Pilipinas mula sa ibang bansa, inakala ng lahat na ang pakay niya ay upang kunin ang kanyang mana mula sa yumaong lolo niya. Ngunit may iba pa siyang dahilan sa pagbabalik niya sa bansang tinirhan din niya ng maraming taon noon.

Bumalik din siya upang magtago mula sa isang kasalanang hindi niya pinagsisisihang ginawa niya. Ngunit sinundan siya ng panganib. Suddenly, she was being chased by armed men. Alam niyang kayang-kaya niyang lusutan ang mga iyon. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung bakit kailangang umeksena si Gio, ang lalaking naging dahilan upang magkaroon siya ng grudge sa mga tulad nitong mapaglaro sa damdamin ng mga babae.

At ngayon ay pumapapel pa itong tagapagligtas niya.

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 13(Batch 2) : Geoff Sandoval (My Heart, My Home 2)

"Ang pag-ibig, hindi sinusukuan, hindi nilalabanan kundi ipinaglalaban, para sa huli ay walang pagsisisihan."

Ella was well aware she and Geoff were worlds apart. Mayaman ang binata at mahirap lang siya. Lumaki ito sa modernong pamumuhay at siya ay sa makaluma. Marami siyang pinaniniwalaang hindi nito inaayunan at bagkus ay pinagtatawanan pa nito. Wala sila ni isang bagay na ikinatugma. Hindi sila bagay.

Alam niyang walang patutunguhan ang lihim na damdamin niya para dito. Kailanman ay hindi siya magugustuhan nito. Ngunit bawat araw na lumilipas ay mas minamahal pa niya ito.

But she could not leave the house because of her grandmother's death wish. Makakaya kaya niyang mapaglabanan ang damdamin niya para sa binatang kahit madalas magsungit ay guwapo pa rin sa paningin niya?

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 12(Batch 2) : Geoff Sandoval (My Heart, My Home 1)

Mahal niya si Geoff hanggang langit...

A year after Ella's grandmother passed away, a man named Geoff showed up at her doorstep. May hawak itong katibayan na ito ang may-ari ng bahay at lupa na tinitirhan niya at ng kanyang yumaong lola.

Si Don Herminio pala na namayapang lolo nito ang totoong may-ari ng mansiyon. Ipinamana raw dito iyon kaya sinabihan siya nito na umalis doon dahil wala siyang karapatang manatili roon.

Ngunit pinapangako siya ng kanyang lola na huwag siyang aalis doon kahit ano ang mangyari. Desidido siyang tuparin iyon kaya sa kabila ng mga pananakot ni Geoff ay pinanindigan niya ang kanyang desisyon.

As they stayed together in one house, they tried to discover his grandfather and her grandmother's old secrets. Kasabay niyon ay natuklasan din niyang umiibig na siya kay Geoff. But she knew that sooner or later, she would have to leave the house.

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 22(Batch 2) : Hayden Villaruiz (The Lost Prince 2)

Marriage. Wife. Children. Walang interes si Hayden sa mga bagay na iyon. Kaya hindi niya matanggap na nakatakda na siyang magkaroon ng isang asawa at anak. Nakatakda na siyang magpakasal sa isang babaeng ni hindi niya mahal.
Isa lamang ang solusyon sa problema niya. And that was to run away.
Ngunit hindi na niya kinailangang gawin ang bagay na iyon dahil ang tadhana na mismo ang naglayo sa kanya sa kasal na hindi niya ginusto.
Nakaligtas nga siya sa kasal na hindi niya gusto ngunit nang magising siya mula sa malalim na pagkakahimbing ay may asawa na siya...

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 21(Batch 2) : Hayden Villaruiz (The Lost Prince 1)

As a poor provincial girl who believed in fairy tales, Lora had always been waiting for her prince to come along and take her to his palace. Hanggang sa dumating nga ang isang malaprinsipeng lalaki sa buhay niya. Ang problema ay hindi nito matandaan kung nasaan ang palasyo nito. He had no memory and he was penniless.
Suddenly, she had a princely husband. Wala man itong mga ginto at kayamanan, minahal niya ito nang tunay. She thought they could live happily ever after but she was wrong. Bumalik ang alaala nito. Natuklasan nito ang tunay na pagkatao nito at hindi na siya kinilala nito bilang asawa.
Sadyang wala yata talagang happy ending. Dahil sa halip na dalhin siya ng kanyang prinsipe sa palasyo nito upang pakasalan ay ginawa pa siyang alipin nito.
Mukhang paatras yata ang kanyang fairy tale...