Precious Hearts Romances - 2906 : Akin Ka Na Lang — Ana Katrina Velasco , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 2906 : Akin Ka Na Lang

Hindi pa man nakikita ni Lianne si Dave, ang anak ng kanyang boss, ay mabigat na agad ang loob niya rito. Kung gaano kalapit ang loob niya sa ama nito ay kabaligtaran naman ang nararamdaman niya para dito. Ang tingin kasi niya rito ay isang happy-go-lucky guy na walang ginawa sa buhay kundi ang magpasarap.
Kaya naman nang magkita sila nang personal ay naglagay kaagad siya ng pader sa pagitan nila.
Pero unti-unting nagbago ang tingin niya rito nang araw-araw na niyang makasama ito sa opisina bilang boss niya kapalit ng ama nito. Gumawa ito ng paraan upang mapalapit siya rito. Unti-unti rin ay natagpuan niya ang sariling umiibig na rito. At natuwa siyang malaman na ganoon din pala ito sa kanya.
Masaya na sana siya sa nag-uumpisang relasyon nila pero nabaligtad ang lahat nang malaman niya ang tunay na intensiyon nito sa kanya…




0 comments:

Post a Comment