Precious Hearts Romances - 1455 : Ano Ang Hatid Ng Bukas? — All-Time Favorite , Laurice Del Rio , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 1455 : Ano Ang Hatid Ng Bukas?

Batid ni Kylene na paghihiganti ang dahilan ng pagbabalik ni Jake sa bayan nila. Nais nitong ipakita sa kanila kung ano ang narating ng hardinerong minamata ng lola niya noon. Ito na ang higit na nakaaangat ngayon, at ayaw man niyang tanggapin ay kailangan niya ang tulong nito.
Minahal niya ito noon. Akala niya ay sapat nang mahal nila ang isa't isa kahit mariin ang pagtutol ng lola niya rito. Ngunit bigla na lang itong umalis.
Sa muli nilang paghaharap, nais niyang isumbat dito ang pang-iiwan nito sa kanya, ang sakit ng damdaming idinulot nito sa kanya. Pero paano niya iyon gagawin gayong sa bawat titig at pagkakalapit nila ay nanlalambot ang kanyang mga tuhod? Na sa kabila ng galit na nababasa niya sa mga mata nito ay batid niyang mahal na mahal pa rin niya ito.
At bakit siya nito inalok ng kasal?




0 comments:

Post a Comment