“Ayokong mag-asawa, pero gusto kong magkaanak.”
Nasamid si Nathan sa gulat nang marinig ang sinabi ni Bethany. Hindi nito marahil inisip na ang tulad niyang tila manang manamit ay may ganoon ka-liberal na plano sa buhay. “Bakit?”
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Why not? I can be as good a provider as any man could be. Hindi porque nag-iisa ako, hindi ko na maaalagaan ang magiging baby ko. So okay lang sa ‘kin na maging sperm donor lang ang kung sino mang magiging ama ng baby ko.” Napansin niyang natahimik si Nathan nang ilang sandali. “What are you thinking?”
Sumilay ang marahang ngiti sa mga labi ng binatang boss. “I’m thinking that if you really want a sperm donor… ako na lang.”
Muntik nang himatayin si Bethany sa narinig.
2 comments:
gosh! were can i find a copy of this... its my favorite story of all... can anyone help me on this,,.
omg!!! I really love the story of this please please sino po may alam Kung san ako makakahanap ng copy nito.. :)
thanks po...
Post a Comment