Precious Hearts Romances - My Love My Hero 358 : Stephen Sandoval — Cassandra , My Love My Hero , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - My Love My Hero 358 : Stephen Sandoval

Dull, stupid, and unreliable—iyon ang tingin ni Claudette sa bagong personal driver niya dahil sa palpak na trabaho nito sa unang araw nito sa kanya. Kahit guwapo ito ay hindi basta mawawala ang hindi magandang impresyon niya rito.

Subalit nang lumaon, nakita niyang hindi naman pala ito ganoon. Masarap palang kasama ito, mabait at medyo sweet. Pero mukhang sumobra naman ito sapagkat tila kinarir nito ang trabaho at maging ang pagba-bodyguard ay nais pa nitong pasukin. Unti-unti siyang natuwa rito at kakatwang nagkaroon ito ng pitak sa kanyang puso.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, may nagtangkang kumidnap sa kanya. At noon niya nalaman na ang inakala niyang tatanga-tangang driver niya ay itinalaga ng kanyang ama para bantayan siya. At hindi lamang pala ito isang ordinaryong bodyguard. Isa pala itong ex-military captain!




0 comments:

Post a Comment