Kontento na sa buhay si Elvira dela Cuesta. Maganda ang takbo ng kanyng career. Pinaliligiran siya ng mapagmahal na pmailya at mga kaibigan. At sa wakas, nag-propose na ang kanyang college sweetheart, si Raul Santiago.
Ngunit mapaglaro ang kapalaran. Sa isang iglap ay naglahong parang bula ang kasiyahan sa kanyang buhay. Nabangga ang kotse nila ni Raul ng isang rumaragasang truck. Agad binawian ng buhay ang kanyang kasintahan. Siya naman ay nagising sa isang linggong pagkakahimlay.
Taon ang lumipas. Muling nagkrus ang landas nila ng kanyang kababatang si Vincent Regalado. Pilit man niyang sabihin na wala siyang interes dito, hindi niya mapigilan ang pag-aalab ng kanyang puso sa tuwing sila ay nagkikita.
May pag-asa pa kayang umibig uli ang pusong matagal nang nahimlay?
0 comments:
Post a Comment