Precious Hearts Romances - My Lovely Bride 214 Melody & Xander — Armie Jane , My Lovely Bride , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - My Lovely Bride 214 Melody & Xander

Dahil sa di-magandang karanasan ng kanyang ina sa kanyang ama, naging maingat na si Melody sa pagpili sa mga lalaki. Simple lang naman ang pangarap niya—ang makatagpo ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya at pakakasalan siya.
Nakilala niya si Xander Eugenio, ang guwapong binata na nagmula sa isang mayamang angkan. Kilala at magaling na photographer ito. Pinaglapit sila ng kanilang mga trabaho, hanggang sa mamalayan na lamang niyang pumapayag na siyang mayakap at mahalikan nito. Wala mang sinasabi ito tungkol sa pag-ibig ay nararamdaman niyang pareho na sila ng nararamdaman para sa isa’t isa.
Inakala niyang si Xander na ang lalaking tutupad sa pangarap niyang maikasal at magkaroon ng masayang pamilya. Ngunit mali pala siya. Dahil nagbalik na raw ang dating nobya nito na siyang pakakasalan nito…