Precious Hearts Romances - 2940 : A Time For Love — Amanda , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 2940 : A Time For Love

Nagpunta si Tanya sa Negros upang kumbinsihin si Milagros Salvacion na makipagkita sa Lolo Ben niya. Nagmatigas ang babae kaya kinailangan niya ang tulong ni Antonio Buenafe, ang guwapong hacendero na kamukha ng isang sikat na actor sa Mexican telenovela. Antonio was ruggedly handsome, tall, dark and intimidating.
Pumayag si Antonio, pero may kapalit: kailangan niyang magpanggap na kasintahan nito. Gagawin niya ang lahat para sa Lolo Ben niya kaya pumayag siya sa kondisyon nito.
Pero wala yata sa kasunduan nilang puwede siyang hagkan at yakapin nito. At ang nakapagtataka, sa tuwing gagawin iyon ni Antonio ay hindi inis kundi pananabik ang nararamdaman niya.