Nang umalis ang pinsan ni Sadie na si Amanda patungo sa Amerika, ipinakiusap nito sa kanya na siya na muna ang bahala sa fianc‚ nitong si Tyler. Bantayan at libangin daw niya ang binata. Pumayag siya.
Ngunit hindi lamang iyon ang nagawa niya. Dahil natutuhan pa niyang mahalin si Tyler. Ngunit alam niyang si Amanda lamang ang mahal ng binata kaya nagulat siya nang sabihin sa kanya ng pinsan niya na may natagpuan na itong iba sa Amerika. Ayon dito ay hindi nito gustong biglain si Tyler. Kaya nakiusap uli ito sa kanya.
“Make him fall in love with you, Sadie. Nang sa gayon ay hindi magiging masyadong masakit sa kanya ang gagawin kong pakikipagkalas.”
Tatanggihan ba niya ang pakiusap nito gayong ang mahalin si Tyler ang gustung-gusto niyang gawin? Wala na sanang problema kung matututuhan din ni Tyler na mahalin siya...
0 comments:
Post a Comment