Precious Hearts Romances - 1121 : Paano Susuklian Ang Pag-ibig — All-Time Favorite , Noelle Arroyo , PreciousHeartsRomances — CharmAngel's Pocketbook Corner

Precious Hearts Romances - 1121 : Paano Susuklian Ang Pag-ibig

Napakurap siya. “Paano ko nagagawa iyan?”
Bumuntong-hininga si Troy. “Huwag mo akong paglaruan, Regina. Alam mo kung ano ang ginagawa mo. But damn, pakiramdam ko’y makapapatay ako kung hindi kita mahahagkan!”
Nanlambot ang mga tuhod niya bilang epekto ng matinding pagnanasang narinig niya sa napaos na tinig nito. Nang mga sandaling iyon, walang makapipigil sa kanya nang umangat ang mga kamay niya para pumulupot sa leeg nito. Hindi maging ang mga pang-iinsulto nito na isa siyang social climber.
“Kung ganoon, Troy… hagkan mo ako.”