Precious Hearts Romances - Craville Series 4 : Azure

Unang kita pa lamang ni Frances sa lalaking may bughaw na mga mata ay na-in love na siya rito nang todo. Wala siyang pakialam kahit sabihan siya nito na napakabata pa niya at hindi siya nababagay rito. Determinado siyang paibigin ito.
Hindi rin siya pinanghinaan ng loob kahit natuklasan niyang ito ang tagapagmana ng billion dollar business empire at lahat yata ng babae ay kaagaw niya sa pagtingin nito. Sumumpa siya na magiging isa siyang successful career woman at magiging karapat-dapat siya para dito.
Lahat ng pinangarap niya ay natupad maliban sa isang bagay. Hindi niya naging asawa ang lalaking pinakamamahal niya nang mamatay ito.
Wala siyang kamalay-malay na buhay na buhay ito, na lihim na nakabantay ito sa kanya, nag-aalaga, pumoprotekta, at kinikimkim ang labis na pagmamahal sa kanya.

Precious Hearts Romances - Craville Series 4 : Elegance

Isang magaling na abogada si Beatrice. May reputasyon siya bilang isang matapang at malakas na babae.
Ngunit binansagan din siya bilang “black widow.” Lahat kasi ng napapangasawa niya ay namamatay. Sa pagkamatay ng ikalawang asawa niya ay naging napakaemosyonal niya. Kinailangan niya ng isang taong mapaghihingahan niya ng sama ng loob kaya nagtungo siya sa simbahan upang mangumpisal.
Sa loob ng confessional box ay sinabi niya ang lahat ng kanyang itinatagong sekreto. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang matuklasan niyang hindi isang pari ang nasa loob ng confessional box kundi isang guwapong lalaki na nagngangalang Bien Lucero.
Hindi niya akalaing iibig siya rito. Pero ayaw niyang maging asawa ito kahit mahal na niya ito. Paano na lang kung mamatay ito nang maaga?

Precious Hearts Romances - 18 Roses (Batch 2) 33 : Sofia Lorraine (The Beloved Slave)

Malapit nang sumapit ang pinakahihintay ni Sofia Lorraine na debut niya nang matuklasan niya ang napakabigat na problemang kinasusuungan ng mommy niya—lubog na ito sa pagkakautang. Lalong lumaki ang problemang sumalubong agad sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging ganap na dalaga nang idemanda ito ng ginang na pinagkakautangan nito.
Ayaw niyang makulong ang mommy niya. Kaya bago pa mangyari iyon ay nakipag-usap na siya kay Mrs. Estevez na huwag nang ituloy ang demanda. Gagawin niya ang lahat, sukdulang magpaalila siya rito.
Pero ibang klaseng pagsisilbi ang gusto ng ginang kapalit ng peace of mind niya—iyon ay ang baguhin niya, o mas tamang sabihing paibigin niya, ang anak nitong si Vincent. Si Vincent na saksakan nga ng guwapo ngunit mukhang galit naman sa mundo.
Kaya ba niyang patinuin at paibigin ang lalaking mukhang labis na magpapasakit ng kanyang ulo… at ng kanyang puso?

Precious Hearts Romances - 2958 : Love Contract

Haley was meant to be with Rhett. Ngunit iyon ay para lamang sa mga magulang nila na mag-best friends, dahil hindi nila masikmura ang isa’t isa simula pagkabata. Kinalakihan nila ang pagbabangayan. Kaya ganoon na lamang ang relief na naramdaman niya nang magkahiwalay sila ng landas.
Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay bigla na lamang lumitaw ito at inaalok siya ng kasal. At lalo siyang nainis dito nang malaman niya ang dahilan ng pag-aalok nito ng kasal sa kanya. Desidido siyang huwag tanggapin ang kalokohang kasal na iniaalok nito. But something happened in his favor. All of a sudden, she was trapped into a marriage that was only bound to last for six months.
Until suddenly, tila ayaw na niyang dumating ang expiration date ng kanilang marriage contract dahil ayaw na niyang malayo rito...

Precious Hearts Romances - 2957 : Softly As You Leave

Namatay sa isang car accident ang kasintahan ni Kristine sa araw ng kasal nila. Pakiramdam ni Kristine ay kasamang namatay ni Adrian ang puso niya.
She was still hurting nang isang araw ay dumating si Cain at inalok siya ng trabaho. She was a landscape artist, at ganoon na lang ang paghanga ng binata sa mga “obra” niya. Nakahanda itong magbayad ng isang milyon.
Tinanggap niya ang alok nito. Nagtungo siya sa mansiyon ni Cain sa Laguna. Pero daig pa niya ang bisita kung tratuhin nito. Hanggang isang araw ay isama siya nito sa Tagaytay. Nakita niya roon ang dream house na ipininta ni Adrian sa canvas.
It came to her as a surprise. Pero higit pa pala roon ang sorpresang naghihintay sa kanya… dahil nang magtapat ng pag-ibig sa kanya si Cain, noon din niya nalamang puso ni Adrian ang bumubulong…

Precious Hearts Romances - 2956 : Carmela's Romance

Matalik na kaibigan ni Carmela si Max. Ito ang parating kasama niya at halos sa kanyang bahay na ito nakatira. Ganoon din siya sa bahay nito. Marami man ang nag-iisip na sila na at kahit itinutukso sila sa isa’t isa, alam niya ang totoo: best friends lang sila. Ngunit hindi niya inaasahan na isang araw ay sasabihin nito sa kanya na mahal siya nito. Nagulo ang mundo niya. Hindi siya handa sa ganoon. Kaya naman umiwas ito sa kanya.
Kung kailan wala na ito ay saka niya natanto na matagal na palang ito ang isinisigaw ng puso niya. Paano na kung mayroon na itong nobyang pantasya ng kalalakihan--maganda, matalino, maalindog at kompara sa kanya ay isang diyosa? May pag-asa pa kaya siyang mabawi ito?

Precious Hearts Romances - 2955 : A Penny For Cade

May kapansanan si Penny dulot ng isang trahedya noong bata pa siya na kumitil sa buhay ng kanyang pinakamamahal na ina. Iyon din ang dahilan kung bakit naging recluse siya. Kaya naman hindi niya napaghandaan ang pagpasok sa buhay niya ng isang tulad ni Cade Cassidy, ang guwapo at misteryosong multimillionaire na kasosyo ng kanyang ama sa negosyo, at ang dapat ay mapapangasawa ng nakatatandang kapatid niya.
Pero nalaman na lang niyang siya na pala ang pakakasalan nito!
She thought that despite her disability, he was attracted to her—the reason why he wanted her to be his wife. Pero napag-alaman niyang may iba pa palang motibo ito—isang motibo na nag-ugat sa madilim na nakaraan nito...

Precious Hearts Romances - 2954 : Tillie Do Us Part

Dalawang dekada nang in love si Tillie kay Briggs kaya naman nang isang gabing makita niyang may katagpong lalaki ang fiancée nito ay ginamit niya ang pagkakataong iyon para agawin ang puso ni Briggs. Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa ang pag-ibig niya. Sumugod siya sa clinic ni Doc Briggs para magsumbong. Pero pagkatapos ng kanyang makapigil-hiningang pagsasalaysay ay walang sinabi ito kundi:
“Get a life, Tillie.”

Precious Hearts Romances - 2953 : Here With You

Nakilala ni Jamila si Warren sa isang kakatwang sitwasyon. Nakita niya itong binubugbog ng dalawang lalaki. Kung hindi pa dahil sa lakas ng loob niya ay baka kung ano na ang nangyari dito. Iyon ang naging daan upang magkaroon ng malaking kaugnayan si Warren sa buhay niya.
Sa ilang oras na pananatili nito sa bahay niya, nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi na sila muling magkikita. Pero naisip niyang mabuti na rin iyon dahil ayaw niya sa mayayaman. Dahil kasi sa mayayaman kaya sila iniwang mag-ama ng kanyang ina.
Ilang araw ang lumipas, nagulat siya nang magbalik ito. Naalala raw siya nito, pati na ang mga kasama niya sa bahay na sina Lola Carmen at Ruben.
Unti-unti niyang napapansin na nakikibagay ito sa kanila, hanggang sa maramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Handa na ba siyang yakapin ang mundo nito at ipakipagsapalaran ang puso niya?

Precious Hearts Romances - 2952 : Forever And For Always 2 (Diane & Mike)

Para kay Diane ay malas siya sa pag-ibig. Lahat ng lalaking napapaugnay sa kanya ay napapahamak. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya iibig uli. Nakatalaga na nga yata siyang tumandang mag-isa.
But meeting Mike again, a classmate from high school, made her reconsider her decision. Pinigilan niya ang kanyang sariling umibig dito ngunit ayaw talagang papigil ng kanyang puso.
Paano niya lalabanan ang takot na naghahari sa kanyang dibdib?

Precious Hearts Romances - My Lovely Bride 215 Rio & Gary

Sa loob ng mahabang panahon ay iningatan ni Rio ang lihim na pag-ibig niya kay Gary. Nang magkita silang muli ay ganoon pa rin ang nadarama niya para dito.
Pero hindi na siya ang disisais anyos na na-in love dito. May malalalim nang sirkumstansiyang nakapagitan sa kanila. Paano pa niya matutupad ang matagal na niyang pangarap na maging bride ni Gary?

Precious Hearts Romances - Heartstrings Barkada Series 5 : Cillian (The Buddy)

Nang ma-in love si Lindsey sa kaibigan niyang si Cillian ay gumawa siya ng bagay na tiyak na ikokondena ng mga kabaro niya: she plotted a scheme to get rid of his beauty queen girlfriend. Ngunit pagkatapos ng lahat-lahat, napagtanto niya na kahit napaghiwalay niya ang dalawa, hindi niya makukuha ang puso ni Cillian. Kaya lumayo siya rito.
Makalipas ang apat na taon ay kinailangan niya ang tulong nito. Ito ang susi para matupad ang pangarap niyang maging contributor sa isang fashion magazine. Lakas-loob na tinawagan niya ito…
Sa pagkagulat niya, hindi ito galit sa kanya! At nang magkasama uli sila, parang na-inspire na naman ang puso niya. Kung bubuo siya ng panibagong plano para mapasakanya ito, magtagumpay na kaya siya?

Precious Hearts Romances - Craville Series 3 : Cypress Wind

Nakaramdam ng pagrerebelde si Kyle dahil sa pagmamanipula ng kanyang ama sa buhay niya. Nais nitong maging sikat siyang violinist. Sa pagrerebelde niya ay napadpad siya sa isang bar. Doon ay natuwa siya nang labis na natuwa dahil nabigyan siya ng pagkakataong i-express ang kanyang music.
Kasabay niyon ay nakita niya ang isang babaeng mukhang nanganganib sa kamay ng dalawang lalaki. Nagawa niyang itakas ito mula sa mga nais magsamantala rito. Napansin niyang parang wala ito sa sarili. Parang hot na hot ito. At siya na wala pang karanasan sa sex ay labis na nadarang dito. Nakuha niya ang pagkakabae nito.
Seven years later, muli silang nagkita ng babae. “Krista” pala ang pangalan nito. Subalit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang paratangan siya nitong ginahasa niya ito!

Precious Hearts Romances - 1304 : Bituin Ng Puso Ko

Kapangalan ni Sharon ang megastar subalit siya’y isang bituing walang ningning—walang pera at minalas pang mawalan ng trabaho.
Nag-apply siya bilang yaya ng pamangking si Mikael na naiwan sa pangangalaga ng masungit nitong tiyuhin na si Bruce.
Batid niyang napilitan lamang ang binata na tanggapin siya dahil sadyang magiliw sa kanya ang bata.
Sa pagdaan ng mga araw, lalong napalapit sa kanya si Mikael. Na siya namang ipinagkaiba ng relasyon nila ng tiyuhin nito. Dahil sa halip na mapalapit at mapalagay ang loob niya rito, tila siya nakatulay sa alambre kapag kaharap ito. Bawat maling kilos niya ay pinupuna nito.
Ngunit hindi niya napigilan ang pag-usbong ng isang kakaibang damdamin para dito. Sa paglipas ng mga araw, tila hindi lamang ang pamangkin ang gusto niyang alagaan, kundi pa rin ito.
Ngunit paano niya iyon maisasakatuparan gayong sa tuwing magkakalapit sila ay tila ito napapaso at iglap na lumalayo?

Precious Hearts Romances - 1067 : It's You

Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Paolo Galvante, ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya sa kanyang tanang buhay. Subalit ang paghangang iyon ay napalitan ng pagkamuhi nang malaman niyang anak ito ng bababeng umagaw sa kanyang papa.
Ngunit sadyang hindi padadaig ang puso. Ang lahat ng poot at pagkamuhi sa kanyang dibdib ay unti-unting napapalis at napapalitan ng pag-ibig sa haplos pa lamang nito.

Precious Hearts Romances - 2951 : Pest-free Chance

Kontrapelo agad ang drama nina Heidi at Marco sa una nilang engkuwentro sa isa’t isa. Pikon siya at mapang-alaska naman ito. Pero habang tumatagal, nakikita nila ang endearing qualities ng bawat isa. Hanggang sa mamalayan na lang nilang kapwa hulog na ang loob nila sa isa’t isa.
Kaya lang ay maraming “anay” sa paligid nila na pilit sumisira sa pagmamahalang nabuo sa pagitan nila. Sa bandang huli ay nag-give up si Heidi. Hindi siguro talaga sila ni Marco para sa isa’t isa. Pero nakonsiyensiya siya sa sumbat nito.
“Ipunin mo man ang lahat ng rason kung bakit ayaw mo na sa relasyon natin at kahit valid pa ang mga iyon, hindi pa rin sapat ang mga iyon para tumbasan ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi tayo dapat maghiwalay. Mahal natin ang isa't isa. Ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ang pag-iibigan natin.”
Ngayon, paano pa siya lalaban kung talo na siya? Dahil balita niya ay isinuko na rin siya ni Marco?

Precious Hearts Romances - 2950 : Estrella's Romance

Mayroong sama ng loob si Estrella sa kanyang malupit na ama kaya nilisan niya ang kanilang hacienda. Ibig niyang patunayan dito na kaya niyang mamuhay nang mag-isa at umunlad sa sarili niyang pagsisikap kaya nagplano siyang babalik lang kapag matagumpay na siya.
Ngunit bumalik siya nang mamatay ang kanyang ama. At ganoon na lamang ang galit niya nang malamang ipinagkatiwala nito ang mga ari-arian nit okay Andres, ang lalaking umagaw sa kanya ng pagmamahal ng kanyang ama.
Mula noon hanggang ngayon ay nakikihati ito sa hindi nito dapat pakialaman. Hindi niya mapapayagan iyon... Ngunit paano na kung ang puso naman niya ang ibig nitong kunin?

Precious Hearts Romances - 2949 : Si Neha At Ang Ulan

Ipinagkait kay Neha ang halos lahat ng karapatan niya. Pati ang kanyang paningin ay inagaw ni Dervla, ang malditang kapatid niya sa ama. Hanggang sa paglaki, dala-dala niya ang takot dito.
Nang magdispalko ito ng malaking halaga sa kompanya ng lolo nila, tumakas ito at nagtago sa Amerika. Sa kabila ng kapansanan niya, nagtiwala ang kanyang abuelo sa kakayahan niyang pamahalaan ang mga negosyo nito. Hindi rin naging hadlang ang kondisyon niya upang umibig siya kay Gideon.
Ngunit tila sadyang kakambal niya ang ulan at unos sa buhay niya. Sapagkat si Gideon, tulad niya, ay waring may taning na ang buhay. At ito ang nakatakdang tumanggap ng ido-donate niyang atay sa sandaling mamatay siya…

Precious Hearts Romances - 2948 : Taming Hugo

Sa umpisa pa lang ay alam na ni Brooke na hindi siya gusto ni Hugo. Ngunit hindi siya tumigil sa pagpapadama rito kung gaano niya kamahal ito. Hanggang sa dumating sa puntong sinabi nito sa kanya na handa na itong mahalin siya. Naging maligaya siya sa piling nito. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat at pagtataka niya nang bigla na lang lumayo ito sa kanya.
Pagkaraan ng sampung taon ay muli silang nagkita. Ito pa rin ang nasa puso niya. Kahit masama ang loob niya rito ay nagbigay pa rin siya nang hingan siya nito ng tulong. At iyon ay ang samahan itong mag-imbestiga kung sino ang ipinalit dito ng nobya nito!
Nang muli silang magkasama ay muli na namang nabuhay ang pag-asa sa kanyang puso. Dahil muli na namang ipinaramdam ni Hugo na mahalaga siya rito. Muli na naman ba niyang isusugal ang kanyang puso?

Love Match - E.D.G.E. Xander


Control is an illusion...

Delta Force operator Xander Thorne's control is legendary even among his elite military group. He never fails a mission simply because he never allows his emotions to get in the way of his objectives.

And that same principle applies to Roxi, his beautiful estranged wife who chose her singing career and her rock band over their marriage. He had lived without her for so long. He had erased every memory of her from his system.

He is now about to sever all ties that bind them. Then he finds out his wife is among those taken hostage by a terrorist cell. For the first time in his life his fear almost overshadowed him. No peril can keep him away from her. No matter how high the stakes are.

It's too late to realize he never got over her.

Love Match - Red Editions : Sweet Surrender


Hell hath no fury like a woman scorned. Bagay ang kasabihang iyon kay Ellaine Navarro dahil isinumpa niyang maghihiganti siya sa lalaking hindi sumipot sa kanya sa simbahan sa araw ng kanilang kasal. Hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakatabla sa kanyang ex-fiance, Ngunit bawat plano niya ay hinahadlangan ng bestfriend ng ex niya. Rodrigo Ordonez not only stands in her way but the arrogant, overly confident man infuriates her like no other on earth! Hindi naglaon ay sila na ni Rod ang nag-aaway. Pero sa gitna ng kanilang mainit na laban ay umusbong ang isang traydor na damdamin niya para sa lalaki. Damdaming kahit anong tanggi at pigil niya ay ayaw mawala sa puso niya.

Paano na ang kanyang paghihiganti?

Love Match - Red Editions : Secret Haven


A night to remember...

Annie Sarmiento loves her independence and she has decided to spend the rest of her life on her own. Pampagulo lang ang mga lalaki sa buhay niya. Minsan na rin siyang nagmahal pero umiyak lang siya. Nope, she doesn't need a man in her life anymore. Running Secret Haven, her white sand beach resort, is the focus of her passion. Kuntento na siya roon sa kanyang munting paraiso.

A night to forget?Until temptation visits her little sanctuary in the form of Ryan Sandoval. Trouble has definitely arrived in her paradise! He is the embodiment of her wildest dreams and is wickedly tempting her to forget her I don't need a man credo. Passion as hot as the tropical sun flares between them. Isang gabi, pinagbigyan niya ang kanyang sarili. It was a night she would always cherish in her heart. For in the morning, Ryan has no place in her little paradise. But Ryan has other ideas. He doesn't want to be dismissed as just a one night stand.

Love Match - Lothario : Kit


Kit del Bianco doesn't recognize the word 'no'. Lahat ng magusluhan niya ay nakukuha niya. His striking good looks and his family's vast wealth and political power could very well afford him anything. Any woman he covets. he gets. He had never encountered a woman who didn't want him, or at least a piece of him. Until now.

Bettina Palermo is breathtakingly beautiful but elusive as a unicorn. Heto ang babaing hind kayang paamuhin ng gandang lalaki niya o ng kinang ng pera niya. Her open defiance of him ignites a fire in his blood, a challenge he cannot resist. For the first time to his life, he desires a woman with frightening intensity and she doesn't come easy. Or cheap. He wants her for pleasure, but her price tag is a wedding ring. Something he cannot afford.

A man used to getting what he wants. A woman of independent means. They share a shocking past that will haunt them in the present and decide their future. They will challenge each other in a duel of all consuming passion that will either burn them both or bind them together for all time.

Love Match - The Dream Catcher Saga : Lana


What would rule him? His mind or his heart?

Alaric Fuentabella is the heir to a business empire. He's a city boy, extremely good-looking, sophisticated and : used to getting his way. Always a practical man, his decisions have always been ruled by his shrewd mind, never his emotions.

Until fate puts him to the test.

White hunting in a virgin forest in Texas, he meets a prairie goddess. She's straight out of his wildest fantasies, a woman of fiery temperament, with smoldering beauty,,that makes him weak all over. He wanted her on sight.

But to possess her may mean losing his empire. For he is pledged to marry another woman, the one chosen by his family for him. To make things more complicated, his goddess is in fact an Indian princess, the daughter of a Cherokee chieftain. He has to fight to the death and risk losing his inheritance to claim her.

Love Match - Destiny : A Heart's Desire


Beautiful and smart, Czarie Enriquez is the owner of a very successful computer company. Siya'y lumaki sa Amerika at maaga niyang natutunan kung paano mamuhay nang independent at hindi umaasa kaninuman. Outside, she projects an aura of sophistication and confidence but deep inside, she keeps her heart heavily guarded from any emotional involvements. Napagdesisyunan niya noon pa na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. She rules her universe with absolute control and a man meddling in her personal affairs is a complication she doesn't need. But a man manages to penetrate her defenses.

Corporate CEO Yuel Anthony David could make her lose control without effort and how she hates him for that! He is arrogant and overbearing, qualities she detests in a man but he is also too handsome and sexy for comfort. Every time their paths cross, sparks fly. Worse, he is a valuable client and she has to suffer his presence until their business deal is concluded.

One day, he kisses her... and her entire universe turns upside down...

My Special Valentine - Wanted: Mr. Right


Jenna had always loved Daniel. Kaya nang makaipon siya ng sapat na lakas ng loob, sinabi niya iyon sa binata. Pero ipinamukha lamang nito na walang katugon ang damdamin niya.

Time healed her broken heart at handa na siyang magmahal ulit. Ang mission niya: Hanapin si Mr. Right. At napaka-ironic na noon nagpakita si Daniel.

She couldn't possibly love him after all those years... pero di niya madiktahan ang sariling puso. Mahal pa rin niya ito. And this time he had less to offer; an intimate relationship without marriage, without love....

My Special Valentine - Kunwari Lang Iyan


"Hindi ko naramdaman na nightmare para sa iyo ang gabing hinalikan kita. As far as I can remember, ginantihan mo ang halik ko," mayabang na sabi ni Judah.

Lalong nag-init ang mga pisngi ni Roanne, "Bastard!" Akmang tatalikuran na niya ito nang pigilan siya nito sa braso. Naalarma siya, kinabahan dahil baka halikan na naman siya nito.

"Don't worry, I won't kiss you here dahil baka makita tayo ns parents mo. Sinabi ko sa kanila na igagalang kita hanggang sa magawa mo akong patawarin at mahalin."

"Asa ka pa!" Gahibla na lang at bibigay na siya sa mga pang-aakit ni Judah. Pero bago iyon, tuturuan niya muna ito ng leksyon....

My Special Valentine - In Love With A Playboy


"I'm glad ikaw ang nagpanggap na asawa ko," sabi ni Luke. Theirs was a fake marriage.

"So, tanggap na pala ni Leslie na may-asawa ka na," ani Mattie.

"Sort of. But she said she's going to make me hers come what may. If that happens, maipaglaban mo kaya ako?"

Gusto niyang isagot, You 're not my real husband. Pero sige, ipaglalaban kita. Hindi dahil binayaran mo ako para gawin iyon kundi dahil ayokong mapunta ka kay Leslie... dahil ang gusto ko'y sa akin ka lamang....

My Special Valentine - I Will Give You My All


"Hindi ka magsisisi, Jennifer. I promise I will give you my all," pangungumbinsi ni Matthew sa alok nitong affair.

Hindi makapaniwala ang dalaga. Affair, hindi kasal ang alok ng lalaking mahal niya.

"Everything except your freedom," dugtong niya.

"Yes. . . and I'm sorry, Sweetheart, but I can't help being that way."

"Hindi mo rin kailangang mangako sa akin ng anuman. Tinatanggap ko na ang offer mo," buo ang loob na sabi ni Jennifer.

Hindi niya kayang kalabanin ang sarili. lyon ang pagkakaiba nila ni Matthew. Kaya nitong kontrolin ang sarili na huwag siyang mahalin. At kung kailanganin niyang lumayo sa bandang huli ay buong-puso niyang gagawin.

My Special Valentine - Could It Be Love?


"Huwag kang mag-alala, I will make it worth your while," Devin said nang pagbigyan ni Sherie ang pabor nito.

Mukhang pera ba siya? she thought angrily. "You can keep your money. I'm doing this dahil kliyente ka ng kompanya namin."

"Ginagawa mo ba ito para sa lahat ng kliyente mo?" tanong nito.

At talagang ginagalit siya ni Devin Almirañez! He was indeed the worst form of life on the planet. Pero walang sasang-ayon kay Sherie... kahit mismong puso niya.

My Special Valentine - A Bride For Stone


"I'm not the kind of girl who would go for looks and charm," linaw ni Kelly.

"What kind are you?" balik ni Stone.

"The kind of girl who fights for her rights." Karapatan niya ang mamanahin sa ama. At kung ang pagpapakasal sa guwapong ito ang tanging paraaan, gagawin niya.

''That's my girl,'' anito.

"No, Stone. I'm not your girl. Nobody owns me." So she says. Pero nagseselos siya sa mga babaeng napapaugnay sa binata at nasasaktan sa katotohanang wala itong anumang pagtingin sa kanya....

My Special Valentine - The Man I Love : The Millionaire's Seduction

Hindi binitiwan ni Byron si Ruth kahit anong piglas niya. "Hindi ko alam kung bakit handa kang magpakalat ng isang kasinungalingan. I can only guess your motive. Thrill-seeker ka nga ba, Ruth? Or are you a fortune hunter? Magagawan natin 'yan ng paraan. You could be my mistress. I'd give you anything you need and more. Also, I'll fulfill your every wish, every desire'... every night."

How dare him! She did not deserve this. Nakipagkita lang siya sa lalaking ito para ayusin ang iskandalo sa pagitan ng kakambal niya at ng kapatid nito.

And why was he seducing her? Inaasahan ba nitong bibigay rin siya tulad ng ibang babae? Hindi mangyayari iyon.

Ngunit ano itong nararamdaman niya ngayon? She felt something stir inside her....

My Special Valentine - The Man I Love : Sweet Surrender

Sira na kaagad ang araw ni Eunice makita lang ang kababatang si Bruce. Ewan ba niya kung ano ang nakita nito sa kanya at ayaw nitong sumuko sa panliligaw kahit ilang libong beses na niya itong binasted.

So para lubayan na siya ng lalaki, nag-display siya ng boyfriend sa harap nito. Naaawa man dahil alam niyang nasaktan ito nang sagutin niya si Arvin, pero wala siyang magagawa para rito. Ayaw talagang tumibok ng puso niya sa kababata.

Kung kalian naitaboy ito ni Eunice, parang doon naman nagsimulang nahulog ang loob niya sa binata. Ngunit mukhang naibaling na ni Bruce ang pagtingin sa iba.

Huli na yata ang lahat nang matauhan siya....

My Special Valentine - The Man I Love : My Knight

Hindi makapaniwala si Mandy sa iniutos ng kanyang ama. Gusto nitong subaybayan niya ang kanyang future bayaw upang malaman kung karapat-dapat ba itong maging asawa ng ate niya. Kilala niya ang nobyo ng kapatid, he was responsible at alam niyang devoted sa ate niya. Pero hindi ganoon ang opinyon ng papa niya.

Ang mas nakakainis, binigyan siya ng ama ng isang supladong makakasama para sa trabahong iyon.

But something happened. Habang dinidiskubre nila ang totoong pagkatao ng fiance ng ate niya, kasabay niyon ay ang pagkatuklas ni Mandy ng isang bagay: Higit pa sa panganib na kahaharapin nila ang peligrong dala sa puso niya ng pang-akit ni Knight Marrero.

My Special Valentine - The Man I Love : My Own Love Story

Hiling kay Lizette ng pinsan niyang namayapa, puntahan niya ang nobyo nitong si Wayne Narvaez at isanobela niya ang love story ng dalawa.

Parang piniga ang puso niya nang makita ang lalaki. Napakalayo ng Wayne na kaharap niya sa binatang bukambibig ng pinsan niya noon. Ang Wayne sa kuwento ni Elle ay masayahin, loving, mabait at friendly. Pero ang kausap niya ngayon, sing-lamig ng yelo ang mga tingin, at maging ang pananahimik nito ay naglalabas ng kalamigan.

Sa tingin ni Lizette ay kailangan nito ng tulong. At kung pagbabasehan ang malakas na kabog ng dibdib niya sa tuwing makikita ang lalaki, alam niyang hindi lamang awa ang dahilan kung bakit gusto niyang damayan si Wayne....

My Special Valentine - The Man I Love : Laro Ng Puso

Noong unang makilala ni Monina si Jake Lacaniente ay gigil na gigil siya rito. Sa tingin niya kasi, napakawalang-puso ng binata para basta na lang ibenta ang minana nitong restaurant, nang hindi man ikinonsidera ang mga empleyadong halos buong buhay na ang ipinagsilbi roon at maaaring mawalan ng trabaho. Unang-una pa naman sa listahan ang head chef na tatay-tatayan niya.

Pero nang malaman ng dalagang kailangan lamang nito ng kapital para makabalik sa pangangarera, napalitan ng simpatya ang pagkainis niya rito. At habang nakikilala niya ang binata, lumago nang lumago ang simpatyang iyon, hanggang sa maging love na.

But first impressions last. He turned out to be the devil that Monina first thought he was. Dahil niligawan lang pala siya nito para pamukhaan ang manliligaw niya, na mortal nitong kalaban sa racing....

My Special Valentine - Basta Kasama Kita

Bumangon ang takot sa dibdib ni Eliza nang sulyapan niya si Victor at makitang wala na itong bala nang muling kalabitin ang gatilyo ng baril.

"Ano'ng gagawin natin?" aniya.

Tinitigan siya nito. Walang babalang hinalikan siya ng lalaki sa labi.

Maging siya ay nagulat sa ginawa ni Victor. Pero pakiramdam niya ay napawi ang pangamba niya. Tila isa iyong halik na nagbibigay ng pangako na hindi siya nito pababayaan kahit ano ang mangyari.

At kung kapalaran ni Eliza na mamatay sa mga sandaling iyon, nasisiguro niyang nakahanda na siyang suungin iyon basta kasama ang lalaking ito....

My Special Valentine - Tough Love

Janine loved her father. Pero may mga pagkakataong kinaiinisan niya talaga ito at ang ngayon ay kasama sa minsang iyon. Paano kasi binigyan siya nito ng malaking problema... kung kailan pa siya nito iniwan nang mag-isa sa mundo.

Kesyo disgusto nito ang kawalan niya ng interes sa pag-aasawa, binigyan siya ng kondisyon ng ama bago niya matanggap ang kanyang mana: kailangan niyang pakasalan si Jeric Ramirez.

Si Jeric ang kanyang kababata at best friend— ex-best friend rather. Mula noong tanggihan niya ang ipinahayag nitong pag-ibig, kinalimutan na nila ang kanilang pagkakaibigan.

Natuwa siya nang malamang mahal pa rin siya ng lalaki. Kaya takang-taka at lihim na nagngitngit sa galit si Janine nang tanggihan siyang pakasalan ni Jeric...

My Special Valentine - Ikaw Pa Rin

"Let's not talk about the past," maawtoridad na hayag ni Luke. "Let's talk about our future. We will be married soon."

"Wala akong natatandaan na pumayag ako na magpakasal sa iyo," galit na sagot ni Lana. Sino ito para magdesisyon na tila ba wala itong pakialam sa opinion niya?

"Yes, you're going to marry me. I will make sure of that."

Inis na tinitigan niya ito. "And why would you want to marry me? Bakit hindi si Cindy ang pakasalan mo?"

Bahagyang lumambot ang hitsura nito. May fondness siyang nakita sa mga mata nito.

She wanted to hope na mahal pa siya nito. Pero ayaw na niyang muling umasa, then end up alone and hurting again....

My Special Valentine - The Sudden Bride

Noon pa man, alam na ni Helen kung sino ang ama ng inaalagaan niyang bata na itinuring na niyang anak-walang iba kundi ang multi-millionaire na si Julius Gamboa. Ngunit itinanggi noon ng lalaki na anak nito si Hero kaya naman nang mamatay ang kaibigan niyang ina ng paslit ay inako na niya ang pagpapalaki rito kaysa ipagpilitan pa sa walang puso nitong ama. Ngunit isang araw ay himalang nagpakita si Julius Gamboa. Nais na nitong kuhanin si Hero sa kanya. Napamahal na sa kanya ang bata nang lubusan, pero desidido si Julius na makuha ito sa legal na paraan.

Dahil sa pagtanggi niyang ibigay si Hero, inalok siya nito na maging permanenteng ina ng bata—pakakasalan siya ni Julius Gamboa. Pero mas lalong hindi niya kayang tanggapin ang proposal nitong iyon.

Kung sana ay mahal din siya nito....

My Special Valentine - Magpakailanman

Hindi inakala ni Angela na muli silang magkikita ni Gian — ang unang lalaking minahal ng puso niya. At sa ganoon pang pagkakataon. Kasabay ng kamatayan ng kanyang asawang si Sherwin, natuklasan niya ang kataksilan nito. Ang mas nakakabigla, pinsan pala ni Gian ang other woman ng yumaong asawa at ngayon, dumating ang lalaki para sabihin na sa kanya ibinilin ang anak ni Sherwin at ng habae nito.

With all the painful circumstances that brought them together, may puwang pa ba para sa naudlot nilang pagmamahalan noon? Pero kung noong mga bata pa sila at wala siyang emotional baggage ay hindi siya ang minahal nito, lalong hindi makakasiguro si Angela na tutugunin ni Gian ang pagtingin niya ngayon....

My Special Valentine - Hintayin Mong Mahalin Kita

Hindi matapus-tapos ang pagsermon ni Missy sa sarili. Bakit ba siya nag-suggest sa kapatid ng ganoon?

Dahil sa sobrang pagkadismaya nang malamang siya pala ang pambayad ng ama sa mga utang nito kay Elton, hindi na siya nag-isip nang malinaw. Alam niyang patay na patay ang ate niya sa binata at lalong lalalim ang animosity sa pagitan nila kung matutuloy ang kasal nila ng lalaki. Kung kaya sinabi niya sa kapatid na pikutin nito si Elton. Naisip ni Missy na kung mapipikot ng ate niya ang milyonaryo, hindi na niya poproblemahin pa ang pagpapakasal dito. Balik na agad sa normal ang buhay niya, napasaya pa niya ang kapatid.

Kaya lang, may isang bahagi ng utak ni Missy na ayaw pumayag. Parang mas gusto niyang sarilinin na lang si Elton....

My Special Valentine - Tell Me You Love Me

"L-look, I don't know what kind of game you're playing but let me tell you this: I don't like it," pilit nagpapakatatag na asik ni Nikki kay Mark. Hindi niya maaaring hayaang hawakan siya ng lalaki gaya ngayon.

"Really? I have this feeling that you are lying. I could even hear the thudding of your heart, and my, it's fast." tukso ni Mark. Akmang magsasalita siya nang pigilan nito, "Shut up, Dominique, and close your eyes! Kanina pa kita gustong halikan, but how am I supposed to do that if you keep on talking?"

Hindi na naituloy ni Nikki ang pagpoprotesta dahil agad sinakop ng lalaki ang kanyang mga labi. At kusa ngang pumikit ang mga mata niya.

Ah, her so-called husband was doing again what he does best—seducing her.

My Special Valentine - Stay Forever

Alam ni Anita, dapat niyang ipaliwanag kay Phillip ang dahilan kung bakit niya ito iniwan ten years ago. He has suffered enough already and he deserved to know the truth. But would it really be fair for her to stir up old grievances para guluhin pa ang kasalukuyan?

Damn it, hindi na dapat siya bumalik sa lugar na iyon. Pagkalito at sakit lang ang hatid sa kanya at hindi na dapat niya iniwan ang safety ng London.

Pero nang maalala anq mukha ni Phillip na nasilayan niya kanina, Anna knew it was worth all the pain. Muli niyang naramdaman na tunay na nabuhay ang puso niya. At kasama ng sakit ay ang kumpirmasyon na, sa kabila ng sampung taon, ang lalaking iyon pa rin ang laman ng puso niya....

My Special Valentine - The Perfect Stranger

"Hindi mo ba naisip na halos wala tayong alam isa't isa gayong may anim na taon na tayong kasal?" tanong ni Jed.

"Iyon ang kasunduan natin, di ba?" Walang emosyon ang tono ni Julienne.

"Hindi mo ba pinagsisisihan ang kasunduang iyon?"

Hindi niya masalubong ang tingin nito. Ano ba ang gusto nitong aminin niya?

Lumapit ito sa kanya at bago pa siya makapalag, hinalikan siya nito nang malalim. "That's how good it could be for us, Julienne, Perhaps even better," Jed huskily said.

Naglalaban sa loob ni Julienne ang pride at pag-ibig. Pero gaya ng dati, pride ang nangingibabaw.

My Special Valentine - My One Desire

Arabella was not the gullible type of woman, na madaling marahuyo ng simpleng love note or sweet nothings. Pero hindi niya mapigilan ang sariling kiligin sa mga ginagawa ni Paul James del Mundo. Pigilan man niya, para siyang matutunaw kapag tinititigan ng lalaki. He could sweep her off her feet with just a simple smile.

Ngunit nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil sa kabiguang idinulot ng huling pag-ibig niya. Kaya naman bukod sa excitement, naroon din sa puso niya ang takot... na siya palang dapat niyang mas binigyan ng atensyon.

Dahil habang nahuhulog ang loob niya kay James, nahuhulog din siya sa bitag nito. Wala itong ibang motibo sa paglapit kay Arabella kundi paghihiganti— .

My Special Valentine - Puppy Love

Walang pakialam si Lucy kahit pa naloloka kay Iñigo ang halos lahat ng babae sa campus. Inis pa rin siya rito dahil ito ang nakapatay sa aso niyang si Sherlock. Para sa tulad niyang loner, isang matapat na kaibigan ang nawala sa kanya dahil sa kayabangan ng buwisit na iyon. Isinumpa niyang hinding-hindi ito papatawarin.

Pero hindi pala siya dapat nagsasalita nang patapos. Dahil nang lubos niyang makilala ang binata, para siyang tupa na nahuli ng mangangaso. Mahirap man ay dapat na aminin ang pagkatalo.

Mukhang kailangan nang idagdag ang pangalan niya sa mahabang listahan ng mga babaeng in love kay Iñiqo Pizarro....

My Special Valentine - To Be With You

"Ang akala ko'y hindi ka na magpapakita sa 'kin pagkatapos ng pagbabanta sa 'yo ni Dad kagabi," nahihiyang saad ni Yvonne.

"Hindi niya ako mapipigilan na makipagkita sa 'yo." Lee reached for her hand and squeezed it gently. "I like you, Yvonne," sambit nito. Hindi niya alam ang isasagot kaya napayuko na lamang siya. "Do you feel the same?"

"Kailan lang tayo nagkakilala, Lee," malayong sagot niya.

"Does it matter? Ang gusto ko lang namang marinig ay kung gusto mo rin ako. Iyon lang ang mahalaga."

"I... I don't know."

Sabihin man ni Yvonne ang totoo at amining pareho sila ng nararamdaman, mukhang wala ring kahihinatnan ang pagtitinginang iyon—hangga't hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ng kanyang ama, dulot ng kabiguan sa ina ni Lee...

My Special Valentine - Meant To Be Mine

It was like the way Therese dreamt of how love would hit her—unexpected, at hindi pinlano. Kabaligtaran iyon sa naisin ng kanyang ama-amahan na siya mismong pumili ng lalaki na magiging asawa niya di-umano.

Tumakas siya mula sa kanilang mansion, nagpanggap na katulong at namasukan sa isang guwapong doktor.

Pero tama nga yata ang romantic ideas niya, kahit saan pa siya magtago, matatagpuan at matatagpuan siya ng pag-ibig. At ganoon nga ang nangyari. She found love—sa katauhan ng among si Earl Corcuera.

Kaya laking gulat na lang ni Therese nang malaman niyang iisa ang lalaking pinili ng kanyang ama at ang binatang minahal niya—

My Special Valentine - Kahit Pangalawa Sa Puso Mo

Dahil tila wala namang pag-asa ang damdamin ni Daphne para sa best friend na si Albert, minabuti niyang kalimutan na lang iyon. Sa palagay niya, nakatadhana na talaga na maging magkaibigan lang sila.

Lalo niyang napatunayan ang hinalang iyon nang makilala si Cedric. Unang beses na nginitian siya nito, she could not help being attracted to his gorgeous dimples. Guwapo, halatang mabait na anak at kapatid, talented, matalino… ideal guy niya ito. And the best part was, he seemed to like her, too.

Saka naman nagsimulang umakto nang kakatwa si Albert–para itong nobyong nagseselos kay Cedric.

And Daphne found herself feeling confused….