My Special Valentine - Ikaw Pa Rin — MySpecialValentines , Niña Plaus — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Ikaw Pa Rin

"Let's not talk about the past," maawtoridad na hayag ni Luke. "Let's talk about our future. We will be married soon."

"Wala akong natatandaan na pumayag ako na magpakasal sa iyo," galit na sagot ni Lana. Sino ito para magdesisyon na tila ba wala itong pakialam sa opinion niya?

"Yes, you're going to marry me. I will make sure of that."

Inis na tinitigan niya ito. "And why would you want to marry me? Bakit hindi si Cindy ang pakasalan mo?"

Bahagyang lumambot ang hitsura nito. May fondness siyang nakita sa mga mata nito.

She wanted to hope na mahal pa siya nito. Pero ayaw na niyang muling umasa, then end up alone and hurting again....