My Special Valentine - Tough Love — MySpecialValentines , Olivia Ray — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Tough Love

Janine loved her father. Pero may mga pagkakataong kinaiinisan niya talaga ito at ang ngayon ay kasama sa minsang iyon. Paano kasi binigyan siya nito ng malaking problema... kung kailan pa siya nito iniwan nang mag-isa sa mundo.

Kesyo disgusto nito ang kawalan niya ng interes sa pag-aasawa, binigyan siya ng kondisyon ng ama bago niya matanggap ang kanyang mana: kailangan niyang pakasalan si Jeric Ramirez.

Si Jeric ang kanyang kababata at best friend— ex-best friend rather. Mula noong tanggihan niya ang ipinahayag nitong pag-ibig, kinalimutan na nila ang kanilang pagkakaibigan.

Natuwa siya nang malamang mahal pa rin siya ng lalaki. Kaya takang-taka at lihim na nagngitngit sa galit si Janine nang tanggihan siyang pakasalan ni Jeric...




0 comments:

Post a Comment