My Special Valentine - Basta Kasama Kita — MySpecialValentines , Ronaliza Gonzales — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Basta Kasama Kita

Bumangon ang takot sa dibdib ni Eliza nang sulyapan niya si Victor at makitang wala na itong bala nang muling kalabitin ang gatilyo ng baril.

"Ano'ng gagawin natin?" aniya.

Tinitigan siya nito. Walang babalang hinalikan siya ng lalaki sa labi.

Maging siya ay nagulat sa ginawa ni Victor. Pero pakiramdam niya ay napawi ang pangamba niya. Tila isa iyong halik na nagbibigay ng pangako na hindi siya nito pababayaan kahit ano ang mangyari.

At kung kapalaran ni Eliza na mamatay sa mga sandaling iyon, nasisiguro niyang nakahanda na siyang suungin iyon basta kasama ang lalaking ito....