My Special Valentine - The Man I Love : Laro Ng Puso — MySpecialValentines , Terri Dizon , The Man I Love — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - The Man I Love : Laro Ng Puso

Noong unang makilala ni Monina si Jake Lacaniente ay gigil na gigil siya rito. Sa tingin niya kasi, napakawalang-puso ng binata para basta na lang ibenta ang minana nitong restaurant, nang hindi man ikinonsidera ang mga empleyadong halos buong buhay na ang ipinagsilbi roon at maaaring mawalan ng trabaho. Unang-una pa naman sa listahan ang head chef na tatay-tatayan niya.

Pero nang malaman ng dalagang kailangan lamang nito ng kapital para makabalik sa pangangarera, napalitan ng simpatya ang pagkainis niya rito. At habang nakikilala niya ang binata, lumago nang lumago ang simpatyang iyon, hanggang sa maging love na.

But first impressions last. He turned out to be the devil that Monina first thought he was. Dahil niligawan lang pala siya nito para pamukhaan ang manliligaw niya, na mortal nitong kalaban sa racing....




0 comments:

Post a Comment