My Special Valentine - Mine Forever

“Wala kang balak na iurong ang demanda laban sa kapatid ko. Ano pa’ng dapat nating pag-usapan?” angil ni Therese kay Derek.

“I have a better idea.” She shivered nang haplusin ng lalaki ang buhok niya. “Napatay ng kapatid mo ang nag-iisang tagapagmana ng apelyido namin, so I think it’s only logical na palitan mo iyon.”

Nashock si Therese nang maintindihan ang sinabi ng lalaki. He wanted her to give him an heir! Hah! Hindi pa siya nasisiraan ng bait para pumayag doon, ano!

Ngunit makalipas ang ilang araw, tuluyan na yata siyang nabaliw. Dahil natagpuan ni Therese ang sarili na sinusunod ang gusto ni Derek. And to top it all, she did it wholeheartedly…

My Special Valentine - Akin Ka, Noon At Ngayon

Apat na taong magnobyo sina Alexa at Drake nang mapagdesisyunan nilang magpakasal. Ngunit ilang araw bago ang wedding nila, may pangyayari na nagbigay ng mabigat na dahilan kay Alexa para umurong sa kasal nila. Kahit anong pakiusap ni Drake, hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na makausap siya. Umalis siya ng bansa at tinuruan ang pusong kalimutan ang lalaki, pero hindi iyon naganap.

Sa kanyang pagbabalik ay muli silang pinagharap ng tadhana. Inaasahan na niyang namumuhi sa kanya si Drake kaya gaano man kagusto ni Alexa na makipagbalikan ay hindi na maari. Isa pa, may importanteng nilalang na nakapagitan sa kanilang dalawa ngayon…

My Special Valentine - Wife Trap

"I'm running for Congress, Jessica. I need a public relations expert at ikaw ang pinili ko because you know me better than anyone else," confident na paliwanag ni Orlando na para bang limot na nito ang atraso sa kanya. Tama, kilala nga kita. Isa kang manggagamit! ani Jessica sa isip. Pero iba ang lumabas sa bibig niya. "Sure. I would tell people what I think of you, and you'll end up getting only one vote—your own vote!” gigil na sabi niya.

Napailing si Orlando. "Dapat sinusuportahan mo ako, Jess. After all, you're my wife."

Lalong nanggigil si Jessica. Ang kapal ng mukha nitong ipaalala pa ang maling desisyong nagawa niya noon—ang magpakasal dito....

My Special Valentine - When I Found Love

It was all new to Alyana. Hindi niya naranasan minsan man na magkanobyo dahil subsob siya sa pag-aaral noon ng abogasya. At hindi naman siya nabigo. She was now one of the best corporate lawyers in the country. Sa kanyang pananaw, aksaya lang ng panahon ang pagkakaroon ng romantic relationship.

But here she was at the moment: apparently, meeting the first man capable of making her heart flutter. Sinaway niya kaagad ang sarili. Naroon siya sa Isabela para matagpuan ang nawawalang tagapagmana ng kliyente niya, hindi para maghanap ng nobyo. Pero kung susuwertihin si Alyana, matatagpuan niya iyon pareho—nang sabay at sa iisang tao…

My Special Valentine - My Testament Of Love

Persistence overcomes resistance. Totoo nga yata iyon, naisip ni Liezl. Kahit anong babala ng isip niya, tuluyang natangay ng matatamis na salita ni Meinard ang pihikang puso niya.

Only Meinard could make her feel like she was special, beautiful and lovable. Hindi na niya napigilan ang sarili, she fell in love with him—deep and hard.

Nang malaman niya ang tungkol, sa last will and testament ng ama nito, huli na para magsisi pa si Liezl. Ngayon hindi siya sigurado sa dahilan ni Meinard kung bakit siya nito niyayang magpakasal agad-agad... .

My Special Valentines - The Man I Love : Peksman Mahal Kita

“Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa ibaba,” paalam ni Gabriel bago iniwan sa silid si Catherine.

Mukhang desidido itong ipagpatuloy ang pagpapanggap na mabait. Na para bang wala talaga itong kinalaman sa pamba-blackmail sa kanya ng ama nito para lang makuha siya. Pero anuman ang plano nito, sigurado siyang masama iyon.

“Gabriel!” Tumigil ito at humarap sa kanya. “Hindi kita maintindihan. Ba’t di mo pa ipakita ang tunay mong kulay?” Parang totoo ang nakabakas na kalituhan sa mukha ng lalaki, but she knew better. “Huwag ka nang magmaang-maangan. Alam naman natin pareho kung ano ang talagang gusto mo. Let’s get this done and over with.”

Bigla, sinunggaban ni Catherine si Gabriel at binigyan ito ng mahaba at mariing halik.

My Special Valentine - Mad Proposal

“Masamang biro ‘yan, Greg!’ singhal ni Julie nang marinig ang alok nito na magpanggap siya bilang fiancée nito sa harap ng parents ng binata. Si Eliza, ang pinsan niyang siyang tunay nitong nobya ay bigla na lang nag-hibernate patungo sa kung saan. “Two weeks from now na ang wedding ninyo. ‘Wag mong sabihing pati iyon i-stage natin!’

“We won’t have to, but you have to trust me. Hindi kita ipapahamak, Julie,” pagmamakaawa nito.

Parang script ng isang true-to-life telenovela ang kanyang narinig. Nababaliw na yata si Greg. At parang nahahawa na siya. Because Julie found herself actually considering his mad proposal…and eventually accepting it.

My Special Valentine - Love's Masquerade

Nagsalubong ang mga kilay ni Oscar. “Di ba kabilin-bilinan ko sa ’yo na ‘wag kang lalayo dahil delikado?’ Hinila siya nito. “Halika na, bumalik na tayo sa bahay.”

“Let me go!” Nagpumiglas si Anne. Oo nga at may nagtatangka sa buhay niya at si Oscar ang self-appointed bodyguard niya, pero tama bang tratuhin siya nito ng ganito?

“Ang tigas-tigas ng ulo mo! Ang dapat sa’yo, paluin.”

“Hindi na ako bata!” giit ng dalaga.

“Then, ito ang nararapat sa ’yo.” She found herself wrapped in his arms.

And with the way he was kissing her now, tila nalimot nitong isa siyang nakakainis na responsibilidad para rito.

My Special Valentine - Secret Love

“What about your feelings for me?” tukoy ni Hector sa stupid crush ni Lana rito noon na ngayon lang nito nabisto sa tagal ng pagkakaibigan nila.

“Natapos na ‘yon,” mabilis niyang sagot.

“Baka natatakot ka lang na umamin. Baka mahal mo pa rin ako at ito ang rason kaya wala nang dating sa’yo ang pakikipagrelasyon ngayon.”

“Hector, kung nagwo-worry ka bilang isang kaibigan, tama na. Hindi na kita mahal. Just trust me.”

Pinatatag ni Lana ang sarili. Mas mabuti nang sabihin ang kasinungalingang iyon kaysa kaawaan siya nito at ma-guilty dahil hindi nito matugunan ang pag-ibig niya para rito—noon at ngayon.

My Special Valentine - If We Fall In Love

Hindi pa man nakikita ni Sherilyn nang personal ang famous artist na si Kirk Bermudez, marami na siyang nabuong opinion tungkol dito. Pero hindi niya iniisip na ito pala ay bata, mysterious at napakagwapo!

She should have known better than to fall for someone so reclusive like him. Ni hindi niya malaman kung ano ba siya para rito.

And then Sherilyn met his first love. Saka lang naging malinaw kung saan lang siya maaaring lumugar sa buhay ni Kirk…

My Special Valentine - Trial Romance

Medyo naasar na si Relena. Hindi problema para sa kanya kahit nagsipag-asawa na ang mga kabarkada niya. She was happy and contented in solitude. Ngunit napipikon na siya sa mga pangangantyaw ng mga ito.

Enter Nathaniel. Classmate niya ito noong high school. He was a snobbish hunk. May proposal ito sa kanya: ang magkaroon sila ng experimentong relasyon.

Pinag-isipan niya nang mabuti bago siya napapayag nito. But she did not expect that she would be losing her chastity in that experiment. And worse, she lost her heart to him.

Kung kailan tinanggap na ni Relena na mahal na niya ang binata, saka naman kailangan nang tapusin ang experiment nila. Nagbalik na kasi ang first love ni Nathaniel…

My Special Valentine - Nakaukit Sa Puso

Pinigil ni Erin ang tangkang paghalik sa kanya ni Jude. Nag- init ang sulok na mga mata niya. “Hindi ako laruan, Jude! And if this is your way of punishing me for what happened to Charlyn, then you’re being unfair,” gumaralgal ang boses na sabi niya pagkaalala sa namayapang kaibigan na kasintahan noon ng lalaking ito. “Please stop playing with my emotions. Gantihan mo na ako, Huwag lang sa ganitong paraan dahil di ko kakayanin.”

Nabigla siya nang hapitin siya ng binata. Ipinikit ni Erin ang mga mata at dinama ang pagsuyo sa halik nito.

Sa mga ganitong sandali, nabubuhay ang pag-asa sa puso niya na darating din ang araw na nawawala ang poot ni Jude sa kanya..

My Special Valentine - The Heart Will Remember

Natagpuan ni Sandy si Matthew Mijares na walang malay sa dalampasigan. Pinagyaman niya ito. She found out that he was suffering from memory loss. Wala itong maalalang kahit na ano.

Bagaman questionable ang pagkatao nito, hindi napigilan ni Sandy ang sariling umibig dito. Kaya labis siyang nasaktan nang malaman niyang nakatakda na pala itong ikasal sa nobya nito bago ito naaksidente. As if hindi pa iyon sapat, hayagan nitong itinanggi sa publko na kilala siya nang gumaling ito.

Tinuruan na lamang ni Sandy ang pusong magalit kay Matthew. Pero hindi pala ganoon kadaling lumimot ang puso niya...

My Special Valentine - Ninakaw Mo Ang Puso Ko

“Wala akong pakialam kung gusto mo si Rory,” tukoy ni Kasey sa biyudang ninang na aminado siyang malakas ang attraction sa mga nakababatang lalaki. At alam niyang hindi naiiba sa mga iyon si Jordan Martel. “Pero mag-iingat ako kung ako ikaw. Baka ikaw ang napipisil niyang maging husband number two.”

Ngumisi ang lalaki na lalong nagpaguwapo rito. “Nag-aalala ka ba para sa ninang mo o para sa akin?”

Hindi na rin alam ni Kasey ang sagot doon. Noong una, gusto lang niyang bantayan ang nakatatandang babae para sa biyudong ama. Ang mga ito ang gusto niyang magkatuluyan. Hindi niya gustong isipin na siya mismo ang interesado kay Jordan kaya niya ginagawa ito. No, hindi niya iyon aaminin.

My Special Valentine - Woman In Love

Isang malaking katanungan para kay Hanna kung bakit siya ang nagustuhan at napiling ligawan ni Gerry Hamilton, ang bagong business partner nila sa pamamahala ng kanilang paluging hotel.

Hindi sa napapangitan siya sa sarili. On the contrary, alam niyang maganda rin naman siya. Pero boyish ang kilos at pananamit niya. Marami nga ang nag-aakalang tomboy siya.

Ngunit napawi ang lahat ng alalahanin niya sa bawat araw na kasama niya sa trabaho ang binata. He seemed sincere, seemed really in love with her.

‘Seemed’, being the operative word. Dahil nalaman niya ang tunay nitong dahilan kaya determinado si Gerry na maangkin ang kanilang hotel…at hindi si Hanna iyon.

My Special Valentine - Sharing The Night Together

Ayaw na sana ni Diana na muling umibig pa, matapos masawi ang nobyo niya three years ago. But her heart reconsidered when she met gorgeous and rich architect Ronald Andres. Unfortunately, he was not out for romance. Vocal ito na ang namayapa nitong asawa ang tanging babaeng mamahalin nito at wala ng iba pa.

Kinumbinsi ni Diana ang sarili na makontento na lang sa pagiging kaibigan nito. Until one enchanted evening, her feelings surfaced, they made love and she got pregnant. Sinubukan niyang iwasan si Ronald dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na pinikot niya ito. But to her surprise, he was interested in her pregnancy.

Matutuwa na sana si Diana kaya lang narinig niyang inulit ulit ni Ron, “For the sake of our child.”

My Special Valentine - Love At First Fight

“I’ve never taken advantage of any woman. I let them know, beforehand, exactly what my motives are,” seryosong saad ni Danzele. “Just like with you. You knew from the beginning what I needed from you—I want you in my bed, Heidie.”

Parang biglang natuyo ang lalamunan niya. “I’m telling you now, hindi mangyayari ‘yon. I may be liberated in your eyes but I am not stupid,” nagawa niyang sabihin. “We will see…”

Heidie had to remind herself that she was not an ordinary woman na bibigay sa isang ngiti lang ng lalaking ito. Sisiguruhin niyang hindi siya ang susuko sa larong sinimulan ni Danzele.

Game on. Tila iyon ang sinasabi ng naghahamon niyang tingin.

My Special Valentine - Kung Kailan Mahal Na Kita

I’m sorry kung nagkaroon ka ng problema dahil sa akin. Gusto ko lang malaman mo na lahat ng desisyon ni Lola Idad ay hindi ko kagustuhan,” madamdaming sabi ni Perfecta kay Leo.

Tinitigan lang siya ng binata. Muli siyang nagsalita. “Puwedeng hindi na lang natin ituloy ang––”

“ Nakapangako na ako kay Lola,” mariing saad ni Leo. Patunay lang ang mga sinabi nito na napilitan itong pakisamahan siya.

Alam ni Perfecta na wala siyang karapatang masaktan, pero ganoong-ganoon ang nararamdaman niya.

My Special Valentine - Taming Shelley

"Napakasuwerte ng mapapangasawa mo, Shelley," anas ni Zane habang nakatitig sa kanya.

Naging uneasy ang dalaga. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. "You have kissable lips. Siguro ay napakatamis ng mga labing iyan."

Nalaglag ang panga niya. Huli na nang maisip niyang parang binibigyan niya ng pahintulot ang lalaki para hagkan siya. Siniil niya ito ng halik.

Nalilito siya sa nararamdaman. Isang kakaibang damdamin ang nagsisimulang umusbong sa dibdib niya. Isang estrangherong emosyon na ikinatatakot niyang lumalim at mauwi sa isang masakit na wakas...

My Special Valentine - Kung Maibabalik Lang

“Bakit mo ako tinutulungan pagkatapos ng mga ginawa kong panghahamak sa ’yo noon?” tanong ni Frances Mae.

“What if I told you I want revenge?” Matiim ang tingin sa kanya ni Bartolome.

Napalunok siya. “Anong klaseng paghihiganti?”

Sukat doon ay bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib, awtomatiko niya iyong tinakpan ang kamay. Napangisi ito at nagtayuan ang buhok niya sa katawan.

Maaring maraming nang nagbago kay Bartolome, pero hindi kasama roon ang epekto nito kay Frances Mae.

My Special Valentine - One Chance

“I’ve told you I love you, pero hindi ka pa rin nagtiwala sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ang puwede kong gawin just to prove myself to you,” malungkot ang mukhang sabi ni Aidan. Nanlulumong napabuntong-hininga ito. “Just take care of yourself, Jess.”

Noon napaangat ang ulo ni Jessaline. Napahawak siya sa dibdib nang maramdaman ang masasal na tibok ng kanyang puso. Paano ay may himig ng pamamaalam ang boses nito. Ngunit wala na ang binata nang sa wakas ay natauhan siya.

Sa pag-iyak niya ibinuhos ang hinagpis. Hinayaan niyang mawala ang kaisa-isang lalaking tumanggap sa tunay niyang pagkatao. She stupidly let go of her only chance for happiness…

My Special Valentine - The One I Love

Giyera-patani tuwing makakaharap ni Mylene ang panginoon ng lugar na pinagbabakasyunan niya—si Jed del Savio. He made her feel so unwelcome. At sa tanang buhay niya, sa binata lang niya naranasang mainsulto nang husto. Hindi maliwanag sa kanya kung bakit tila galit na galit sa mga tulad niyang laking-Maynila.

Gayunpaman, laging naroon si Jed sa mga oras na nasa panganib si Mylene.

Kung sana kaya rin siya nitong tulungan siya sa nagbabantang pagkahulog ng loob niya rito...

My Special Valentines - The Man I Love : Kilala Ka Ng Puso

Naiwan kay Paula ang kanyang pamangkin nang mamatay ang kanyang kakambal na si Pauline. Kasabay ng pagpanaw nito ay ang isang bilin na huwag na huwag niyang ibibigay ang bata sa ama nito.

Pero hindi iyon gagawing madali para sa kanya ni Raymart dela Serna, ang kapatid ng kanyang bayaw. Inakala nitong siya si Pauline at pilit siyang pinauuwi sa kanyang ‘asawa’ na noon ay nagdurusa sa isang malalang sakit. Sa kung anong dahilan ay tila napakapangit ng opinyon nito sa kakambal niya, kung kaya ganoon na lang kasama ang pakikitungo ni Raymart sa kanya.

Hindi rin nakatulong na nanghihina ang mga tuhod ni Paula sa simpleng mga tingin sa kanya ng binata.

My Special Valentines - The Man I Love : Broken Vow

Ginagap ni Zander ang isang kamay ni Ella. “I’m so glad you’re here.”

Hinaplos niya ang noo ng asawang nakahiga sa hospital bed. “You should try to sleep now, Zander. Kailangan mo ng pahinga.”

“Please stay with me,” nanghihinang anas nito.

Hindi alam ni Zander kung gaano kahirap para sa kanya hinihiling nito. Palibhasa wala itong maalala. Hindi nito alam na matagal na silang hiwalay.

Pinipilit ni Ella na panatilihin ang galit dito, pero hindi niya magawa. Nang makita niya itong nakaratay ay parang may mabigat na kamay ang pumiga sa puso niya. Ayaw muna niyang tanungin sa sarili kung ano ang ibig-sabihin niyon.

My Special Valentine - Ang Pag-ibig Na Hanap Mo

Ang dating kulay-rosas na paligid ni Stephanie ay tila naging itim nang malaman ang pagkamatay ng nobyong si William. Para na ring kasamang nailibing ang kaligayahan niya. Ang mas masakit pa, hindi man lang siya nito hinayaang damayan ito habang nakikipagpambuno ito sa malubhang sakit. Sa halip, he sent his twin, Tyron, para siyang makasama niya at maging substitute fiancé niya.

Ngayong wala na si William, inako na rin ni Tyron maging ang pagpapakasal kay Stephanie.

Like William, Tyron was also caring and thoughtful. Kung kaya sanang ilipat na lamang ni Stephanie ang pagmamahal para sa yumaong kapatid ni Tyron, hindi magiging ganoon kahirap ang lahat…

My Special Valentine - Trust My Love

Awa kaagad ang pumuno sa dibdib ni Ynah nang mabistahan ang histura ng kinakapatid. Halatang nagpabaya na sa sarili si Jared. Mahaba na ang buhok nito at may balbas pa. Wala na rin ang pilyong kislap sa mga mata nito.

She wanted to run to him, embrace and console him. Maibsan man kahit kaunti ang bigat nitong nararamdaman dahil sa biglaang pagkamatay ng nobya nito.

He must have loved his fiancée too much para hindi na nito gustuhing mabuhay matapos ang nangyari. All of a sudden, naisip ni Ynah na dapat magkaroon si Jared ng rason para harapin nitong muli ang buhay ng may sigla. At sino pa ba ang tutulong dito para magmahal ito muli?

Siyempre siya.

My Special Valentine - On A Wild Night

Una pa lang ay alam na ni Nicole na darating ang araw na ito. Still, hindi niya naihanda ang sarili sa sakit na mararamdaman sa pag-alis ni Miguel. Something was telling her, katapusan na rin iyon ng pag-asa niya na may magandang kinabukasan ang ‘relasyon’ nila.

Kasalanan niya dahil hinayaan niyang mahulog ang loob niya rito kahit alam niyang wala iyong kahihinatnan. She risked her heart, and settled for what he could offer her. Para kay Miguel, what they had was a passing fancy. But it meant the world to her.

Hindi inalis ni Nicole ang lumuluhang mga mata sa lalaking papalabas ng bahay… buhay niya—ang lalaking walang kaalam-alam na dala ang puso niya sa pag-alis…

My Special Valentine - Love Triangle

Alejandra was confused. Ginugulo ng dalawang lalaki ang puso at isipan niya. Ang una ay si Ricardo. Hindi malinaw sa kanya noon kung isa itong kaaway o kakampi, pero dahil sa mga ikinuwento sa kanya ng kapatid nitong si Rafael, unti-unting muling bumangon ang paghanga niya rito na noong unang beses pa lang niya itong nakita ay nadama na niya. At si Rafael. He was fun to be with and would always make her feel so special.

Sa dalawang lalaki ay wala siyang maitulak-kabigin. Pero hindi naman maaaring dalawang lalaki ang mahalin niya dahil isa lang ang puso niya.

Ngunit isang sekreto ang nalaman niya ukol sa mga ito. Mas madali na sanang pumili ngayon, pero mas nangibabaw ang galit ni Alejandra...

My Special Valentine - Magulong Mundo Ng Pag-ibig

“Aren’t you glad to see me, Micaela?’ tanong ni Rafael na may halong panunukso.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. “Why should I? Kung ako ang masusunod, ayaw ko nang makita pa maski anino mo,” prangkang sagot niya na ikinatawa lang ng binata.

I guees you’re affected by the kisses we shared kaya natatakot kang makita muli ako. Tama ba ako?”

”I was affected, all right,” palaban niyang sinabi. “I found it repulsive.”

“You want me to prove you otherwise?” hamon nito.

“You’re asking for the impossible, Lady.”

Lalong tumibay ang desisyon ni Micaela na magmadre. Hindi niya gusto ang damdamin na idinudulot sa kanya ng lalaking ito.

My Special Valentines - The Man I Love : Sana Bukas Mahal Mo Na Ako

“A friendly date should end with a friendly kiss, di ba?” lakas-loob na tanong ni Stella kay Mark. Pinagdiinan niya ang salitang ‘friendly’ to tease him. Alam niyang attracted din ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit hindi nito maamin iyon.

She gave him a smack on the lips. Pero hindi siya nito binitawan kaagad.

“That, my dear, is a friendly kiss,” anas ni Mark. “And this is not.”

Before she knew it, Mark was kissing her in a way that was too passionate to be called ‘friendly’…dahil ang paraan ng paghalik nito sa kanya ngayon ay ang halik na matagal na niyang inaasam mula sa binata…

My Special Valentine - Love At Your Own Risk

“May gusto ba sayo si Ace?” mahina, pero may bantang sabi ni Taviel.

Lihim na napangiti si Summer sa hitsura nito.

“Why don’t you ask him yourself? At saka, bakit ka ba nagagalit? Ganyan ka ba talaga magselos?”

“Who says I’m jealous?” anito, lalong kumunot ang noo. “Ipinadala ka rito ng lolo mo para maturuan ng leksyon, hindi para makahanap ng bagong fling. Isa pa, kaibigan ko si Ace. I don’t want him to be lured by your charm and then end up broken-hearted.”

Nagpaulit-ulit sa isip niya ang mga iyon kahit nang naiwan na siya ni Taviel.

Great, sarkastikong ani Summer sa sarili. Here she was, falling uncontrollably for him. Pero para kay Taviel, iyon siya: capricious, spoiled and a playgirl.

My Special Valentines - The Man I Love : My Happy Ending

“Lalayuan ko ang kahit sinong babae kung gusto mo. Just let me have you, Ryanne,” sumamo ni Colby.

“I’m sorry,” may pinalidad na tugon ni Ryanne. Alam niyang ‘Let me have you in my bed’ ang ibig nitong sabihin. Wala sa bokabularyo niya ang casual sex, kahit ito pa ang lalaking minahal niya nang halos buong buhay niya.

“I don’t believe this.” Napailing ito. “Why, Rye? Why can’t you give us a chance? You’re not being fair to both of us!”

Pinigil niya ang luhang namumuo sa mga mata. Siya ba ang unfair? “G-ganoon talaga, Cole. There are just some things that you can’t have…kahit ano pa’ng gawin mo.”

Ryanne was telling herself that same line. She could not have Cole’s love. Hula niya, it was not meant for her.

So much for her happy ending.

My Special Valentine - Brokenhearted Cupid

Lately ay kinukulit na si Iva ng kanyang mga magulang na mag-asawa na. Iyon ang disadvantage ng pagiging solong anak. Halos lahat yata ng mga kamag-anak nila ay pine-pressure siya na lumagay na sa tahimik. It was the reason why he hated going to weddings.

At twenty-nine, wala pa siyang kabalak-balak na mag-settle down. Sure, he fixed his single friends up with other single people. That was just for fun. Masaya siya kapag nauuwi sa kasalan ang dalawang taong pinag-match niya. Okay lang din kung mauwi iyon sa wala. The point was, he was content on being Cupid. He was quite happy to be the matchmaker but never the groom.

And then Jhoanna came along.

My Special Valentine - Kasalanan Ba Ang Umibig?

“Why don’t we have dinner together? Just so we could get to know ach other more on a personal level,” ani Karl kay Luisa.

“I’m sorry, Mr. Benavidez. Sa tingin ko, hindi tamang i-date ko ang client ko.” She was thankful na hindi siya nabulol.

“That’s a lame excuse, Luisa. The only reason I can accept from you is if you say that you don’t like me, which I know for a fact is not the case,” aroganteng sagot nito.

“What!” nanlaki ang mga matang bulalas niya. “I’m sorry if I somehow misled you. Pero ako ang nagsasabi sa iyo ngayon, I don’t like you and I don’t have no intention of dating you,” sagot niya.

Luisa felt like a coward but she knew it was a wise decision to turn him down. Dating Karl would only cause complications in her life.

My Special Valentine - My Hero

"You knew?" Gulat na tanong ni Eula kay Reuben. Ang ginawa niyang pagpapanggap na lalaki ang tinutukoy niya. Kaya pala hindi ito nagulat nang magpakita siya rito na nakabestida.

"Yes, Darling," anito, sabay kindat sa kanya.

She blushed. Mabilis niyang hinamig ang sarili. "K-kelan mo pa nalaman? Paano mo 'ko nabuko?"

"Hindi ka magagalit?" Nakangising tanong nito.

Napaisip si Eula. Teka nga...Bakit parang mukhang salbahe yata ang ngiti nito? Hindi kaya may ginawa ito sa kanya na hindi niya alam, noong magkasama sila sa iisang cabin sa barko? Eh, bakit naman imbis na magalit ay parang kinikilig pa siya?

My Special Valentine - Kung Kaya Kong Limutin Ka

Never would Marga admit na nasaktan siya nang makita si Brent at ang nobya nito. Naiinis lang siya dahil sa animosity ng babae na para bang karibal ang tingin nito sa kanya.

“Please lang, tell her not to worry. Kanyang-kanya ka ‘ika mo. O baka naman may dahilan para mainsecure siya? I mean, there are men who find me attractive. Malay ko, baka isa ka sa mga iyon. Hindi kaya, Brent?” Ang alcohol na ininom niya ang nagdulot sa kanya ng lakas ng loob para lapitan ang binata at pilyang damhin ang balikat nito. Nagulat siya nang hapitin siya ni Brent.

“You asked for this, damn you,” anang lalaki bago buong kapangahasang inangkin ang labi niya. His kisses were so passionate that Marga almost believed that her foolish assumption was actually true.

My Special Valentine - Ikaw Ang Tanging Pangarap

Sa ilang araw na pamamalagi ni Zyra sa Canada ay halos araw-araw siyang nakakatanggap ng bulaklak mula sa isang secret admirer. Sa isang tagong sulok ng puso niya ay naroroon pa rin ang pagmamahal para sa dati niyang nobyo na si David. Pero pitong taon na itong hindi nagpapakita sa kanya. Walang paalam na iniwan siya nito at ipinagpalit sa pangarap nito.

She knew it was time for her to learn to love somebody else. Mabigat man sa kalooban, nagpasya siyang bigyan ang sarili ng pagkakataon na magmahal muli. Hindi inaasahan ni Zyra na ang inaakala niyang bagong pag-ibig ay siya rin palang dating pag-ibig na nag–iwan ng sakit at sama ng loob sa kanya sa nakalipas na mga taon.

My Special Valentine - Just Say The Words

“Hindi ko kayang magpakasal sa ’yo,” ani G.

Tumiim ang mga bagang Rett. “Why not?”

“Because you’re not marrying me for the right reasons,” mahinang turan niya. “Hindi ko alam kung bakit gusto mo akong pakasalan, pero sigurado akong hindi para sa tamang dahilan.”

“Oh?” Humalukipkip ito. “And just what is the right reason?”

Because you love me. Nasa dulo ng dila ni G. ang mga iyon pero hindi niya maisatinig. May mga bagay na dapat ito ang makadiskubre nang kusa.

Sana nga lang ay ma-realize ni Rett iyon bago sila magpakasal ten minutes from now…

My Special Valentine - Finding Nema

“Baka naman puwedeng ikaw na lang ang umatras sa kasal natin,” pakiusap ni Nema kay Alfonso. Pakana lang ng mga magulang nila ang arranged marriage na iyon.

Tumaas ang isang kilay nito. “Now, why would I do that? Give me a valid reason.”

Mabilis siyang nag-isip. “We don’t know each other.”

“We can start getting to know each other now.”

“Committed ako sa isang relationship…”

“ I know you never had a boyfriend. Huwag kang magsinungaling,” nakangising sabi ni Alfonso.

“We don’t love each other!” huling hirit niya.

Makahulugang ngiti ang sagot nito. “We’ll get there.”

Naipadyak ni Nema ang paa sa frustration. Ganoon lang ba iyon kasimple para sa binata?

My Special Valentine - Her Seven Smiles

Namumula ang mukha ni Cheri sa inis dahil sa naabutang tagpo--inaakit ng ibang babae si Thiun! Matapos awayin ang babae, si Thiun naman ang hinarap niya. "Hindi ka nag-iingat, alam mo namang malaki ang pagnanasa n'un sa 'yo!"

"If I know selos ka lang," bulong ng binata na sadyang ipinarinig sa kanya.

"Talaga! Ang tagal ko nang idinadasal sa Baclaran ang mapasaakin ka 'tapos iba lang ang makikinabang? Hindi ako makakapa--"

"Matagal na akong iyo."

Feeling ni Cheri ay bigla siyang nabingi. Napakurap siya. Iyon na ba ang sagot ni Lord sa lahat ng pangungulit niya?

My Special Valentine - A Long And Lasting Love

“Hindi kaya isa sa mga ex-girlfriends mo ang nagsabi ng mga confidential information kay Rupert?” tanong ni Cary.

Umiling si Adrian. “I never discussed anything business-related to the women I dated. Ikaw pa lang ang girlfriend ko na nasabihan ko ng tungkol sa negosyo.”

Nag-init ang mga pisngi niya. “I…I’m not your real girlfriend.” At totoo iyon. Nagpapanggap lang sila para mahuli ang tunay na may-sala at malinis ang pangalan niya sa kasong iyon.

Mahinang tawa ang isinagot nito bago ginagap ang kamay niya at mabining hinagkan. She secretly sighed.

Kung minsan talaga, hindi na masisi ni Cary ang sarili kung mangarap man siya na gusto na ring totohanin ni Adrian ang palabas na iyon…

My Special Valentine - Kahit Kapirasong Pag-ibig Lang

“Halos gabing-gabi ka na iniuwi ng lalaking ‘yon, ah.” May pang-uuyam sa tono ni Rusty na ipinagtaka ni Janelle.

“Ano ba ang problema mo? Wala ba akong karapatang magsaya sa piling ng mga kaibigan ko? Denny happens to be one of them. And I want to have fun!” Lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Rusty. Nakadama ng panic ang dalaga nang hubarin nito ang suot na t-shirt sa harap niya. “A-ano’ng gagawin mo?” kinakabahang tanog niya.

“You want fun, di ba? Ako na lang ang magbibigay niyon kesa kung sinu-sinong lalaki!” marahas na sabi ng binata. Mabilis siya nitong dinaganan at siniil ng halik sa labi.

Janelle had dreamt of being kissed by him. But never like this!

My Special Valentines - The Man I Love : Dalawang Mukha Ng Pag-ibig

“Mahal na Mahal kita…”

Hindi malaman ni April kung dapat niyang ikatuwa ang narinig na iyon. “No, Joaquin. Ayokong paasahin ka.” Hangga’t hindi siya lumalaya sa alaala ni Steven, mahihirapan siyang magmahal muli.

“Hindi ako umaasa. Tama na sa aking makasama ka kahit sandali. Masaya na ako. Alam kong hindi puwedeng maging tayo.” Nanunungaw sa mga mata nito ang luha.

Mahal din kita, gusto na niyang sabihin, ngunit hindi niya malaman sa sarili kung para nga kay Joaquin ang mga katagang iyon o para kay Steven na ipinapaalala lang ng lalaking ito sa kanya.

My Special Valentine - Conqueror Of My Heart

Lilac needed enough conviction in her voice para makumbinsi si Pierre at nang hindi na ito mailang sa kanya. “Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa mga nangyari noon when I was sixteen and very much infatuated with you. I mean, tama ka nga. Ngayon, pinagtatawanan ko na lang lahat ‘yun... and I’m over you.” Hindi niya alam kung paano niya nagawang sabihin ng derecho ang ganoon kalaking kasinungalingan. But she was thankful. Hindi niya gustong umasa at masaktan muli ng lalaking ito.

“See? Sinabi ko na nga ba, infatuation lang iyon.” There was a trace of disappointment in his voice. O tama ba?

No. Malamang na-imagine lang iyon ni Lilac…gaya ng concern sa mga mata ni Pierre noon na naipagkamali niya bilang pag-ibig…

My Special Valentines - The Man I Love : Kahit Kunwari Lang

“Saan mo gustong mag-honeymoon?”

Nasamid si Winona nang marinig ang tanong ng kaibigan niyang si John. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi.

“Kailangan pa ba nating pag-usapan iyan?”

“Hayaan mo. Hindi tayo mag-uusap sa oras na naghahonymoon tayo,” nakangising-aso na saad nito.

Lalong namula ang mukha niya. Kung minsan gusto nang isipin ni Winona na tinototoo ni John ang pagpanggap nila bilang magnobyo. Hindi naman niya malaman kung bakit parang kinikiliti siya sa isiping iyon…

My Special Valentines - First And Last Love

Naranasan ni Mayumi na kutyain at hamakin noon. At ang ugat niyon ay ang pag-iibigan nila ni Warren. Kaya labag man sa kalooban niya, she had to go. Nakabuti sa kanya ang pag-alis at bumawi ang tadhana sa kanya. Ngayong pabalik siya sa lugar na kinalakihan, wala na marahil makakakilala sa kanya. She was now famous, rich and sophisticated. Wala nang mang-aapi sa kanya; kaya na niyang pamukhaan lahat ng lumait sa dating Mayumi.

Ngunit kahit anong kagustuhan niyang kalimutan ang lalaking naging dahilan ng lahat, hindi naman niya magawa.

Marahil dahil nagbago man ang maraming bagay tungkol sa kanya, hindi kasama roon ang pag-ibig niya para kay Warren…

My Special Valentines - The Man I Love : Stranger's Bride

“Can you help me, Anton?” Sarah asked. Alam niyang kahiya-hiya ang ginagawa niya, pero desperado na siya. “Napakaraming prolema sa rancho at wala akong ibang malalapitan.”

“And you trust me?” tanong ng binata.

Totoong kailan lang sila nagkakilala at kakaunti ang alam nila sa isa’t isa, but somehow...

“Yes,” she sincerely replied.

“Are you willing to do anything for the ranch?”

Parang gusto niyang kabahan sa seryosong tono nito. Napalunok ang dalaga bago tumango.

Pinakatitigan siya ni Anton at saka ngumiti. “Then marry me, Sarah.”

My Special Valentine - Muling Buksan Ang Puso

“Scared? Hindi naman ako nangangagat, ah!” nakangising sinabi ni Keith kay Misty nang mapansin ang reaction niya nang mapagsolo sila. “On second thought, gustong-gusto mo naman noon na kinakagat-kagat kita, di ba?” Sadyang pinaalala nito ang kanilang nakalipas na pilit na niyang ibinaon sa limot.

Pinigil niya ang sariling suntukin ito. Sa halip, ngumiti siya. “You’re right. I love that… I also like it when you’re kissing me senseless,” nang-aakit na bulong niya sa tainga nito. “And you enjoyed it everytime I nibble your ear, right?”

“Baby. . .” Muntik nang malimutan ni Misty ang orihinal na plano nang marinig ang endearment nito sa kanya noon. Pero bumalik ang huwisyo niya. She bit his ear so hard and left Keith in pain.

Precious Hearts Romances - Drop-Dead Playboys Series 18(Batch 2) : Trent Sandoval (My Love, My Hero)

Carla hated Trent to the core. Eighteen years old pa lang siya ay galit na siya rito dahil ito ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang first love. Sa pagbabalik niya mula sa Amerika pagkalipas ng limang taong pamamalagi roon ay taglay pa rin niya ang galit na iyon para dito.
Kaya naman nang buyuin siya ng mga kaibigan niyang paghigantihan si Trent ay umayon siya sa plano ng mga ito. Ang plano nila ay sirain din ang pakikipagrelasyon ni Trent sa mga babae katulad ng ginawa nitong paninira sa relasyon nila ng kanyang first love.
She was enjoying ruining his dates and seeing him get mad until she felt as if something suddenly went wrong. Bigla-bigla ay may naramdaman siyang kakaiba para dito. Soon, she realized she was falling in love with him. And to add to her pain, he was getting married... to another woman!

Precious Hearts Romances - My Love My Hero 363 : Godofredo Malaya

Ang inaasahan ni Serafina ay madramang pakikipagharap sa babaeng umagaw sa boyfriend niya ay nauwi sa trahedya. Duguan at walang buhay ang karibal niya nang madatnan niya ito sa meeting place nila. Ang masaklap, siya pa ang napagbintangang salarin.
Sa pagtakas niya ay napunta siya sa nakaparadang pickup ni Godofredo. Tinulungan naman siya ng lalaki. Itinago siya nito… sa pagitan ng mga hita nito.
“Mabango `yan. Nagpalit ako ng briefs kanina,” sabi nito.