My Special Valentine - Kung Maibabalik Lang — Christine Acance , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Kung Maibabalik Lang

“Bakit mo ako tinutulungan pagkatapos ng mga ginawa kong panghahamak sa ’yo noon?” tanong ni Frances Mae.

“What if I told you I want revenge?” Matiim ang tingin sa kanya ni Bartolome.

Napalunok siya. “Anong klaseng paghihiganti?”

Sukat doon ay bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib, awtomatiko niya iyong tinakpan ang kamay. Napangisi ito at nagtayuan ang buhok niya sa katawan.

Maaring maraming nang nagbago kay Bartolome, pero hindi kasama roon ang epekto nito kay Frances Mae.