Precious Hearts Romances - The Substitute Bride (Part 2)


Inalok ni Brent ng kasal si Wilda. At para sa dalaga, it was an offer of a lifetime. She was in love with his rich and gorgeous boss. Subalit lahat ng binanggit na dahilan ni Brent kung bakit sila pakakasal ay pawang hindi pundasyon sa pagsisimula ng pag-aasawa maliban sa iisang bagay---their sexual attraction for each other.

Pero sapat ba ang sex upang maging matagumpay ang kanilang pagsasama? At paano kung sa araw-araw ng buhay nila'y naroroon si Candra na handang bawiin ang dating kanya? Makakatagal ba ang mabuway nilang relasyon?

Precious Hearts Romances - The Substitute Bride (Part 1)


Brent Guttierez was out of her league. Rich and gorgeous. And he was his boss. Higit sa lahat, nakatakda itong pakasal sa isang childhood sweetheart, si Candra. Sa loob ng mahigit isang taong pagtatrabaho ni Wilda rito ay lihim niyang itinatangi ang lalaki. Held and kissed him only in her dreams.

Isang linggong mahigit bago ang kasal nito'y umalis si Candra. Leaving a note to postpone the wedding for at least a week. Walang balak i-postpone ni Brent ang kasal nito. And he needed a substitute bride upang pasakitan si Candra.
At available si Wilda. Tatanggihan ba niya ang katuparan ng kanyang panaginip.

Precious Hearts Romances - First Time I Saw You


Magpapakasal sila ni Kier. At hindi na siguro masama kung patiuna niyang ipagkakaloob ang sarili dito. Sa araw na handa na niyang gawin ang nasa isip, Blanca witnessed his betrayal. Ang sunod niyang nalaman, she was married to kier's elder brother, si Benedict. Si Benedict na sa pagkakakuwento ni Kier ay walang babaeng tumagal.

Precious Hearts Romances - You're Mine, Only Mine


Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama bago ito namatay sa pagkakautang nito sa mga Moravilla. At pagkalipas ng tatlong taon ay dumating si Alex Moravilla upang singilin ang pagkakautang na iyon.

Ang pagpapakasal niya kay Alex ang kabayaran. Hindi siya papayag anuman ang mangyari. Kung katawan niya ang kailangan ni Alex ay ibibigay niya huwag lamang makulong ng habang-buhay sa piling nito.

Precious Hearts Romances - Ganoon Kita Kamahal


Labing anim na taon si Judy nang ipagtabuyan siya ng ina at ng stepbrother sa Hacienda Esmeralda pabalik ng Maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Makalipas ang anim na taon ay dumating muli sa buhay niya si Jose Luis Esmeralda, ang panganay
na anak ng lalaking muling pinakasalan ng ina niya. Pinilit siya nitong iuwi ng Hacienda Esmeralda dahil sa isang trahedyang kinasangkutan ng ina. Para dito ay isa siyang masamang babae. Iyon ang pagkakilala ni Jose Luis sa kanya kahit noong panahonng siya'y dalagita pa lamang.

Pero bakit nais nitong pakasalan siya sa kabila ng pagkakaalam niyang kinasusuklaman siya nito?

Precious Hearts Romances - Leia, My Love


Dala ng pinansiyal na pangangailangan ay umuwi sa probinsiya si Leia, upang manganib sa kamay ng isang rapist. Sa pagtakas ay natagpuan siya ng isang lalaki, walang malay sa gitna ng malakas na ulan.

Binihisan at pinagpala siya ng lalaki. At hindi pa siya halos nakababawi sa kalituhan at pagkapahiya ay ipinakilala siya ng estranghero sa ina at dating kasintahan nito bilang fiancee. At lalong nakagulo sa kanyang isip ang ibig mangyari ng lalaki: totohanin nila ang pagpapanggap!

Precious Hearts Romances - Be Still My Heart


"Shake the hands of a brand new fool." Ito ang sinabi ni Jenny sa sarili nang pumayag sa alok ni Anthony na maglive-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan siya pagka't ayaw nito ng commitment.

"Arrogant little witch," ang tawag ni Anthony kay Jenny, na housemaid lamang niya. At eh ano kung walang alam na trabaho ang dalaga? Who can resist a pretty maid na nahuli niyang naka-bikini sa swimming pool niya.

Precious Hearts Romances - Apoy Sa Malamig Na Puso


Si Allie, isang cold and socialite snob. Si Greg, rough at aroganteng farm owner. Hindi nila type ang isat-isa. Pero kailangan ni Allie ng asawa kundi ay mawawala ang banking empire ng pamilya. At si Greg nama'y nangangailangan ng malaking pera.

Pera niya kapalit ng pangalan ni Greg. Marriage for convenience sa loob lamang ng anim na buwan. Walang emotional involvement. Pero bakit nagagalit siya kay Karla, ang babaeng sana'y pakakasalan ni Greg?

Precious Hearts Romances - Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko


Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid.

Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?

Precious Hearts Romances - Mga Latay Ng Pag-ibig


Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero.Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga.

Hanggang kay Daniel... Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.

Precious Hearts Romances - My Lovely Bride 14 : Mackenzie & James


They were virtually strangers. Subalit dahil sa ang flower shop ni Mackenzie ang maglalagay ng mga bulaklak sa kasal ni James Moraga, he invited her to his wedding. Then she witnessed silently the groom's dream turn into a nightmare nang hindi sumipot ang bride. Weeks later, muli silang nagtagpo ni James. He was Mending a broken heart and pride. At siya nama'y abala sa pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal ng nobyong si Perry Ober. Mackenzie returned the favor by inviting
James Moraga to her wedding. Mrs Perry Ober. Iyon ang magiging pangalan niya sa sandaling makasal sila ng nobyo. And she wanted to weep because the name sounded so foreign.

Mrs. James Moraga...Mrs. James Moraga. It ran smoothly through her tongue and she smiled at the thought. But it was just a dream. Soon, she will be Mrs. Perry Ober.

Precious Hearts Romances - My Lovely Bride : Regina & Luke


Tinakasan ni Regina ang kasal nila ni Xander nang matuklasan niya ang tunay nitong pagkatao. Nagtungo siya sa Hongkong upang kuhanin ang tatlong taong gulang na anak ng kaniyang stepsister. At muli'y tumatakas siya, sila ng batang si Charlyn.
Tinatakasan niya ang tiyuhin ng bata, ang Chinese-Filipino millionaire na si Angelo Chan, na gagawin ang lahat makuha lang si Charlyn.

Sa pagtakas nila'y hindi sinasadyang nahingan niya ng tulong si Luke Daniels, isang British-Filipino, at gugustuhin man niyang makawala rito'y hindi niya magawa. She was stuck with him. Pinag-isipan niya kung sino ang higit na mapanganib -si Angelo Chan o si Luke Daniels.

Precious Hearts Romances - GEMS : Minsan... Dito Sa Puso Ko


Dumating si Lili sa Davao upang paghilumin ang sugat na sanhi ng trahedyang sinapit ng ina... at ang pagpapakasal ng kasintahang si Calvin sa ibang babae sa panahong higit niya itong kailangan. Subalit hindi niya maunawaan ang kalungkutang bumabalot sa katauhan niya sa bawat tanawing nakikita niya sa Davao. Loneliness that had nothing to do with her mother's death o ng kataksilan ni Calvin.

Nadagdagan ang kalituhan nang maipagkamali siya ni Matthew Lorenzo, a goegeous doctor, sa ibang babae. Hindi pinaghilom ng eksotikong mga lugar sa Davao ang sugat niya. Instead, she was trapped in a maze of vengeance and greed and obsession as old as three generations.

Precious Hearts Romances - GEMS : Pangako


She was a rich man's daughter and when her father died, tinunton niya ang Lucban upang makatagpo ang ina. Nakatagpo niya si Consuelo nang araw na makatagpo niya rin si Jake Falcon, the handsome farmer and fell in love with him. He promised to marry her. But promises were made to be broken. Itinakwil at itinaboy siya ng ina nang makilala kung sino siya. Just as Jake Falcon betrayed her and married her stepsister Karla.

Who betrayed who? May katuparan pa ba ang pangako?

Precious Hearts Romances - GEMS : Hello Again, My Heart


Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked like Regina, walked like Regina and smelled like Regina. He even thought she was his wife who disappeared almost five years ago and was playing games with him. But Faith Bengson's records showed she was exactly who she was.

Hindi gusto ni Rand na ibigin at mahalin si Faith sa kabila ng iyon ang pabulusok na pinatutunguhan ng damdamin niya. He didn't want to forget the vow he'd made to his wife. His whole heart was field with memories of Regina-bittersweet memories that had kept him going. Subalit gumawa ng daan si Faith patungo sa puso niyang tangi lang para kay Regina.

Precious Hearts Romances - GEMS : Sunset And You

“Mula sa kung saan ay dumating ka sa buhay ko, Jessica, na tulad ng isang rumaragasang tubig. Now out of the blue, or just out of whim and caprice, you want out my life. Why?What have I or haven't I done?”

For a fleeting moment she thought she saw pain cross his eyes. But of course, that was just her imagination. Dahil nang muli niya itong tingnan ay wala kahit na anong ekspresyon sa mga mata nito. Then Jessica said good-bye, hoping against hope that she would survive without him in her life.

Precious Hearts Romances - Be My Love. Katherine


Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigay-galang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang ang payat at maangkad sa Emilio noon ay isang guwapong 'hunk' na ngayon?

Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon?

Precious Hearts Romances - Only You


"Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan.

Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?

Precious Hearts Romances - Aagawin Kita Sa Kanya


Si Allana, businesswoman sa gulang na 24. May boyfriend, si Mark. Guwapo, mayaman at executive. Simple at tahimik ang relasyon nila at niyayaya na siya nitong pakasal. Bigla ay nauga ang tahimik niyang mundo nang minsang masira ang kotse niya at mapilitan siyang mag-jeep. Ang driver ng jeep, si Rafael, na sa imahinasyon ng dalaga ay look-alike ni Lorenzo Llamas.
Si Rafael na kung tumitig ay matutunaw kahit batong-buhay!

Ipagpapalit ba niya si Mark kay Rafael na sa halip na modelong kotse ay jeep ang minamaneho, at sa halip na attache case ay tool box ang dala-dala?

Precious Hearts Romances - Nang Gabing Maging Akin Ka


Dalawang pag-ibig na ang nawala kay Monica dahil hindi niya nais na magkaroon ng pre-marial affairs. At ang huli, si Michael, iniwan siya sa isang resort sa Laguna nang tumanggi siyang makipagtalik dito bago sila ikasal.

Sa sama ng loob, habag sa sarili, at iglap na rebelyon na tinulungan pa ng dalawang shots ng tequila, ipinagkalooob ni Monica ang sarili sa isang total stranger.

Precious Hearts Romances - Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman


Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng Papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kaniya."Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng Papa, Nick!," buong pait niyang sinabi. "I cannot imagine that he trusted you that much!," nanunuyang dugtong niya.

".at hindi lang ang asyenda ang ipinakatiwala niya sa akin!," sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng Papa niya ay hindi siya nakaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?

Precious Hearts Romances - The Substitute Bride

Brent Guttierez was tall, dark and wow!. She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil may kasinatahan na ito at nakatakdang pakasalan, si Candra.

Dalawang linggo bago ang kasal nito ay umalis si Candra, leaving a note to postpone the wedding for at least a week. Walang balak si Brent na i-postpone ang kasal nito. And he needed a substitute bride to save his family from a scandal at upang pasakitan si Candra.

At available si Wilda. Tatanggihan ba niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Montañez (Part 2)


"Hindi ako si Annie, Luke!" "Obviously," sagot nito. "Annie's tall, voluptuous, and with breasts men would die for." She flinched. Ano ang karapatan nitong magbalik para lamang insultuhin siya at ikompara sa namatay nitong asawa? "Annie was also submissive and a passive woman," patuloy ni Luke. "Ang bawat salita ko'y batas para sa kanya."

"At lahat ng iyon ay hindi ako!" "Yes," sang-ayon nito. "You aren't tall, you're slender, and you have firm and small breasts. Yet it was as if they were made exactly to fit my hands." Napasinghap siya. And he was looking at her with what she thought was love in his eyes. Hope filled her chest. Posible bang mahalin din siya nito?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Montañez (Part 1)


Mula nang paalisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything.

Until one stormy night. Hindi niya napigilan ang sariling hindi tulungan ang babaeng namatayan ng baterya ang kotse sa gitna ng ilang at bumabagyo---only to be shocked by the intense pull he felt when their skin touched. Something long dormant stirred deep inside him. Tulad ng pinsan niyang si Kiel, marahil ay may pag-asa pang maging maligaya siyang muli. That is, if he could keep her alive from her stalker..

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Hanz


Angeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a gorgeous fishermen, whose smile melted her knees.

But he owned a black Honda Civic. At iyon mismo ang sumusunod sa kanya sa daan nang patungo siya sa San Nicolas. At ang humahabol sa kanya nang gabing mamatay si Dirk ay ang itim ding Honda Civic. At natitiyak niyang may lihim sa likod ng pagkatao nito. Was she risking her life as well as her heart by falling in love with Hanz?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Kiel (Part 2)


Sa hindi miminsang pagkakataon kay Kiel tumatakbo si Aleya in her moments of fears and nightmares. At Tuwina'y naroon parati ang mga bisig nito, to comfort and make her feel safe and secure. An much as she hated the idea, she was falling into him helplessly.

At hindi niya akalaing may katugon ang damdamin niya. She gave her heart and soul to him only to find out that he was using her from the very start. Ang sakit ay tila patalim na humihiwa sa kanya. Naroon ang posibilidad na makalaya siya mula kay Falvio subalit ang makalaya mula sa hawlang pinagkulungan ni Kiel sa kanya ay imposible. Subalit gusto ba talaga niyang makawala sa hawlang iyon sa kabila ng lahat?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Kiel (Part1)


Tumakas siya mula sa kanyang mga magulang upang kamtin ang kalayaang inalis sa kanya. From one place to another, Aleya kept running from his stepfather's men. While on the run, a complete stranger, named Kiel Montañez, abducted her and brought her to paradise as his captive. She was his hostage to lure his stepfather to a trap.

Nakapagitan siya sa dalawang taong parehong mapanganib at mahigpit na magkaaway. But Aleya was shocked to discover that she wanted to be freed from devastatingly handsome captor just as much as she wanted him. But would she be his hero? O para kay Kiel, was she just a mean to an end?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : JSS


JSS was intrigued when she saw Sandra crying desperately in a semi-darkened office room. Namumugto ang mga mata at namumula ang ilong sa kaiiyak. At ang nakaintriga ng higit kay JSS ay hindi siya kilala ng dalaga. And for the life of him, he was there and coaxed her to pour out to him her problems. And on top of all that, inalok niya ang sarili sa dalaga bilang kahalili ng taksil nitong boyfriend.

Subalit paano pakikibagayan ng isang tulad ni Sandra ang isang man of the world na tulad ni Jaime San Sebastian?

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Mitch (Part 2)


"Yes, I deliberately broke up your engagement to my cousin, Nicky. At tinulungan mo ako roon. Pumasok ka sa bitag ko ng kusang loob. Now, you're trapped in and there's no way out."

Nakaplano na ang pagpapakasal ni Nicky at Rico. Then out of nowhere dumating ang pinsan nitong si Mitch Salvatierra. Dark, attractive and dangerous. This alarming stranger had broken up deliberately her engagement to Rico. Pinaibig siya ng walang kahirap-hirap. Only to find out na naghihiganti lang si Mitch dahil dating kasintahan nito'y pumatol kay Rico. And Mitch was right. She was trapped. Trapped by love. At hindi niya gustong makawala masaktan man siya.

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Mitch (Part 1)


Nakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kontento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan. Tall and attractive. And she was enchanted for the first time in her life. Tila may magic sa simpleng pakikipagkamay niya rito.

Yet she was alarmed. Naguguluhan siya sa estrangherong damdaming pinukaw ng estrangherong lalaki.

Precious Hearts Romances - My Love My Hero : Dominic


Isang linggo matapos pakasalan si Alyna ni Dominic del Carmen ay umuwi ito ng probinsiya at hindi na muling nagpakita pa. Hinanap niya ang asawa sa probinsiyang sinasabi nito. Only to find out na ang tunay na Dominic del Carmen ay hindi ang lalaking inaakala niyang pinakasalan siya.

Bagaman guwapo ang nagpanggap na Dominic, the real Dominic is one delicious hunk of a man!

Precious Hearts Romances - Secrets : Ikaw Ay Ako O Ako Ay Ikaw?


Alam ni Cassie na naaksidente siya sa laot. But its too much of a coincidence na nagkamalay siya sa pribadong baybayin ng mga Dela Garza. Naroon na si Anton dela Garza at pinagpala siya. Noon lamamg niya nakita ang binata subalit nalaman niya n ito’y kapatid ni Robert, ang asawa ng kanyang kakambal na si Cheska. At sa pagkamangha ni Cassie ay inakala ng lahat na siya ang kakambal.

When she thought it was useless to argue, hinayaan niya ang lahat n maniwalang siya si Cheska. Anton dela Garza fell in love with her…as his brother’s widow.

Now she’s being accused of murdering her husband bilang si Cheska. Nang dalhin niya si Anton sa Mindoro upang patunayang siya si Cassie Patron ay dinatnan niyang naroon si Cheska bilang siya. Ang tangi niyang pag-asa ay ang tiwala at Pag-ibig ni Anton dela Garza na ngayon ay unti-unti nang nabubuwag ng mga matitibay na ebidensiya laban sa kanya.

Is there a way out of this tangled web of deceit?

Precious Hearts Romances - Secrets : Hello Again, Stranger ...


Hinarang ang sinasakyang bus ni Amanda. Nadagdagan ang sindak niya nang sabihin ng estrangherong nagngangalang Mitch sa mga kidnappers na mag-asawa sila. Sa kabila niyo'y tinangay pa rin silang dalawa. Alam niyang halinhinan siyang pagsasamantalahan ng mga ito at papatayin pagkatapos. At naipasya niyang ipagkaloob na muna ang sarili sa estrangherong lalaki bago mangyari iyon. Mitch obliged sa pagpipilit niya. Nakatakas siya sa tulong ng estranghero na inakala niyang napatay dahil sugatan ito nang iwan niya.

Five years later they met again at nanatiling wala siyang alam sa pagkatao ng lalaki. Pero ano ang gagawin niya kung malaman ni Mitch na anak nito ang batang ibang lalaki ang kinikilalang ama?

Precious Hearts Romances - Classics : Marry Me, Stranger


Desperado ang lolo niyang magpakasal siya sa isang malayong kamag-anak upang mapanatili ang linya ng kanilang angkan. Kung hindi gagawin ni Joanna iyon ay ang lolo niya mismo ang magpapakasal sa nurse nito at ipamana rito ang Villa de Vierre na tatlong henerasyon nang pag-aari ng kanilang angkan.

Gagawin niya ang lahat huwag lamang mawala sa angkan niya ang villa kahit na bayaran niya ang isang estranghero upang magpanggap na asawa niya. But when things didn't work to her advantage, she offered the handsome stranger half of her inheritance, pakasalan lamang siya nito nang totoo. She gambled everything, including her heart.

Precious Hearts Romances - Classics : Iniibig Kita... Mahirap Bang Sabihin Iyon?


Her life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakita siya ng kahit bahagyang maipipintas sa boyfriend ay agad niyang tinatapos ang hindi pa man nagkakaugat na relasyon.

Until Jack. Isang cowboy sa Ilocandia. Gorgeous ands sexy. At marami siyang maipipintas dito. Isa na rito ay hindi gustong bigkasin ng lalaki ang salitang mahal siya nito. And yet he wanted to marry her for a reason. And she found out she loved this imperfect man. At hindi niya gustong pakawalan ito sa kabila ng wala namang relasyong tatapusin.

Precious Hearts Romances - Classics : Sinner Or Saint


Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sariling ang pakikipag-boyfriend ang kahuli-hulihang maaari niyang isipin. Hanggang sa makilala niya si Vince Cortez, her ex-fiance's brother. Tall, mysterious, and good-looking. He abducted her, insulted her, humiliated her. "I wouldn't dare touch
you, kahit ikaw na lang ang huling babae sa lupa." Iyon ang sabi nito sa kanya.

But why the marriage proposal?

Precious Hearts Romances - Classics : Impostor


Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya. A twenty-year old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty nine and married to a famous and handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya.

Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?

Precious Hearts Romances - Classics : Midnight Phantom


Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon.

The women:
Si Anya - ang thirty-nine year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kaniyang pagkatao?

Si Nadja - Ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping.

Silang tatlo, caught in a web of love, deceit and vengeance.