My Special Valentine - Her Seven Smiles — MySpecialValentines , Pauline Pascual — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Her Seven Smiles

Namumula ang mukha ni Cheri sa inis dahil sa naabutang tagpo--inaakit ng ibang babae si Thiun! Matapos awayin ang babae, si Thiun naman ang hinarap niya. "Hindi ka nag-iingat, alam mo namang malaki ang pagnanasa n'un sa 'yo!"

"If I know selos ka lang," bulong ng binata na sadyang ipinarinig sa kanya.

"Talaga! Ang tagal ko nang idinadasal sa Baclaran ang mapasaakin ka 'tapos iba lang ang makikinabang? Hindi ako makakapa--"

"Matagal na akong iyo."

Feeling ni Cheri ay bigla siyang nabingi. Napakurap siya. Iyon na ba ang sagot ni Lord sa lahat ng pangungulit niya?