My Special Valentine - My Hero — Amaliara Chavez , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - My Hero

"You knew?" Gulat na tanong ni Eula kay Reuben. Ang ginawa niyang pagpapanggap na lalaki ang tinutukoy niya. Kaya pala hindi ito nagulat nang magpakita siya rito na nakabestida.

"Yes, Darling," anito, sabay kindat sa kanya.

She blushed. Mabilis niyang hinamig ang sarili. "K-kelan mo pa nalaman? Paano mo 'ko nabuko?"

"Hindi ka magagalit?" Nakangising tanong nito.

Napaisip si Eula. Teka nga...Bakit parang mukhang salbahe yata ang ngiti nito? Hindi kaya may ginawa ito sa kanya na hindi niya alam, noong magkasama sila sa iisang cabin sa barko? Eh, bakit naman imbis na magalit ay parang kinikilig pa siya?