My Special Valentines - The Man I Love : Kahit Kunwari Lang — Adrienne Rowland , MySpecialValentines , The Man I Love — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentines - The Man I Love : Kahit Kunwari Lang

“Saan mo gustong mag-honeymoon?”

Nasamid si Winona nang marinig ang tanong ng kaibigan niyang si John. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi.

“Kailangan pa ba nating pag-usapan iyan?”

“Hayaan mo. Hindi tayo mag-uusap sa oras na naghahonymoon tayo,” nakangising-aso na saad nito.

Lalong namula ang mukha niya. Kung minsan gusto nang isipin ni Winona na tinototoo ni John ang pagpanggap nila bilang magnobyo. Hindi naman niya malaman kung bakit parang kinikiliti siya sa isiping iyon…