My Special Valentine - Muling Buksan Ang Puso — MySpecialValentines , Niña Plaus — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Muling Buksan Ang Puso

“Scared? Hindi naman ako nangangagat, ah!” nakangising sinabi ni Keith kay Misty nang mapansin ang reaction niya nang mapagsolo sila. “On second thought, gustong-gusto mo naman noon na kinakagat-kagat kita, di ba?” Sadyang pinaalala nito ang kanilang nakalipas na pilit na niyang ibinaon sa limot.

Pinigil niya ang sariling suntukin ito. Sa halip, ngumiti siya. “You’re right. I love that… I also like it when you’re kissing me senseless,” nang-aakit na bulong niya sa tainga nito. “And you enjoyed it everytime I nibble your ear, right?”

“Baby. . .” Muntik nang malimutan ni Misty ang orihinal na plano nang marinig ang endearment nito sa kanya noon. Pero bumalik ang huwisyo niya. She bit his ear so hard and left Keith in pain.