My Special Valentine - Akin Ka, Noon At Ngayon — Lorelie Fuentes , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Akin Ka, Noon At Ngayon

Apat na taong magnobyo sina Alexa at Drake nang mapagdesisyunan nilang magpakasal. Ngunit ilang araw bago ang wedding nila, may pangyayari na nagbigay ng mabigat na dahilan kay Alexa para umurong sa kasal nila. Kahit anong pakiusap ni Drake, hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na makausap siya. Umalis siya ng bansa at tinuruan ang pusong kalimutan ang lalaki, pero hindi iyon naganap.

Sa kanyang pagbabalik ay muli silang pinagharap ng tadhana. Inaasahan na niyang namumuhi sa kanya si Drake kaya gaano man kagusto ni Alexa na makipagbalikan ay hindi na maari. Isa pa, may importanteng nilalang na nakapagitan sa kanilang dalawa ngayon…