My Special Valentine - Secret Love — Leya Ramos , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Secret Love

“What about your feelings for me?” tukoy ni Hector sa stupid crush ni Lana rito noon na ngayon lang nito nabisto sa tagal ng pagkakaibigan nila.

“Natapos na ‘yon,” mabilis niyang sagot.

“Baka natatakot ka lang na umamin. Baka mahal mo pa rin ako at ito ang rason kaya wala nang dating sa’yo ang pakikipagrelasyon ngayon.”

“Hector, kung nagwo-worry ka bilang isang kaibigan, tama na. Hindi na kita mahal. Just trust me.”

Pinatatag ni Lana ang sarili. Mas mabuti nang sabihin ang kasinungalingang iyon kaysa kaawaan siya nito at ma-guilty dahil hindi nito matugunan ang pag-ibig niya para rito—noon at ngayon.