My Special Valentine - Trust My Love — Connie C. Causing , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Trust My Love

Awa kaagad ang pumuno sa dibdib ni Ynah nang mabistahan ang histura ng kinakapatid. Halatang nagpabaya na sa sarili si Jared. Mahaba na ang buhok nito at may balbas pa. Wala na rin ang pilyong kislap sa mga mata nito.

She wanted to run to him, embrace and console him. Maibsan man kahit kaunti ang bigat nitong nararamdaman dahil sa biglaang pagkamatay ng nobya nito.

He must have loved his fiancée too much para hindi na nito gustuhing mabuhay matapos ang nangyari. All of a sudden, naisip ni Ynah na dapat magkaroon si Jared ng rason para harapin nitong muli ang buhay ng may sigla. At sino pa ba ang tutulong dito para magmahal ito muli?

Siyempre siya.