My Special Valentine - The Man I Love : My Own Love Story — Aira Felicity , MySpecialValentines , The Man I Love — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - The Man I Love : My Own Love Story

Hiling kay Lizette ng pinsan niyang namayapa, puntahan niya ang nobyo nitong si Wayne Narvaez at isanobela niya ang love story ng dalawa.

Parang piniga ang puso niya nang makita ang lalaki. Napakalayo ng Wayne na kaharap niya sa binatang bukambibig ng pinsan niya noon. Ang Wayne sa kuwento ni Elle ay masayahin, loving, mabait at friendly. Pero ang kausap niya ngayon, sing-lamig ng yelo ang mga tingin, at maging ang pananahimik nito ay naglalabas ng kalamigan.

Sa tingin ni Lizette ay kailangan nito ng tulong. At kung pagbabasehan ang malakas na kabog ng dibdib niya sa tuwing makikita ang lalaki, alam niyang hindi lamang awa ang dahilan kung bakit gusto niyang damayan si Wayne....




0 comments:

Post a Comment