My Special Valentine - The Perfect Stranger — Ivy Belen , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - The Perfect Stranger

"Hindi mo ba naisip na halos wala tayong alam isa't isa gayong may anim na taon na tayong kasal?" tanong ni Jed.

"Iyon ang kasunduan natin, di ba?" Walang emosyon ang tono ni Julienne.

"Hindi mo ba pinagsisisihan ang kasunduang iyon?"

Hindi niya masalubong ang tingin nito. Ano ba ang gusto nitong aminin niya?

Lumapit ito sa kanya at bago pa siya makapalag, hinalikan siya nito nang malalim. "That's how good it could be for us, Julienne, Perhaps even better," Jed huskily said.

Naglalaban sa loob ni Julienne ang pride at pag-ibig. Pero gaya ng dati, pride ang nangingibabaw.