My Special Valentine - Puppy Love — Cion Morales , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - Puppy Love

Walang pakialam si Lucy kahit pa naloloka kay Iñigo ang halos lahat ng babae sa campus. Inis pa rin siya rito dahil ito ang nakapatay sa aso niyang si Sherlock. Para sa tulad niyang loner, isang matapat na kaibigan ang nawala sa kanya dahil sa kayabangan ng buwisit na iyon. Isinumpa niyang hinding-hindi ito papatawarin.

Pero hindi pala siya dapat nagsasalita nang patapos. Dahil nang lubos niyang makilala ang binata, para siyang tupa na nahuli ng mangangaso. Mahirap man ay dapat na aminin ang pagkatalo.

Mukhang kailangan nang idagdag ang pangalan niya sa mahabang listahan ng mga babaeng in love kay Iñiqo Pizarro....