My Special Valentine - To Be With You — Ally Falcon , MySpecialValentines — CharmAngel's Pocketbook Corner

My Special Valentine - To Be With You

"Ang akala ko'y hindi ka na magpapakita sa 'kin pagkatapos ng pagbabanta sa 'yo ni Dad kagabi," nahihiyang saad ni Yvonne.

"Hindi niya ako mapipigilan na makipagkita sa 'yo." Lee reached for her hand and squeezed it gently. "I like you, Yvonne," sambit nito. Hindi niya alam ang isasagot kaya napayuko na lamang siya. "Do you feel the same?"

"Kailan lang tayo nagkakilala, Lee," malayong sagot niya.

"Does it matter? Ang gusto ko lang namang marinig ay kung gusto mo rin ako. Iyon lang ang mahalaga."

"I... I don't know."

Sabihin man ni Yvonne ang totoo at amining pareho sila ng nararamdaman, mukhang wala ring kahihinatnan ang pagtitinginang iyon—hangga't hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ng kanyang ama, dulot ng kabiguan sa ina ni Lee...




0 comments:

Post a Comment